Ideolohiya
Ang ideolohiya ay isang hanay ng mga paniniwala o pilosopiya na iniuugnay sa isang tao o pangkat ng mga tao, lalo na ang mga pinanghahawakan para sa mga kadahilanang hindi purong epistemiko,[1][2] kung saan "kasing prominente ng mga praktikal na elemento ang mga teoretikal". Dating pangunahing inilapat sa mga teorya at patakarang pang-ekonomiya, pampulitika, o relihiyon, sa isang tradisyong mababakas kina Karl Marx at Friedrich Engels, itinuturing ng mas kamakailang paggamit ng katawagan bilang pangunahing nagtutuligsa o kondenatoryo.[3] Nilikha ang katawagan ni Antoine Destutt de Tracy, isang aristokrata at pilosopo ng Kaliwagang Pranses, na inisip ito noong 1796 bilang "agham ng mga ideya" upang bumuo ng isang makatuwirang sistema ng mga ideya upang tutulan ang hindi makatuwiran na mga simbuyo ng mandurumog. Sa agham pampulitika, ginagamit ang katawagan sa isang naglalarawang kahulugan upang tukuyin ang mga sistema ng paniniwalang pampulitika.[3]
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagmula ang katawagang ideolohiya sa Pranses na idéologie, na nagmula mismo sa pagsasama-samang mga salitang Griyego: idéā (Sinaunang Griyego: ἰδέα; malapit sa Lockeanong kahulugan ng ideya) at -logíā (Sinaunang Griyego: -λογῐ́ᾱ). Ang katawagang ideolohiya at ang sistema ng mga ideyang nauugnay dito ay nilikha noong 1796 ni Antoine Destutt de Tracy habang nasa bilangguan at hinihintay ang nakabinbin na paglilitis sa panahon ng Paghahari ng Takot, kung saan binasa niya ang mga gawa ni Locke at Étienne Bonnot de Condillac.[4]
Sa pagnanais na makabuo ng isang ligtas na pundasyon para sa moral at mga agham pampolitika, nag-imbento si Tracy ng katawagan para sa isang "agham ng mga ideya", na binabatay sa dalawang bagay: (1) ang mga damdamin na nararamdaman ng mga tao habang nakikipag-ugnayan sila sa materyal na mundo; at (2) ang mga ideya na nabuo sa kanilang isipan dahil sa mga damdamin na iyon. Naisip ni Tracy ang ideolohiya bilang isang liberal na pilosopiya na magdedepensa sa kalayaan ng indibiduwal, pagmamay-ari, malayang merkado, at konstitusyonal na mga limitasyon sa kapangyarihan ng estado. Sinusuportahan niya na, sa mga aspeto na ito, ang ideolohiya ay ang pinakahenerikong katawagan dahil naglalaman din ang 'agham ng mga ideya' ng kanilang pagpapahayag at pag-aalis.[5] Napahintulutan si Tracy na ituloy ang kanyang ginawa dahil sa kudeta na naganap para patalsikin si Maximilien de Robespierre.[5] Nagkaroon ng reaksiyon si Tracy sa yugtong teroristiko ng rebolusyon (sa panahon ng rehimeng Napoleon bilang bahagi ng Mga Digmaang Napoleoniko) sa pamamagitan ng pagtatangka ng isang rasyonal na sistema ng mga ideya upang labanan ang mga di-rasyonal na simbuyo ng mandurumog na halos nagwasak sa kanya.
Mga kahulugan at pagsusuri
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maraming iba't ibang uri ng ideolohiya, kabilang ang pampulitika, panlipunan, epistemolohiko, at etikal. May tendensiya na ipalagay ng kamakailang pagsusuri ang ideolohiya bilang isang 'magkakaugnay na sistema ng mga ideya' na umaasa sa ilang mga pangunahing pagpapalagay tungkol sa realidad na maaari o walang anumang makatotohanang batayan. Sa pamamagitan ng sistemang ito, ang mga ideya ay nagiging magkakaugnay, paulit-ulit na mga huwaran sa pamamagitan ng subhutibo na patuloy na mga pagpipilian na ginagawa ng mga tao. Nagsisilbi ang mga ideyang na binhi sa paligid kung saan lumalago ang karagdagang pag-iisip. Maaring mula sa balintiyak na pagtanggap hanggang sa maalab na adbokasiya ang paniniwala sa isang ideolohiya. Nagbibigay-diin ang mga kahulugan, tulad ng kina Manfred Steger at Paul James, sa isyu ng paghuhuwaran at pag-aangking nakasalalay sa katotohanan. Sinulat nila: "Ang mga ideolohiya ay mga hinuwarang kumpol na normatibong napuspos ng mga ideya at konsepto, kabilang ang mga partikular na representasyon ng mga relasyon sa kapangyarihan. Ang mga konseptuwal na mapa na ito ay tumutulong sa mga tao na maggalugad sa pagiging kumplikado ng kanilang unibersong pampolitka at nagdadala ng mga angkin sa panlipunang katotohanan."
Interpretasyon Marxista
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagsusuri ni Marx ay nakikita ang ideolohiya bilang isang sistema ng maling kamalayan na nagmumula sa mga ugnayang pang-ekonomiya, na sumasalamin at nagpapatuloy sa mga interes ng dominanteng uri.[6]
Mga ideolohiyang pampulitika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa agham pampulitika, ang ideolohiyang politikal ay isang tiyak na etikal na hanay ng mga mithiin, prinsipyo, doktrina, mito, o simbolo ng isang kilusang panlipunan, institusyon, klase, o malaking pangkat na nagpapaliwanag kung paano dapat gumana ang lipunan, na nag-aalok ng ilang politikal at kultural na plano para sa isang tiyak na kaayusan sa lipunan. Ang mga politikal na ideolohiya ay nababahala sa maraming iba't ibang aspeto ng isang lipunan, kabilang subalit hindi limitado sa: ekonomiya, pamahalaan, kapaligiran, edukasyon, pangangalagang pangkalusugan, batas paggawa, batas kriminal, sistema ng hustisya, panlipunang seguridad at kapakanan, patakarang pampubliko at administrasyon, patakarang panlabas, karapatan, kalayaan at tungkulin, pagkamamamayan, imigrasyon, kultura at pambansang pagkakakilanlan, pangangasiwa ng militar, at relihiyon .
Ang mga ideolohiyang politikal ay may dalawang dimensyon:
- Mga Layunin: kung paano dapat gumana ang lipunan; at
- Paraan: ang pinaka-angkop na paraan upang makamit ang perpektong kaayusan.
Ipinakita ng mga pag-aaral na ang ideolohiyang pampulitika ay medyo henetikong namamana.[7]
Mga ideolohiyang epistemolohikal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kahit na hinihikayat ang paghamon ng mga umiiral na paniniwala, tulad ng sa mga teoryang siyentipiko, maaaring pigilan ng nangingibabaw na paradigma o estadong pangkaisipan ang ilang mga hamon, teorya, o mga eksperimento na maging masulong. Ang isang espesyal na kaso ng agham na nagbigay inspirasyon sa ideolohiya ay ang ekolohiya, na nag-aaral ng mga ugnayan ng mga nabubuhay na bagay sa Daigdig. Naniniwala ang sikologong perseptibo na si James J. Gibson na ang pang-unawa ng tao sa mga ekolohikal na relasyon ay ang batayan ng kamalayan sa sarili at katalusan mismo.[8] Nagmungkahi ang lingguwista na si George Lakoff ng isang nagbibigay-malay na agham ng matematika kung saan kahit na ang pinakapangunahing ideya ng aritmetika ay makikita bilang mga kahihinatnan o produkto ng pandama ng tao—na kung saan kinakailangan mismo na umunlad sa loob ng isang ekolohiya.[9]
Ang malalim na ekolohiya at ang modernong kilusang ekolohiya (at, sa mas mababang antas, ang mga partidong Lunti) ay lumilitaw na nagpatibay ng mga agham ekolohiya bilang isang positibong ideolohiya.[10] Kinabibilangan ng ilang kilalang ideolohiyang nakabatay sa ekonomiya ang neoliberalismo, monetarismo, merkantilismo, halo-halong ekonomiya, panlipunang Darwinismo, komunismo, laissez-faire na ekonomika, at malayang kalakalan. Mayroon ding mga kasalukuyang teorya ng ligtas na kalakalan at patas na kalakalan na makikita bilang mga ideolohiya.
Mga sikolohikal na paliwanag ng ideolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang malaking halaga ng pananaliksik sa sikolohiya ang nababahala sa mga sanhi, kahihinatnan at nilalaman ng ideolohiya,[11][12][13] na tinatawag ang mga tao na "hayop na ideolohikal" ni Althusser.[14] Maraming mga teorya ang sinubukang ipaliwanag ang pagkakaroon ng ideolohiya sa mga lipunan ng tao.[14]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Honderich, Ted (1995). The Oxford Companion to Philosophy (sa wikang Ingles). Oxford University Press. p. 392. ISBN 978-0-19-866132-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ideology". Lexico (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 van Dijk, T. A. (2006). "Politics, Ideology, and Discourse" (PDF). Discourse in Society (sa wikang Ingles). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2011-07-08. Nakuha noong 2019-01-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Vincent, Andrew (2009). Modern Political Ideologies (sa wikang Ingles). John Wiley & Sons. p. 1. ISBN 978-1-4443-1105-1. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Agosto 2020. Nakuha noong 7 Mayo 2020.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 Kennedy, Emmet (Hul–Set 1979). ""Ideology" from Destutt De Tracy to Marx". Journal of the History of Ideas (sa wikang Ingles). 40 (3): 353–368. doi:10.2307/2709242. JSTOR 2709242.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Marx, Karl; Engels, Friedrich (1974). "I. Feuerbach: Opposition of the Materialist and Idealist Outlooks". The German Ideology. [Students Edition] (sa wikang Ingles). Lawrence & Wishart. pp. 64–68. ISBN 9780853152170.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cloninger, et al. (1993). (sa Ingles)
- ↑ Gibson, James J. (1979). The Ecological Approach to Visual Perception (sa wikang Ingles). Taylor & Francis.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lakoff, George (2000). Where Mathematics Comes From: How the Embodied Mind Brings Mathematics Into Being (sa wikang Ingles). Basic Books.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Madsen, Peter. "Deep Ecology". Britannica (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-04-13. Nakuha noong 2021-04-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jost, John T.; Federico, Christopher M.; Napier, Jaime L. (Enero 2009). "Political Ideology: Its Structure, Functions, and Elective Affinities". Annual Review of Psychology (sa wikang Ingles). 60 (1): 307–337. doi:10.1146/annurev.psych.60.110707.163600. PMID 19035826.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Schlenker, Barry R.; Chambers, John R.; Le, Bonnie M. (Abril 2012). "Conservatives are happier than liberals, but why? Political ideology, personality, and life satisfaction". Journal of Research in Personality (sa wikang Ingles). 46 (2): 127–146. doi:10.1016/j.jrp.2011.12.009.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Saucier, Gerard (2000). "Isms and the structure of social attitudes". Journal of Personality and Social Psychology (sa wikang Ingles). 78 (2): 366–385. doi:10.1037/0022-3514.78.2.366. PMID 10707341.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 14.0 14.1 Greenberg, Jeff; Koole, Sander Leon; Pyszczynski, Thomas A. (2004). Handbook of experimental existential psychology (sa wikang Ingles). New York: Guilford Press. ISBN 978-1-59385-040-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)