Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Art Deco

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Art Deco na tulis ng Chrysler Building sa Lungsod ng New York; idinisenyo ni William Van Alen; itinayo 1928–30
Disenyong terracotta sunburst sa itaas ng harapáng pintuan ng Eastern Columbia Building sa Los Angeles; itinayo 1930

Ang Art Deco ay isang maimpluwensiyang estilo ng disenyo ng sining biswal na unang nakita sa Pransiya pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig at nagsimulang kumalat sa buong mundo noong mga 1920, 1930 at 1940 bago nawala ang kasikatan nito pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[1] Ito ay isang ekletikong estilo na pinaghalong tradisyonal na craft motif, at paglalarawan at materyal ng Machine Age. Malimit na ipinapakita ng estilo ang makukulay, matapang na heometrikong hugis at mga magarbong palamuti.

Umusbong ang Art Deco sa panahon sa pagitan ng mga digmaang pandaigdig, kung kailan idinulot ng mabilis na industriyalisasyon ang pagbabago ng kultura. Isa sa mga pangunahing katangian nito ay ang pagyakap sa teknolohiya. Naitatangi ang Art Deco mula sa organikong motif na nakahiligan ng sinundan nitong Art Noveau.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Hillier, Bevis (1968). Art Deco of the 20s and 30s. Studio Vista. p. 12. ISBN 978-0-289-27788-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)