Seoul
Ang Seoul o Seyol (Koreano: 서울) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod sa Timog Korea. Ito ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng Timog Korea, at nahahati rin ng Ilog Han. Ito ang pinakahilagang bahagi ng Timog Korea.
서울 Seoul | |
---|---|
Metropolitan City | |
Natatanging Lungsod ng Seoul | |
Transkripsyong | |
• Hangul | 서울 특별시 |
• Hanja | 서울 特別市 |
• Revised Romanization | Seoul Teukbyeolsi |
• McCune-Reischauer | Sŏul T'ŭkpyŏlsi |
Map of South Korea with Seoul highlighted | |
Mga koordinado: 37°34′N 126°58′E / 37.567°N 126.967°E | |
Bansa | South Korea |
Region | Seoul National Capital Area |
Districts | 25
|
Pamahalaan | |
• Uri | Seoul Metropolitan Government |
• Mayor | Oh Se-hoon |
Lawak | |
• Metropolitan City | 605.25 km2 (233.69 milya kuwadrado) |
Populasyon (2007) | |
• Metropolitan City | 10,421,782 |
• Kapal | 17,219/km2 (44,600/milya kuwadrado) |
• Metro | 24,472,063 |
• Dialect | Seoul |
Bulaklak | Forsythia |
Puno | Ginkgo |
Ibon | Magpie |
Websayt | seoul.go.kr |
- Tungkol ito sa kabisera ng Timog Korea, para sa Hebreong tirahan ng mga patay tingnan ang Seol (Mundong Ilalim). Para sa iba pa, tingnan ang Seol (paglilinaw).
Ito ang sentro ng politika, ekonomiya, kultura, transportasyon, at ng edukasyon para sa mga taga-Timog Korea. Ito rin ang pinakamatandang lungsod sa bansa, at ang kanyang kasaysayan ay nagsimula pa noong 18 BC. ang Dinastiyang Goryeo ay nagtayo ng palasyo sa Seoul, na tinatawag noong "Kabisera ng Katimugan". Hindi lumaon , ginawa rin ng Dinastiyang Joseon ang Seoul bilang kanilang kabisera. Ito pa rin ang naging kabisera kahit noong panahon ng panahong sinakop ng mga Hapon ang Korea noong 1910 hanggang 1945.
Ngayon, tinatagurian ang Seoul bing isa sa mga nangungunang pandaigdigang lungsod, na nagbunga mula sa mabilisang paglago ng ekonomiya nito na tinatawag na Himala sa Ilog Han kung saan mula sa guho ng Digmaang Koreano ito ay naging ikaapat sa pinakamalaking ekonomiyang panglungsod na may GDP na US$774 bilyon.[1] Dito din matatagpuan ang isa sa mga nangungunang sentro ng teknolohiya sa distrito ng Gangnam at Digital Media City, [2] at dito din matatagpuan ang mga nangungunang mga kumpaniya sa larangan ng teknolohiya tulad ng Samsung at LG, at ang kumpaniya ng sasakyan na Hyundai-Kia.
Ang Seoul din ang kinikilala bilang lungsod na may pinakamaraming nakakonekta sa Internet [3] at isa sa mga nangunguna sa kahandaan sa teknolohiya sa ulat na Cities of Opportunity ng PWC.[4] Binansagan din ang lungsod na ito bilang isa sa mga may pinakamainam na imprastraktura ng transportasyon sa buong Hilagang Hating-globo[5], kung saan kasama dito ang Seoul Subway na pinakamalaking sistema ng subway sa mundo[6], na binansagan ding pinakamainam na subway sa mundo ng Jalopnik.[7]
Sa Seoul din ginanap ang Palarong Asyano ng 1986, Olimpiko sa Tag-inig 1988, Fifa World Cup 2002 at ang G-20 Seoul summit ng 2010.
Mayo 20, 2015 kinumpirma ng World Health Organization (WHO) na ang Mers-CoV 2015 ay unang kumalat sa kapitlyo, Ang strain ay kapatid ng Mers-CoV 2012 sa Saudi Arabia, Ang Mers 2015 ay nagtala ng mga kaso sa Timog Korea ng 186 at mga patay na umabot sa 38.
Pangalan
baguhinKilala ang lungsod na ito sa nakaraan sa mga pangan na Wirye-seong (위례성/慰禮城, noong panahong Baekje), Hanju (한주/漢州, noong panahong Silla), Namgyeong (남경/南京, noong panahong Goryeo), Hanseong (한성/漢城, noong panahon ng Baekje at Joseon), Hanyang (한양/漢陽, noong panahng Joseon), Gyeongseong (경성/京城, noong panahon ng kolonyalismo).[28] Ang kasalukuyang pangalan nito ay hango sa salitang Koreano na nangangahulugang "Kabiserang Lungsod" na pinaniniwalaang nagmula sa salitang Seorabeol (서라벌/徐羅伐), na orihinal na tumutukoy sa Gyeongju, kabisera ng Silla.[8]
Hindi tulad ng ibang mga lungsod sa Korea, walang katumbas na Hanja (sulat Intsik na ginagamit sa wikang Koreano). Noong 18 Enero, 2005, napagpasyahan ng pamahalaang Seoul na palitan ang opisyal na pangalang Intsik nito sa Shou'er (payak na Intsik: 首尔; tradisyunal na Intsik: 首爾; pinyin: shǒu'ěr) mula sa makasaysayang Hancheng (simplified Chinese: 汉城; traditional Chinese: 漢城; pinyin: hànchéng).[9][10][11]
Kasaysayan
baguhinNoong 4000 BC dumating ang mga unang tao na nanirahan sa gilid ng Ilog Han.[12]
Unang naitala ang Seoul bilang Wiryeseong, kabisera ng Baekje sa hilagang-silangang Seoul.[12] May mga pader na itinayo upang paligiran ang mga lungsod, at ilan sa mga ito ay nananatili p rin sa kasalukuyan. Ang isa sa mga ito, ang Pungnaptoseong, na yari sa lupa at matatagpuan sa labas lamang ng Seoul, ay sinasabing nasa lugar mismo ng Wiryeseong.[13]
Noong ika-11 siglo, ang Goryeo, na humalili sa napagkaisang Silla, ay nagpatayo ng palasyong pang-tag-init sa Seoul, na siyang binansagan bilang "Kabisera sa Katimugan". Nito lamang sa mga panahong ito na lumaki ang Seoul.[12] Noong humalili naman ang Joseon, ang kabisera ay nilipat sa Seoul, kung saan ito ay nanatili hanggang sa pagbagsak ng dinastiya. Ang Palasyo ng Gyeongbok na itinayo noong ika-14 siglo ay nanatiling tirahan ng hari hanggang 1592. Ang isa pang malaking palasyo, ang Changdeokgung, ay itinayo noong 1405 at nagsilbing pangunahing tirahanng hari mula 1611 hanggang 1872.[12]
Napapalibutan ang lungsod ng napakalaking pader para protektahan ang mga nakatira rito mula sa mga mababangis na hayop, mga masasamang loob at mga pag-atake. Ngunit ang paglago ng lungsod ay lumagpas sa mga pader at bagaman hindi na nakatayo ang malaking bahagi nito, nananatili pa rin ang ilang mga pintuang-bayan sa sentrong Seoul, kabilang na dito ang Sugneymun (o Namdaemun) at Honginjimun (o Dongdaemun).[14] Noong panahon ng dinastiyang Joseon, ang mga pintuang-bayang ito ay binubukas at sinasara bawat araw, na sinasamahan ng pagtunog ng malalaking kampana sa Kampanaryong Bodingak.[15] Noong mga huling bahagi ng ika-19 siglo, matapos ang ilang daang taong pagsasara, muling binukas ng Seoul ang mga pintuang-bayan nito upang muling makipag-ugnay sa labas at dito nagsimula ang kaniyang modernisasyon. Ang Seoul ang kauna-unahang lungsod sa Silangang Asya na nagkaroon ng elektrisidad sa mga palasyo nito na kinabit ng Edison Illuminating COmpany,[16] at makalipas ang ilang dekada kinabitan ang mga daanan nito ng mga posteng ilaw na de-kuryente.[17]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Tech capitals of the world – Technology". Melbourne: theage.com.au. 2009-06-15. Nakuha noong 2013-08-07.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tech capitals of the world – Technology". Melbourne: theage.com.au. 2009-06-15. Nakuha noong 2013-08-07.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://travel.cnn.com/seoul/life/50-reasons-why-seoul-worlds-greatest-city-534720
- ↑ http://www.pwc.com/us/en/cities-of-opportunity/2014/assets/cities-of-opportunity-2014.pdf
- ↑ "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2015-02-12. Nakuha noong 2015-02-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The world's longest metro and subway systems". Railway-technology.com. Nakuha noong 2014-02-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Best Subway Systems In The World". Jalopnik.com. Nakuha noong 2013-08-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "yahoo". Uk.holidaysguide.yahoo.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-01-07. Nakuha noong 2015-02-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 서울특별시표기 ''首爾''로...중국, 곧 정식 사용키로 :: 네이버 뉴스 (sa wikang Koreano). News.naver.com. 2005-10-23. Nakuha noong 2012-02-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'Seoul' morphs into Chinese 'Shouer'". Chinadaily.com.cn. 2005-01-20. Nakuha noong 2012-02-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "goodcharacters.com". goodcharacters.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-09-30. Nakuha noong 2015-02-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 12.0 12.1 12.2 12.3 "Seoul". Encyclopædia Britannica. Nakuha noong 2014-02-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pungnap-toseong (Earthen Ramparts)". Seoul Metropolitan Government. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-22. Nakuha noong 2014-02-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Seoul City Wall". UNESCO. Nakuha noong 2014-02-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bosingak Belfry". Korea Tourism Organization. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-22. Nakuha noong 2014-02-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nam Moon Hyon. "Early History of Electrical Engineering in Korea: Edison and First Electric Lighting in the Kingdom of Corea" (PDF). Promoting the History of EE Jan 23–26, 2000. Institute of Electrical and Electronics Engineers. Nakuha noong 2014-02-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kyung Moon Hwang (2010). A History of Korea. Palgrave Macmillan. p. 142. ISBN 9780230364523.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)