Blackjack
Ang blackjack (dating Black Jack at Vingt-Un) ay isang laro sa baraha. Ito ang pinakalalarong bangkerong laro (banking game) sa mga sugalan o casino sa buong mundo.[1]:342 Nilalaro ito kasama ang mga pakete ng 52 baraha at ito ang kaapo-apuhan ng isang pandaigdigang pamilya ng mga bangkero laro na kilala bilang Twenty-One (Dalawampu't isa). Kabilang din sa pamilyang ito ang mga larong baraha na Pontoon, isang Britanikong laro, at ang Vingt-et-Un, isang Europeong laro.[2]
Hindi nakakipagtunggali ang mga manlalaro ng Blackjack sa bawat isa. Kinukumpara ng bawat manlalaro ang baraha nila sa bangkero.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago naging Blackjack, nauna muna dito ang Ingles na bersyon ng twenty-one na tinatawag na Vingt-Un, isang laro na hindi alam ang pinagmulan (subalit marahil sa mga Kastila). Ang unang nakasulat na pagbanggit sa laro ay sa isang aklat ng Kastilang may-akda na si Miguel de Cervantes. Isang sugarol si Cervantes, at ang mga bida sa kanyang "Rinconete y Cortadillo", mula sa Novelas Ejemplares, ay mga nandadaya sa baraha sa Seville. Sanay silang mandaya sa veintiuna (Kastila para sa "dalawampu't isa") at sinasabi nila na ang layunin ng laro ay makaabot sa 21 puntos na hindi lumalagpas at ang halaga ng alas ay isa o labing-isa. Nilalaro ang laro sa pakete ng Kastilang baraja.
Sinulat ang "Rinconete y Cortadillo" sa pagitan ng 1601 at 1602, na ipinapahiwatig na nilalaro ang ventiuna sa Castile simula noong ika-17 dantaon o mas maaga pa. Ang kalaunang pagbanggit sa larong ito ay matatagpuan sa Pransya at Espanya.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Scarne, John (1986). Scarne's new complete guide to gambling (sa wikang Ingles) (ika-Fully rev., expanded, updated (na) edisyon). Simon & Schuster. ISBN 978-0671630638.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Parlett, David (1990). A History of Card Games, OUP, Oxford, p. 78. ISBN 0-19-282905-X (sa Ingles)
- ↑ Fontbona, Marc (2008). Historia del Juego en España. De la Hispania romana a nuestros días (sa wikang Kastila). Barcelona: Flor del Viento Ediciones. p. 89. ISBN 978-84-96495-30-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)