Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Lojban

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Wikang Lojban
lojbo
Bigkas['loʒ.ban] at ['loʒ.bo]
Ginawa ni/ngLogical Language Group (LLG)
Users(Walang hula)
Gamit
Wikang guni-guni
  • Wikang Lojban
Latinong alpabeto
Opisyal na katayuan
Internasyunal
Pinapamahalaan ngLogical Language Group (LLG)
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1(wala)
ISO 639-2jbo
ISO 639-3jbo

Ang Lojban /'loʒ.ban/ (o lojbo /'loʒ.bo/ sa sariling tawag) ay isang artipisyal na wikang panglohika. Ang intensiyon ng paggamit nitong postmodernong wika ay para pagsuri at pagsasaliksik ng Hipotesis nina Sapir-Whorf na ang wika ay hinuhugis o kaya iniinpluwensiya ang pag-iisip.

Sa opinyon ng ibang Lojbanista, di lamang eksperimento ang Lojban at puwede ring gamitin para sa internasyunal na komunikasyon. Ang basikong bokubularyo ng Lojban ay kinuha sa paghahalo ng anim na popular na wika sa daigdig, kaya nyutral ang ambiyans niya.

Komprehensib at ekstensibol ang Lojban. Malawak ang basikong bokubularyo at puwedeng iplag lamang ang mga dayuhang salita nang mga simpleng metodo. Puwede ring ipagdugtung-dugtong ang mga salita. Ilang dekada ang ginawang riserts para madibelop ang wikang guni-guning ito. May mga fitsyur ng mga wikang etniko na nanggaling sa mga malayong pook ng daigdig, katulad ng mga ebidensiyal ng mga wikang Amerindiyo, topik marker ng Hapon, at iba pa. Opsiyonal ang tens at aspek sa Lojban.

Bandila ng Lojban
"Kumusta, Lojban." "Kumusta, lahat kayo."
Wikipedia
Wikipedia
Edisyon ng Wikipedia sa Lojban


  • Matututo ng pilosopiya.
  • Matututo ng matematika.
  • Matututo ng relatibismong kultural.
  • Matututo ng tolerasyong inter-etniko.
  • Matututo ng malawakang gramatika.

Halimbawang Pangungusap

[baguhin | baguhin ang wikitext]
.ui lo karkade cu melbi
/ʔwi lo kar.'ka.dɛ ʃu 'mɛl.bi/
"Masayang maganda ang gumamela."
karkade = gumamela; melbi = maganda
.au citka lo gugdepuxe cidjrnatadekoko
/ʔaw 'ʃit.ka lo gug.dɛ.'pu.xɛ ˌʃi.dʒr.na.ta.dɛ.'ko.ko/
"Gustong kumain ng Pilipinong nata de coco."
citka = kain; gugdepuxe = Pilipinas
la .pedros .le,ON. ne'i la .ta'AL. cu remnrfilipino
/la (.)'ped.ros (.)le.'jon(.) 'ne.hi la (.)ta.'hal(.) ʃu ˌrem.nr.fi.li.'pi.no/
"Si Pedro Leon sa Taal ay Pilipino."
remna = tao

/IPA/

(Sa IPA, ang simbolong /(.)/ ay tigil at ang /ʔ/ ay glotal o impit na tigil.)

tungkol sa tunog na ito xekri je blanu nicte 

a b c d e f g i j k l m n o p r s t u v x y z

Ang Lojban ay may 6 patinig at 17 katinig at 3 awksilyar na karakter at 16 diptonggo. Ang mga numerong 0 hanggang 9 ay ginagamit din. Ang peryod (.) ay para sa paghinto o pag-impit (glotal). Sa sinusulat, opsiyonal ang peryod, pero binibigkas pa rin. Ang koma (,) ay separador ng mga silaba sa mga pangalan (cmene) at iba pa. Ang apostropi (') ay may tinig ng /h/ at di tunay na letra sa Lojban. Iba itong tinig sa /x/ na katulad ng huling katinig sa Alemang <Bach> o Ingles na <loch>.

Katinig at awksilyar

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Katinig Awksilyar
Internasyunal
na Ponetikong Alpabeto
(IPA)
b ʃ
(ʂ)
d f
(ɸ)
ɡ ʒ
(ʐ)
k l[1] m[1] n[1]
(ɳ, ɲ, ŋ)
p r[1][2] s t v
(β)
x z h
(θ)
ʔ .
Letrang Lojban b c d f g j k l m n p r s t v x z ' . ,
Patinig
Internasyunal
na Ponetikong Alpabeto
(IPA)
a
(ɑ)
ɛ
(e)
i o
(ɔ)
u ə
Letrang Lojban a e i o u y
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 /m n l r/ ay puwedeng makasilabiko.
  2. Anumang rotiko ang puwede sa /r/.
/IPA/ ai /aj/ ei /ɛj/ oi /oj/ au /aw/
ia /ja/ ie /jɛ/ ii /ji/ io /jo/ iu /ju/
ua /wa/ ue /wɛ/ ui /wi/ uo /wo/ uu /wu/
iy /jə/ uy /wə/

Karaniwang malumay ang pagkabigkas ng mga salita, katulad ng <sanga> ("kanta") /'san.ga/. Sa mga pangalan (cmene), ginagamit ang kapitalisasyon para ibahin ang pagkabigkas, katulad ng <luZON> ("Luzon") /lu.'zon/.

Parte-parte ng gramatika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Walang distingksiyon sa Lojban ng nawn, berb, adyektib, o adberb. Iba ang mga uri ng parteng gramatika sa Lojban.

Rol ng salita

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. bridi, estruktura ng predikeyt na relasyon
  2. selbri, parteng sentral
  3. sumti, argumento ng predikeyt

Prinsipal na klase ng salita

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. mga brivla, nagkokorespond sa komon na nawn at berb
  2. mga cmene, mga pangalan
  3. mga cmavo, maliit na pang-estrukturang salita

Kategorya ng brivla

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. mga gismu, mga rut na salitang gamit sa paggawa ng ibang brivla
  2. mga lujvo, pinagdugtong na brivla
  3. mga fu’ivla, nanaturalays na salitang mula sa ibang wika
.i
lo ti mamta cu mamta lo ta mamta
sumti selbri sumti
bridi
Ang ina nito ay ina ng ina niyan.
.i
lo xanto zo'u lo nazbi cu clani
sumti sumti selbri
topik
Ang elepante ay mahaba ang ilong.

"Mahal kita." S = pangngalan (subject), V = pandiwa (verb), O = layon (object)

mi prami do SVO
mi do prami SOV
do se prami mi OVS
do mi se prami OSV
prami fa mi do VSO
prami do fa mi VOS

Numero-numero

[baguhin | baguhin ang wikitext]
numero 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 A B C D E F
Lojban no pa re ci vo mu xa ze bi so dau fei gai jau rei vai

Ang A hanggang F ay heksadesimal.

Halimbawa:
982 = sobire
7 905 231 = zesonomurecipa

Saan nanggaling ang mga salita

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ginamit ang kompyuter sa paggawa ng mga gismu. Pinaghaluhalo ang mga salita mula sa 6 wika, ang Mandarin, Ingles, Hindi, Kastila, Ruso, at Arabe. Dinibelop ang Lojban mula nang 1987 ng Logical Language Group o LLG. Nauna ang wikang Loglan na inimbento ni James Cooke Brown noong 1955 at dinebelop ng Loglan Institute.

Opisyal na Pahina ng Lojban