Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

300 (bilang)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 01:14, 10 Pebrero 2024 ni Jojit fb (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
← 299 300 301 →
Kardinaltatlong daan
Ordinalika-300
(ikatatlong daan)
Paktorisasyon22 × 3 × 52
Griyegong pamilangΤ´
Romanong pamilangCCC
Binaryo1001011002
Ternaryo1020103
Oktal4548
Duwodesimal21012
Heksadesimal12C16
Hebreoש (Shin)

Ang 300 (tatlong daan) ay isang likas na bilang na pagkatapos ng 299 at bago ng 301.

Katangiang pangmatematika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang trianggulong bilang ang 300 at kabuuan ng isang pares ng kambal na pangunahing bilang (149 + 151), gayun din, kabuuan ito ng sampung sunod-sunod na pangunahing bilang (13 + 17 + 19 + 23 + 29 + 31 + 37 + 41 + 43 + 47). Bagaman ang 300 ay hindi pangunahing bilang mismo.[1]

Isa itong palindromong sa tatlong sunod-sunod na base: 30010 = 6067 = 4548 = 3639, at gayon din sa base 13. Ang paktorisasyon ng 300 ay 22 × 3 × 52.

Sa ibang larangan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang tatlong daan ay:

  • Sa bowling, isang perpektong puntos, na matatamo sa pamamagitan ng paggulong ng strike sa lahat ng sampung frame (isang kabuuan ng labing-dalawang strike)
  • Sa Hebreong Bibliya, ang bilang ng puwersang militar na pinadala ng mga Israelitang Hukom na si Gideon laban sa mga Midianita (Mga Hukom 7:7-8[2])
  • Sang-ayon sa Islamikong tradisyon, ang bilang ng mga sundalo ng sinaunang Hari ng Israel na si Thalut na nanalo laban sa mga sundalo ni Goliath
  • Sang-ayon kay Herodotus, ang bilang ng mga sinaunang Spartan na lumaban sa isang milyon Persang mananakop noong Labanan ng Thermopylae

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]