Pagluluto:Hamburger
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | kilo | giniling na laman ng baka |
1 | kutsarita | asin |
½ | tasa | chili sauce |
1 | kutsara | lemon o kalamansi juice |
⅓ | tasang | ketchup |
2 | kutsara | asukal na pula |
1 | piraso | sibuyas, ginayat |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa isang malalim na mangkok, paghaluin ang baka, sibuyas at timplahan ng asin.
- Bumuo ng bola na kasing laki ng kamay ng bata.
- Pipiin ito upang makagawa ng patty para sa hamburger.
- Bahagyang prituhin ito sa kawali na may mainit na mantika.
- Baliktarin upang malutong mabuti.
- Hanguin at patuluin ang sobrang mantika.
- Sa isang kawali, paghaluin ang ketchup, chili sauce, asukal na pula at lemon o kalamansi juice.
- Takpan at lutuin ng 15 minuto. Ihanda sa isang malaking plato.