Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Papa Silverio

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 05:28, 10 Pebrero 2024 ni Jojit fb (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Papa Silverio
Pangalan Silverius
Nagsimula sa pagiging Papa Hunyo 8, 536
Natapos sa pagiging Papa March 537
Nakaraang Papa bago siya Agapetus I
Sinundan Vigilius
Ipinanganak ???
Lugar ng kapanganakan ???
Pampapang styles ni
Papa Silverio
Sangguniang estiloHis Holiness
Estilo ng pananalitaYour Holiness
Estilo ng relihiyosoHoly Father
Estilo ng pumanawSaint

Si Santo Papa Silverio o Pope Saint Silverius [Ingles] ay nagsilbing papa at tagapamamahala ng Simbahang Katoliko. Bilang isang papa, naglingkol siya mula Hunyo 8, 536 hanggang Marso, 537). Lehitimong anak siya ni Papa Hormisdas, na ipinanganak bago man maging pari ang kaniyang ama. Pinaniniwalaang sumailalim siya sa pamamaraan ng konsekrasyon para maging santo noong Hunyo 8, 536.

Tinanggihan niya ang pagbabalik (restorasyon) ni heretikong monopisito at dating patriarka ng Constantinople na si Anthimus, na tinanggal ni Agapetus, at ang pagtanggi niyang ito ang naging sanhi ng pagkasuklam sa kaniya ni Emperatris Theodora. Naging hangarin tuloy ni Theodora na maging papa si Vigilius. Sa kapanahunan ng pagiging papa ni Silverio, pinaniniwalaang binili niya ang kaniyang pagluklok sa upuan ni San Pedro (ibang katawagan sa pagka-Papa) mulapagka-papa mula sa see of St. Peter mula kay Haring Theodahad.

Noong Disyembre 9, 536, pumasok sa Roma ang heneral ng Byzantine na si Belisarius, na may basbas ni Papa Silverio. Bumuo ng isang hukbo ang kapalit ni Theodahad na si Witiges, at nilusob ang Roma sa loob ng maraming mga buwan, na naging sanhi ng karuhkaan at kagutuman sa lungsod. Sinasabi na sumulat si Papa Silverius kay Witiges na nag-aalok na ipagkakanulo niya ang lungsod. Dahil rito, tinanggal siya sa pagka-papa ni Belisarius noong Marso 537 sa paratang na pakikipag-ugnayang pataksil sa Roma at pagkampi niya sa mga Goth, na naging sanhi ng pagbaba ng kaniyang antas mula isang papa hanggang sa isang karaniwang monghe na lamang. Natungo siya sa Constantinople upang makipagkita kay Justinian I, na nagpaunlak naman sa reklamo ni Silverius. Pinabalik siya ni Justinian I sa Roma, subalit naipatapon naman ng lumaon ang kaniyang kalabang si Silverius sa Pandataria (Ventotene), isang kulungang pulo, kung saan namuhay si Silverius sa kapanahunan ng kaniyang mga huling araw sa mundo at nakalimutan na ng iba. Walang nakaaalam sa petsa ng kaniyang kamatayan. Ngunit, ayon sa Liber Pontificalis (Aklat ng mga Papa), hindi sa Ventotene ipinatapon si Santo Papa Si Silverio, kundi ay sa Palmarola, kung saan namatay siya pagkaraan ng dalawang buwan, noong Hunyo 20, 537.

Sa pagiging santo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang lumaon, dumaan sa pamamaraan ng beatipikasyon si Papa Silverio at naging ganap na santo. Siya ngayon ang banal na patron sa pulo ng Ponza, Italya. Tinatawag din siyang San Silverio (Saint Silverius [Ingles]). Ayon sa alamat ng Kapuluan ng Ponza, may mga mangingisdang nakasakay sa isang maliit na bangka nang magkaroon ng isang bagyo, malapit lamang sa Palmarola. Tumawag at nanalangin ang mga mangingisda kay San Silverio upang humingi ng tulong. Nagpakita sa kanila sa San Silverio at ginabayan sila ng santo patungo sa Palmarola, at sila nga'y naligtas. Ang milagrong ito ang sanhi ng pagiging santo ni San Silverio.

Ayon naman sa New Catholic Encyclopedia (Bagong Ensiklopedyang Katoliko, 1966), pinagdududahan ang mga petsa ng pagiging papa ni Papa Silverio: "Hunyo 1 o 8, 536, hanggang circa Nobyembre 11, 537; kamatayan: Palmaria, maaaring Disyembre 2, 537." Gayundin, sinasabing hindi naman siya tunay na dumaan sa proseso ng beatipikasyon o kanonisasyon, ngunit tuwirang itinuring lamang bilang isang santo ng mga mamamayan. Unang nabanggit ang kaniyang pangalan noong ika-11 dantaon, mula sa talaan ng mga santo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Catholic Encyclopedia (1913), Pope St. Silverius (Santo Santo Silverio)
  • Louise Ropes Loomis, The Book of Popes ("Liber Pontificalis", Ang Aklat-Talaan ng mga Papa). Merchantville, NJ: Evolution Publishing. ISBN 1-889758-86-8 (muling paglilimbag ng edisyong 1916. Pagsasalin sa Ingles na may mga talibaba ng mga dalubhasa, at mga ilustrasyon).
  • Kasama sa itaas ang mga laman ng isang hindi-napangalanang ensiklopedya (edisyon 9, 1887)