Mesolitiko
Sa arkeolohiya, ang Mesolitiko (Griyego: μεσος, mesos "gitna"; λιθος, lithos "bato") ay ang kalinangan sa pagitan ng Paleolitiko at Neolitiko. Kadalasang ginagamit ang katagang "Epipaleolitiko" sa mga lugar na labas ng hilagang Europa, ngunit ito ang naging ninais na kasingkahulugan ng arkeologong Pranses hanggang sa dekada 1960.
May mga iba't ibang maikling panahon sa iba't ibang bahagi ang Eurasya. Ito ay orihinal na pagkatapos ng Pleistoseno, bago ang agrikultura materyal sa hilagang-kanluran ng Europa na tinatayang sa pagitan ng 10,000 hanggang 5,000 BCE (Before Common Era), ngunit ang materyal mula sa Levante (mga 20,000 hanggang 9,500 BCE) ay tinutukoy din bilang Mesolitiko.
Mas mayroong maliwanag na panahong Mesolitiko ang mga rehiyon na nakaranas ng mas malaking epektong pangkapaligiran habang natapos ang huling panahong glasyal, na tumagal ng mga milenyo.[1]
"Mesolitiko" sa labas ng lumang mundo
Habang may pakinabang ang mga katawagan at konseptong Paleolitiko at Neolitiko sa arkeolohiya ng Tsina, at karamihang maituturing bilang masayang naturalisado, ipinakilala ang Mesolitiko sa kalaunan, karamihan noong pagkatapaos ng 1945, at mukhnag hindi kinakailangan o kapakipakinabang katawagan sa konteksto ng Tsina. Ang lugar na tinuturing na Mesolitiko ay mas kinukunsidera bilang "Maagang Neolitiko".[2]
Sa arkeolohiya ng Indya, pinepetsa ang Mesolitiko, sa mga pagitan ng 12,000 at 8,000 BP, na nananatiling isang konsepto na ginagamit.[3]
Mga sanggunian
- ↑ Conneller, Chantal; Bayliss, Alex; Milner, Nicky; Taylor, Barry (2016). "The Resettlement of the British Landscape: Towards a chronology of Early Mesolithic lithic assemblage types". Internet Archaeology (sa wikang Ingles). 42 (42). doi:10.11141/ia.42.12.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zhang, Chi, The Mesolithic and the Neolithic in China (PDF), 1999, (sa Ingles) Documenta Praehistorica. Poročilo o raziskovanju paleolitika, neolotika in eneolitika v Sloveniji. Neolitske študije = Neolithic studies, [Zv.] 26 (1999), pp. 1–13 dLib
- ↑ Sailendra Nath Sen, Ancient Indian History and Civilization, p. 23, 1999, New Age International, ISBN 8122411983 (sa Ingles)