Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

1990

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dantaon: ika-19 na dantaon - ika-20 dantaon - ika-21 dantaon
Dekada: Dekada 1960  Dekada 1970  Dekada 1980  - Dekada 1990 -  Dekada 2000  Dekada 2010  Dekada 2020

Taon: 1987 1988 1989 - 1990 - 1991 1992 1993

Ang 1990 (MCMXC) ay isang karaniwang taon na nagsisimula sa Lunes sa kalendaryong Gregoryano, ang ika-1990 taon ng mga pagtatalagang Karaniwang Panahon at Anno Domini (AD), ang ika-990 taon ng ikalawang milenyo, ang ika-90 taon ng ika-20 dantaon, ang unang taon ng dekada 1990.

Kabilang sa mga mahahalagang kaganapan ang muling pagsasama ng Alemanya at pagkakaisa ng Yemen,[1] ang pormal na simula ng Proyektong Henoma ng Tao (natapos noong 2003), ang paglunsad ng Teleskopyong Pangkalawakang Hubble, ang paghiwalay ng Namibia mula sa Timog Aprika, at ang pagdedeklera ng mga estadong Baltiko ng kalayaan mula sa Unyong Sobyet sa gitna ng Perestroika. Gumuho ang rehimeng komunista ng Yugoslavia sa gitna ng tumataas na mga panloob na tensyon at maramihang partidong eleksyon na ginawa sa mga nasasakupang republika na nagresulta sa mga pamahalaang hiwalay na mahalal sa karamihan ng mga republika na sinimulan ang pagkalas ng Yugoslavia. Nagsimula din sa taon na ito ang krisis ng nagdulot sa Digmaang Gulpo noong 1991 kasunod ng pagsakop ng Iraq at malawakang internasyunal na hindi pagkilala sa pag-okupa ng Kuwait. Nagresulta ang pag-okupa na ito ng isang krisis sa Gulpong Persa na kinasangkutan ng isyu ng soberanya ng Kuwait at ang mga takot ng Saudi Arabia sa agresyon ng Iraq laban sa kanilang imbakan ng langis malapit sa Kuwait. Nagdulot ito sa pagsasagawa ng Operation Desert Shield na may internasyunal na koalisyon ng mga puwersang militar na magtipon sa hangganan ng Kuwait at Saudi kasama ang mga hiling sa Iraq na mapayapang umalis sa Kuwait. Sa taon din na ito, napalaya si Nelson Mandela sa pagkakabilanggo, at nagbitiw si Margaret Thatcher bilang Punong Ministro ng Reino Unido pagkatapos ng higit sa 11 taon.

Mahalagang taon ang 1990 sa maagang kasaysayan ng Internet. Noong taglagas ng 1990, nilikha ni Tim Berners-Lee ang unang web server at ang pundasyon para sa World Wide Web. Nagsimula ang mga operasyon sa pagsubok noong mga Disyembre 20 at inilabas sa labas ng CERN noong sumunod na taon.[2] Sa 1990 din nangyari ang pagdedekomisyon ng ARPANET, isang tagapagpauna ng sistema ng Internet at ang introduksyon ng unang nilalamang web search engine, ang Archie, noong Setyembre 10.[3]

Noong Setyembre 14, 1990, naganap ang unang kaso ng matagumpay na somatikong terapewtika hene sa isang pasyente.[4]

Dahil sa maagang resesyon noong dekada 1990 na nagsimula ng taon na ito at walang katiyakan dahil sa pagguho ng mga sosyalistang pamahalaan sa Silangang Europa, natigil o matarik na bumaba ang antas ng pagsilang sa maraming bansa noong 1990. Sa karamihan sa kanluraning bansa, naabot ang rurok ng Echo Boom noong 1990; humina ang antas ng pertilidad pagkatapos nito.[5]

Nakapagbenta ang Encyclopædia Britannica, na hindi na nagiimprenta noong in 2012, sa taon na ito ng pinakamataas sa lahat ng panahon noong 1990; 120,000 bolyum ang nabenta ng taon na iyon.[6]

Hulyo 16: Isang USGS ShakeMap na pinapakita ang intensidad ng Lindol sa Luzon ng 1990
Agosto 2: Nagsimula ang Digmaan sa Gulpo

Populasyon ng mundo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Populasyon ng mundo
1990 1985 1995
Mundo 5,263,593,000 4,830,979,000 432,614,000 +8.95 % 5,674,380,000 410,787,000 +7.80 %
Aprika 622,443,000 541,718,000 80,629,000 +14.88 % 707,462,000 85,019,000 +13.66 %
Asya 3,167,807,000 2,887,552,000 280,255,000 +9.71 % 3,430,052,000 262,245,000 +8.28 %
Europa 721,582,000 706,009,000 15,573,000 +2.21 % 727,405,000 5,823,000 +0.81 %
Latino Amerika 441,525,000 401,469,000 40,056,000 +9.98 % 481,099,000 39,574,000 +8.96 %
Hilagang Amerika 283,549,000 269,456,000 14,093,000 +5.23 % 299,438,000 15,889,000 +5.60 %
Oseaniya 26,687,000 24,678,000 2,009,000 +8.14 % 28,924,000 2,237,000 +8.38 %
Liam Hemsworth
Grant Gustin
Sean Kingston
Klay Thompson
Park Shin-hye
Emma Watson
Chris Colfer
Margot Robbie
Jennifer Lawrence
Anna Maria Perez de Tagle
David Archuleta
Roald Dahl

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Yemen". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles).
  2. "WWW Project History". w3.org (sa wikang Ingles).
  3. "The first search engine, Archive". illinois.edu (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Gene Therapy – A Brief History". CitizenLink (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 2, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "NCHS Data Brief ■ No. 136 ■ December 2013" (PDF).
  6. "Encyclopaedia Britannica ceases publication after 244 years". Nooga.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-09-18. Nakuha noong 2021-05-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Weston, Shaun (2010-08-19). "McDonald's announces bond to support growth in China". FoodBev (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2013-01-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Great Britain. Diplomatic Service Administration Office (2005). The Diplomatic Service List (sa wikang Ingles). H.M. Stationery Office. p. 130. ISBN 978-0-11-591781-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Kurtz, Howard (1990-07-03). "U.S. JURY CLEARS MARCOS IN FRAUD CASE". Washington Post (sa wikang Ingles). ISSN 0190-8286. Nakuha noong 2021-11-17.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "STS-31". Mission Archives (sa wikang Ingles). NASA. 2006-10-14. Nakuha noong 2013-01-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Drogin, Bob (1990-05-14). "2 U.S. Airmen Killed at Base in Philippines : Military: The shootings, believed to be the work of Communist rebels, come on the eve of talks on the future of American bases". Los Angeles Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-11-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  12. "May 17th is the Intl Day Against Homophobia". ILGA (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 4, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Editors, History com. "Soviet leader Mikhail Gorbachev arrives in Washington for a summit". HISTORY (sa wikang Ingles). {{cite web}}: |last= has generic name (tulong)
  14. "The Harry Potter Timeline". The-Leaky-Cauldron (sa wikang Ingles). 2007-12-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Italia '90 Il primo passo della HDTV digitale I Parte" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Hunyo 19, 2012. Nakuha noong Abril 27, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Ãrla Ryan. "In Photos: 25 years ago today the Berlin Wall fell". TheJournal.ie (sa wikang Ingles).
  17. "1990 June 14 Panay Earthquake". phivolcs.dost.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-11-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  18. "Remembering the 1990 Luzon Earthquake". Rappler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-11-17. Nakuha noong 2021-11-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Archive for PBP – www.palmbeachpost.com". newsbank.com (sa wikang Ingles).
  20. "Tim Berners-Lee bio". w3.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 7, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Yabes, Criselda (1990-10-04). "PHILIPPINE TROOPS LAUNCH REBELLION ON MINDANAO ISLAND". Washington Post (sa wikang Ingles). ISSN 0190-8286. Nakuha noong 2021-11-18.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Philippine Rebellion Ends in Surrender : Mindanao: A renegade colonel gives himself up, and government forces recover two military camps on southern island". Los Angeles Times (sa wikang Ingles). 1990-10-06. Nakuha noong 2021-11-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  23. Mellgren, Doug (1990-10-16). "Gorbachev Wins 1990 Nobel Peace Prize". AP News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-11-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  24. Berners-Lee, T.; Cailliau, R. (Nobyembre 12, 1990). "WorldWideWeb: Proposal for a HyperText Project" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 19, 2012. Nakuha noong 2013-01-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Links and Anchors" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2013-01-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Klay Thompsons's WSUCougars.com Profile". Washington State Cougars. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 7, 2014. Nakuha noong Marso 7, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)