Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Asetilkolina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Simbolong kumakatawan sa asetilkolina.

Ang kompuwestong kimikal na acetylcholine (daglat: Ach) o asetilkolina ay ang unang neyurotransmiter na nakilala. Ipinalalabas ng mga neyuron ng sistemang parasimpatetikong nerbyos ang neyurotransmiter na ito at sistemang sentral na nerbyos. Nakapagpapabagal ito ng tibok ng puso.

Nabubuo ang asetilkolina sa ilang piling neyuron sa tulong ng ensaym na kolinang asetiltransperase o choline acetyltransferase na galing sa mga kompawnd (kopuwesto) na kolina o choline at asetilkowa o acetyl-CoA. May mataas na atraksiyon o hatak ang mga organikong merkuryal na mga kompuwesto sa grupong sulpuhidril (sulfhydryl), na tumutulong sa epekto nito sa pagpapawalang bisa ng kolinang asetiltransperase. Maaaring magdulot ang pagpapawalang bisa nito ng kakulangan sa asetilkolinang siya namang dahilan ng pagkakaroon ng mga tanda o sintomas sa depektibong paggalaw ng katawan.


KimikaAnatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika at Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.