Auguste Rodin
Si Auguste Rodin (ipinanganak bilang François-Auguste-René Rodin; Nobyembre 12, 1840–Nobyembre 17, 1917) ay isang Pranses na alagad ng sining, mas kilala bilang eskultor. Siya ang natatanging eskultor na Pranses ng kanyang panahon, at nananatiling isa sa mga iilang mga eskultor na malawakang kinikilala sa labas ng komunidad ng sining biswal.
Ipinanganak si Rodin sa Paris. Gumawa siya ng mga bagay na yari sa bato o luwad. Ang kanyang tanyag na gawa ay ang The Thinker at The Kiss. Bagaman pangkalahatang tinuturing si Rodin na simula ng makabagong paglilok,[1] hindi niya tinakdang magrebelde laban sa nakaraan. Old-school o tradisyunal ang kanyang pagsasanay. Nilapat niya ang isang mala-artesanong paraan sa kanyang mga gawa,[2] subalit tatlong beses siyang tinanggihan sa nangungunang paaralang sining sa Paris.
May kakaibang kakayahan si Rodin na imodelo ang luwad sa isang komplikado, magulo, masaganang panlabas. Marami sa kanyang kapansin-pansing gawa ang pinuna ng marami noong panahon niya. Sumalungat ito tradisyong lilok, kung ang gawa ay pangdekorasyon, pormulaiko o napaka-tematiko.
Lumihis ang karamihan sa orihinal na gawa ni Rodin mula sa mga temang tradisyunal ng mitolohiya at alegorya. Minodelo niya ang katawan ng tao sa realismo, na may indibiduwal na karakter at pisikalidad. Tumanggi si Rodin na palitan ang kanyang istilo. Unti-unti, dumating ang pabor mula sa pamahalaan at sa pamayanang artistiko.
Labis na pinuna ang ginawa niyang estatwa ng manunulat na si Honoré de Balzac para sa Société des Gens des Lettres. Sa halip na kumbinsihin ang mga may pag-aalinlangan ng merito nito, muling binayaran ni ang Société ng kanyang komisyon at nilipat ang bantayog sa kanyang sariling hardin. Pagkatapos ng karanasang ito, hindi kinumpleto ni Rodin ang isa pang komisyong pampubliko. Noong lamang 1939 na namolde sa bronse ang Bantayog para kay Balzac. Ngayon lamang itong naisip na isang obra-maestra.[3]
Lumago ang reputasyon ni Rodin, at naging nangungunang manlilok na Pranses ng kanyang panahon. Pagsapit ng 1900, naging bantog na alagad ng sining siya sa buong mundo. Hinanap ng mga mayayamang pribadong kliyente ang mga gawa ni Rodin pagkatapos ng tanghal niya sa World's Fair (Tanghalan ng Mundo) noong 1900. Halimbawa, isang tagatangkilik na Hapon, si Matsukata Kojiro, ang nagbayad para ilang pinakamagagandang molde ni Rodin, kabilang ang "The Gates of Hell" (Tarangkahan ng Impiyerno).[4]
Pinanatili ni Rodin ang pakikipagkaibigan sa iba't ibang uri ng matataas na tao na intelektuwal at alagad ng sining. Pinakasalan niya ang kanyang matagal na kasama sa buhay, si Rose Beuret, noong huling araw ng kanyang buhay. Humina ang kanyang mga lilok sa popularidad pagkatapos siyang mamatay noong 1917.
Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
The Thinker (Ang Nag-iisip)
-
Detalye ng "The Gates of Hell"
-
Ulo ni Jean d'Aire
-
The Call to Arms (Ang Tawag sa Armas)
-
Si Eba, natuklasan ang hiya. May isa pang bersyon na nasa likuran.
-
Ang mga Burgis ng Calais sa Westminster, Londres. Inalala ang anim na mangangalakal ng Calais na inalok ang kanilang sarili bilang bihag kay Edward III ng Inglatera pagkatapos kinubkob nito ang sarili nilang bayan sa halos isang taon noong 1347.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Tucker, William 1974. Early modern sculpture. New York: Oxford University Press. ISBN 0-19-519773-9 p16 (sa Ingles)
- ↑ Hale, William Harlan 1973 [1969]. World of Rodin, 1840-1917. New York: Time-Life Books. LCCN 70-105511 p76 (sa Ingles)
- ↑ Schor, Naomi 2001. Pensive texts and thinking statues: Balzac with Rodin. Critical Inquiry 27 (2): 239–264. doi:10.1086/449007. (sa Ingles)
- ↑ Michener, James A. (1983). The Floating World, p. 244. (sa Ingles)