Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Alstonia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Alstonia
Alstonia scholaris, gawi sa pagtubo (nasa itaas), mga detalye (nasa ibaba)
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Asterids
Orden: Gentianales
Pamilya: Apocynaceae
Tribo: Alstonieae
Sari: Alstonia
R.Br.
Tipo ng espesye
Alstonia scholaris
(L.) R.Br.
Species

Nasa teksto.

Kasingkahulugan [1]
  • Amblyocalyx Benth. in G.Bentham & J.D.Hooker
  • Blaberopus A.DC. in A.P.de Candolle
  • Pala Juss.
  • Paladelpha Pichon
  • Tonduzia Pittier
  • Winchia A.DC. in A.P.de Candolle

Ang Alstonia ay isang genus ng mga puno at mga palumpong na palaging lunti, mula sa pamilya ng mga halamang dogbane na Apocynaceae. Pinangalanan ito ni Robert Brown noong 1811, para kay Charles Alston (1685–1760) na isang propesor ng botanika sa Edinburgh, Scotland (Eskosya) mula 1716 hanggang 1760. Ang isang uri ng espesye na nakikilala bilang Alstonia scholaris (L.) R.Br. ay dating tinawag na Echites scholaris ni Linnaeus noong 1767.

Ang Alstonia ay binubuo ng humigit-kumulang sa 40-60 mga espesye (ayon sa iba't ibang mga may-akda), na katutubo sa tropikal at subtropikal na Aprika, Gitnang Amerika, Timog-Silangang Asya, Polynesia at Australia, na ang karamihan sa mga espesye ay nasa rehiyong Malesiano.

Ang balakbal (balat ng puno) ng Alstonia constricta ay ginagamit sa Australia bilang gamot para sa mga lagnat. Ang banakal (balat ng puno) ng Alstonia scholaris (Dita bark) na mula sa Pilipinas at India ay pangunahing ginagamit bilang mapait na toniko at anthelmintic (kontra-bulate) ngunit ginagamit din na panglunas sa paulit-ulit na mga lagnat. Ang mga tinktura ng mga balat ng puno na ito ay opisyal na nakalista sa Pharmacopoeia (talaan ng mga gamot) na Britaniko na may dosis na 10 minim, subalit hindi kinikilala sa Pharmacopoeia ng Estados Unidos.[2]

Ang Alstonia ay mayroong limang mga seksiyon, na ang bawat isa ay isang pangkat na monopiletiko; Alstonia, Blaberopus, Tonduzia, Monuraspermum, at Dissuraspermum.

Alstonia macrophylla in Hyderabad, India.
Alstonia scholaris sa Hyderabad, India.
Alstonia spectabilis

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "World Checklist of Selected Plant Families". Nakuha noong Mayo 21, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Alstonia bark". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 27.