Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Sikodinamika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang sikodinamika, na kilala rin bilang sikolohiyang dinamika, sa buod, ay isang pamamaraan sa sikolohiya na binibigyang-diin ng sistematikong pag-aaral ng mga puwersang sikolohikal na naging sanhi sa kilos, lagay, at damdamin ng mga tao at kung paano sila ay naguugnay sa dating karanasan. Interesado ito lalo na sa mga relasyong dinamika ng pagganyak na may malay at pagganyak na walang malay.

Ginamit din ang salitang sikodinamika upang tukuyin ang pamamaraang psychoanalitikal na ginawa ni Sigmund Freud (1856-1939) at ng kanyang tagasunod. Nabigyang-sigla ng teorya ng thermodynamics si Freud at ginamit niya ang salitang sikodinamika upang ilarawan ang proseso ng pag-iisip bilang mga daloy ng enerhiyang sikolohikal (libido) sa loob ng isang komplikadong byolohikal na utak.

Sa paggamot ng pagkabalisang sikolohikal, psychodynamic psychotherapy ay hindi masyadong masinsinan, isa o dalawang beses kada-linggo kaysa klasikong Freudian psychoanalysis na paggamot ng tatlo hanggang limang kada-linggo. Ang mga psychodynamic therapy ay nakadepende sa isang teorya ng sariling basangal; kung saan lumalabas ang itinagong ugali at damdamin sa malay ng tao; sa kabuuan, ang problema ng tao ay hindi malay.