Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Ang Montana ( /mɒnˈtænə/) ay isang estado sa rehiyong Bundok ng Kanluraning Estados Unidos. Nasa hangganan ito ng Idaho sa kanluran, Hilagang Dakota at Timog Dakota sa silangan, Wyoming sa timog, at mga lalawigan ng Canada na Alberta, Columbiang Britaniko, at Saskatchewan sa hilaga. Ito ang ikaapat na pinakamalaking estado ayon sa laki, ang ikawalong pinakamaliit na populasyon na estado, at ang ikatlong pinamaliit ang densidad ng populasyon na estado. Kabisera nito ang Helena, habang ang Billings ang pinakamataong lungsod. Naglalaman ang kanlurang kalahati ng estado ng maraming bulubundukin, habang ang silangang kalahati ay nakikilala sa kanlurang lupain na may madamong kapatagan at matabang lupa, na may maliliit na bulubundukin na matatagpuan sa buong estado.

Montana

State of Montana
Watawat ng Montana
Watawat
Eskudo de armas ng Montana
Eskudo de armas
Palayaw: 
Big Sky Country, Treasure State
Map
Mga koordinado: 47°N 110°W / 47°N 110°W / 47; -110
Bansa Estados Unidos ng Amerika
LokasyonEstados Unidos ng Amerika
Itinatag8 Nobyembre 1889
Ipinangalan kay (sa)bundok
KabiseraHelena
Bahagi
Pamahalaan
 • Governor of MontanaGreg Gianforte
Lawak
 • Kabuuan381,154 km2 (147,164 milya kuwadrado)
Populasyon
 (1 Abril 2020, Senso)[1]
 • Kabuuan1,084,225
 • Kapal2.8/km2 (7.4/milya kuwadrado)
Kodigo ng ISO 3166US-MT
WikaIngles
Websaythttps://www.mt.gov/

Walang opisyal na palayaw ang Montana subalit may ilang hindi opisyal na pangalan, pinakakilala ang "Big Sky Country" (Malaking Lupang Langit), "The Treasure State" (Ang Estadong Kayamanan), "Land of the Shining Mountains" (Lupain ng Nagniningning na Bundok), at "The Last Best Place" (Ang Huling Pinakamainam na Lugar).[2] Pangunahing agrikultura ang ekonomiya ng Montana, kabilang ang pagrarantso, at pagsasaka ng angkak. Kabilang sa ibang mahalagang mapagkukunang yamang ekonomiko ang langis, gas, uling, pagmiminina at troso. Mahalaga din sa ekonomiya ng estado ang mga sektor ng pangangalaga ng kalusugan, serbisyo, at pamahalaan. Turismo ang pinakamabilis na lumagong sektor ng Montana, na may 12.6 milyong turista (ayon noong 2019) ang bumisita sa estado bawat taon.[3]

Etimolohiya

baguhin

Nagmula ang pangalang Montana mula salitang Kastila na montaña, na nagmula naman sa salitang Latin na montanea, na nangangahulugang "bundok" o mas malawak bilang "lupaing mabundok".[4][5] Montaña del Norte ('Hilagang Bundok') ang binagay ng pangalan ng mga naunang manggagalugad na Kastila sa buong rehiyong mabundok ng kanluran.[5] Naidagdag ang pangalang Montana noong 1863 sa isang panukalang batas ng Komite ng mga Teritoryo ng Kamara ng Estados Unidos (na si James Ashley ng Ohio ang tagapangulo) para sa teritoryo na magiging Teritoryong Idaho.[6]

Napalitan ang pangalan ng mga kinatawan na sina Henry Wilson (Massachusetts) at Benjamin F. Harding (Oregon), na nagreklamo na "walang kahulugan" ang Montana.[6] Nang inihain ni Ashley ang isang panukalang batas upang itatag ang pansamantalang pamahalaan noong 1864 para sa isang bagong teritoryo na iiukit mula sa Idaho, pinili niya muli ang Teritoryong Montana.[7] Sa pagkakataong ito, tinutulan ang pangalan ni kinatawan Samuel Cox na taga-Ohio din.[7] Nagreklamo si Cox na ang pangalan ay isang maling tawag dahil hindi naman mabundok ang karamihan ng teritoryo, at inisip na mas angkop ang pangalang Katutubong Amerikano sa halip na Kastila.[7] May ibang pangalan, tulad ng Shoshone, ang minungkahi, subalit nagpasya ang Komite ng mga Teritoryo na mayroon silang diskresyon sa pagpili ng pangalan, kaya, pinagtibay ang orihinal na pangalang Montana.[7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. https://data.census.gov/cedsci/table?t=Populations%20and%20People&g=0100000US,%241600000&y=2020; hinango: 20 Marso 2022.
  2. Robbins, J. 2008.
  3. "UM Travel Institute: 2020 Tests Montana Tourism". University of Montana (sa wikang Ingles). Agosto 18, 2020. Nakuha noong Oktubre 25, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Montana Historical Society (1910). Contributions to the Historical Society of Montana. Rocky Mountain Publishing Company. p. 47.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Malone, Roeder & Lang 1991, pp. 95–96.
  6. 6.0 6.1 Sanders 1910, pp. 15–60.
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 Library of Congress 1864.