Papa Bonifacio VIII
Bonifacio VIII | |
---|---|
Nagsimula ang pagka-Papa | 24 Disyembre 1294 |
Nagtapos ang pagka-Papa | 11 Oktubre 1303 |
Hinalinhan | Celestine V |
Kahalili | Benedict XI |
Mga orden | |
Konsekrasyon | 23 Enero 1295 |
Naging Kardinal | 12 Abril 1281 |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Benedetto Gaetani |
Kapanganakan | c. 1235 Anagni, Papal States, Holy Roman Empire |
Yumao | Rome, Papal States | 11 Oktubre 1303
Eskudo de armas | |
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Boniface |
Si Papa Bonifacio VIII (c. 1235 – 11 Oktubre 1303) na ipinanganak na Benedetto Gaetani ang papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 1294 hanggang 1301. Siya ay pinakakilala sa kanyang mga alitan kay Dante Alighieri na naglagay sa kanya sa Ikawalong Sirkulo ng Impiyerno sa kanyang Divina Commedia sa mga simonista.
Inorganisa niya ang unang taon ng Katolikong "jubilee" upang maganap sa Roma at ipinahayag na ang espirituwal at temporal na kapangyarihan ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng papa, at ang mga hari ay mas mababa sa kapangyarihan ng obispo ng Roma.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Siya ay ipinanganak noong 1235 sa Anagni malapit sa Roma. Siya ang mas batang anak ng isang maliit na pamilyang maharlika na Caetani. Kanyang kinuha ang mga unang hakbang sa buhay relihiyoso nang siya ay ipadala sa isang monasteryo ng mga Menor na Prayle sa Velletri kung saan ay inilagay siya sa pangangalaga ng kanyang tiyuhing si Fra Leonardo Patrasso.[1] Siya ay naging isang canon ng katedral sa kanyang pagkatinedyer. Noong 1252, nang ang kanyang tiyuhing si Pietro Gaetani ay nanging Obispo ng Todi sa Umbria, si Benedetto ay sumama sa kanya at sinimulan ang kanyang mga pag-aaral ng batas doon. Noong 1260, nakamit ni Benedetoo ang isang kanonriya sa Todi gayundin ang isang maliit na katabing kastilyo ng Sismano. Noong 1264, si Benedetto ay naging bahagi ng Curia Romano kung saan ay nagsilbi siya bilang kalihim ng Kardinal Simon de Brion na naging Papa Martin IV sa isang misyon sa Pransiya. Kanya ring sinamahan si Kardinal Ottobuono Fieschi na naging Papa Adriano V sa Inglatera noong 1265–1268 upang supilin ang isang paghihimagsik ng isang pangkat ng mga barona laban kay Haring Henry III ng Inglatera. Sa pagbabalik ni Benedetto mula Inglatera, ay nagkaroon ng 8 taon na walang alam tungkol sa kanyang buhay. Pagkatapos nito, si Benedetto ay pinadala sa Pransiya upang pangasiwaan ang pangongolekta ng ikapu noong 1276 at naging notaryo ng papa sa huli nang 1270. Sa panahong ito, nakamit ni Benedetto ang labingpitong mga benefice na pinayagang kanyang panatilihin nang siya ay itinaas sa posisyon, una sa kardinal na deakono noong 1281 at pagkatapos ng 10 taon ay kardinal pari. Bilang kardinal, siya ay nagsilbing legato ng papa sa mga negosiasyong diplomatiko sa Pransiya Naples, Sicily, and Aragon. Noong 13 Disyembre 1294, isinuko ni Papa Celestino V ang kanyang pagkapapa sa Napleskung saan ay itinatag niya ang koret ng papa sa ilalim ng pagtangkilik ni Haring Carlos II ng Sicily. May isang alamat na si Benedetoo ay responsable sa pagsuko ni Celestino V ng pagkakapa sa pamamagitan ng paghikayat sa kanya na walang tao sa mundo ay maaaring dumaan sa buhay nang walang kasalanan. Ang kakontemporaryo ni Benedetto na si Bartolomeo ng Lucca na nasa Naples noong Disyembre 1294 at nakasaki ng maraming mga pangyayari sa pagsuko ni Celestino ng pagkapapa ay nagsabing si Benedetto ay isa lamang sa ilang mga kardinal na nagpilit kay Celestino na magbitiw.[2] Si Benedetto ang pumalit kay Celestino V na kumuha ng pangalang Papa Bonifacio VIII. ang konklabeng pampapa ay nagsimula noong 23 Disyembre 1294 na 10 araw pagkatapos ng pagbibitiw ni Celestino sa isang striktong pagsunod sa patakarang itinatag ni papa Gregoryo X sa Ikalawang Konseho ng Lyons noong 1274. Si Benedetto Gaetani ang nahalal na papa nang sumunod na araw.[3] Kanyang agad na ibinalik ang Curia ng Papa sa Roma kung saan ay kinoronahan siya sa Vatican Basilica noong 23 Enero 1295. Ang isa sa mga unang ginawa niya bilang papa ay ipakulong ang kanyang predesesor sa Kastilyo ng Fumone sa Ferentino kung saan ito namatay sa sumunod na taon sa edad na 81. Noong 1300, ginawang pormal ni Bonifacio VIII ang kustombreng Romanong Hubilee na pagkatapos ay naging isang pinagmumulan ng tubo at eskandalo sa simbahang Katoliko Romano. Itinatag ni Bonifacio ang University of Rome La Sapienza noong 1303. Si Bonifacio VIII ay nagsulong ng isa sa pinakamalakas na pag-aangkin sa temporal gayundin sa espiritwal na kapangyarihan ng anumang papang Romano Katoliko at patuloy na sinangkot ang kanyang sarili sa mga bagay na pandayuhan. Sa kanyang papa bull noong 1302 na Unam Sanctam, prinoklama ni Bonifacio VIII na "absolutong kinakailangan para sa kaligtasan ng bawat nilalang na tao na sumailalim sa papang Romano" na nagtulak sa supremasiya ng papa sa kasidhiang historikal. Ang mga pananaw na ito at ang kanyang patuloy na panghihimasok sa mga bagay na "temporal" ay humantong sa maraming mga mapait na pakikipag-alitan kay Emperador Albert I ng Habsburg, ang makapangyarihang pamilya ng Roma na Colonna, Haring Philip IV ng France, at Dante Alighieri na sumulat ng kanyang sanaysay na De Monarchia upang tutulan ang mga pag-aangkin ng supremasiya ng papa ngni Bonifacio VIII. Ang alitan sa mga Colonnas ay humantong sa pag-uutos ni Bonifacio VIII ng pagwasak ng siyudad ng pamilyang ito na Palestrina noong 1298 pagkatapos itong mapayapang sumuko sa ilalim ng mga kasiguraduhan ni Bonifacio VIII na ito ay patatawarin. Ang karamihan ng siyudad ay nagyabang ng mga buong gusali at monumento ngunit ito ay winasak pa rin ni Bonifacio VIII at nagkalat pa ng asin sa lugar gaya ng ginawa ng mga Romano sa Carthage nang 1500 taon bago nito. Ang tanging ang katedral ang pinatawad ni Bonifacio VIII sa pagkawasak.[4] Inangkin ni Bonifacio VIII na ang mga papa ang huling autoridad sa parehong simbahan at estado. Nang nakamit ni Haring Frederic III ng Sicily ang trono pagkatapos ng kamatayan ni Pedro III, tinangka ni Bonifacio VIII na pigilan siya sa pagtanggap ng trono ng Sicily. Nang magpilit si Frederick, siya ay itinawalag ni Bonifacio VIII at naglagay ng isang interdika sa isla ng Sicily noong 1296 na nagbawal sa mga paring Katoliko Romano na magsagawa ng ilang mga serbisyo doon. Ang alitan ay nagpatuloy hanggang sa kapayaan ng Caltabellota noong 1302 na nakikita sa anak ni Pedro na si Frederick III na kilalanin bilang hari ng Sicily samantalang si Carlos III ay kinilala bilang hari ng Naples. Upang maghanda sa isang krusada, inutos ni Bonifacio VIII ang Venice at Genoa na lumagda sa isang tigil away. Sila ay naglaban sa tatlo pang taon at tumanggi sa kanyang alok na mamagitan sa kapayapaan. Inilagay ni Bonifacio VIII ang siyudad ng Florence sa ilalim ng isang interdikta at inimbitahan ang kondeng Pranses na si Valois na pumasok sa Italya noong 1300 upang wakasan ang alitan sa mga Itim at Puting Guelph na ang manunulang si Dante ay nasa partido ng mga puti. Ang mga ambisyong pampolitika ni Bonifacio VIII ay direktang umapekto kay Dante nang si Bonifacio sa pagpapanggap ng isang pagpapayapa ay umimbita kay Carlos ng Valois na manghimasok sa mga bagay ng Florence. Ang paghihimasok ni Carlos ay pumayag sa mga Itim na Guelph na patalsikin ang namumunong mga Puting Guelph na ang mga pinuno kabilang ang manunulang si Dante ay sinentensiyahan ng pagpapatapon. Gumanti si Dante sa pamamagitan ng pagkondena sa papa bago ang kamatayan ng papa sa kanyang Divina Comedia na Inferno.
Pakikipag-alitan kay Felipe IV
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang alitan ni Bonifacio VIII kay Haring Felipe IV ng Pransiya ay dumating sa panahon ng pagpapalawig ng mga estadong bansa at ang pagnanais sa konsolidasyon ng kapangyarihan ng mga papalaking mga makapangyarihang monarko. Ito ay pinalala ng pag-akyat sa trono ni Felipe IV nang kanyang palibutan ang kanyang sarili ng mga mahuhusay na abogadong sibil at pinatalsik ang mga klero ng simbahan mula sa lahat ng pakikilahok sa pangangasiwa ng batas. sa pagsisimula ng pagbubuwis sa mga klero sa Pransiya at Inglatera upang pondohan ang kanilang pagdidigmaan sa bawat isa, si Bonifacio ay kumuha ng isang matibay na posisyon laban dito. Kanyang inutos ang bull na Clericis laicos noong Pebrero 1296 na nagbabwal sa pagbubuwis ng klero nang walang pag-aaproba ng papa. Dahil dito, ang mga alitan sa pagitan ni Bonifacio VIII at Felipe IV ay nagsimula. Si Felipe ay naghiganti laban sa bull sa pamamagitan ng pagtanggi sa pagluluwas ng salapi mula sa Pransiya tungo sa Roma na mga pondong kailangan ng simbahan upang gumana. Walang pagpipilian si Bonifacio VIII kundi tutulan ang mga hinihingi ni Felipe na nagpapaalam sa kanyang ang "itinakda ng diyos ang mga papa sa ibabaw ng mga hari at kaharian". Ipinatapon rin ni Felipe ang mga ahente ng papa na nagtitipon ng mga pondo para sa isang bagong krusada sa Gitnang Silangan. Sa bull na bull Ineffabilis amor noong Setyembre 1296, si Bonifacio VIII ay umurong. Kanyang binigyang sanksiyon ang mga bolutaryong kontribusyon mula sa mga klero para sa kinakailangang pagtatanggol ng estado at nagbigay sa hari na tukuyin ang pangangailangan. Binawi ni Felipe ang mga ordinansa sa pagluluwas at tinanggap si Bonifacio VIII na tagapamagitan ng alitan sa pagitan ni Felipe at Haring Edward I ng Inglatera. Si Bonifacio VIII ang nagpasya ng lahat ng mga isyu na pabor kay Felipe. Ang alitan sa pagitan nina Bonifacio VIII at Felipe IV ay umabot sa tuktok nito noong ika-14 na siglo CE nang magsimulang maglunsad si Felipe ng isang malakas ng kampanyang anti-papa laban kay Bonifacio VIII. Ang alitan ay lumitaw sa pagitan ng mga katulong ni Felipe at legato ng papang si Bernard Saisset. Ang legato ay dinakip sa kaso ng paghimok ng isang paghihimagsik at hinatulan ng korte ng hari at itinalaga sa kustodiya ng arsobispo ng Narbonne noong 1301. Sa bull na Ausculta fili ("Makinig ka anak", Disyembre 1301), umapela si Bonifaci VIII kay Felipe IV na mahinahong makinig sa Kahalili ni Kristo bilang espiritwal na monarko sa ibabaw ng lahat ng mga hari ng mundo. Kanyang prinotesta ang paglilitis ng mga ministro ng simbahan sa harap ng mga korte ni Felipe at patuloy na gumamit ng mga pondo ng simbahan para sa mga layunin ng estado. Nang ang bull ay itanghal kay Felipe, ito ay inagaw ng konde ng Artois mula sa kamay ng emisaryo ng papa at itinapon ito sa apoy. Noong Pebrero 1302, ang bull na Ausculta fili ay opisyal na sinunog sa Paris sa harap ni Felipe at malaking mga tao. Upang pigilan ang konseho ng simbahan na iminungkahi ni Bonifacio VIII, hinimok ni Felipe IV ang tatlong mga estado na magpulon sa Paris sa Abril. Sa unang Estadong Heneral na Pranses sa kasaysayan, ang lahat ng tatlong mga klase ng mga tao na mga maharlika, mga klero at mga karaniwang tao ay magkakahiwalay na sumulat sa Roma bilang pagtatanggol sa hari at kanyang kapangyarihang temporal. Ang ilang mga 45 preladong Pranses sa kabila ng pagbabawal ni Felipe at pagkumpiska ng kanilang mga ari-arian ay dumalo sa konseho sa Roma noong 1302. Mula sa konsehong ito, inilabas ni Bonifacio VIII ang bull na Unam sanctam. Ito ay nagdeklara na ang parehong kapangyarihang espiritwal at emporal ay nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng papa at ang mga hari ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng papang Romano. Bilang tugon, ang pangunahing ministro ni Felipe IV na si Guillaume de Nogaret ay kumondena kay Bonifacio VIII bilang heretikal na kriminal sa klerong Pranses. Noong 1303, sina Felipe IV at Nogaret ay itinawalag ng papa. Gayunpaman, noong 7 Setyembre 1303, ang hubong pinamunuan ni Nogaret at Sciarra Colonna ay sumorpresa kay Bonifacio VIII sa kanyang pag-urong sa Anagni. Hiniling ng Hari at mga Colonna ang pagbibitiw ng papa. Si Bonifacio VIII ay tumugon na siya "malapit nang mamatay". Bilang tugon, sinampal ni Colonna si Bonifacio VIII na isang sampal na naalala sa kasaysayan bilang schiaffio di Anagni ("sampal na Anagni").
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Bonifacio VIII ay malalang binugbog at halos paslangin ngunit pinalaya mula sa pagkakabihag pagkatapos ng tatlogn araw. Siya ay namatay sa mga bato ng bato at pagpapahiya noong 11 Oktubre 1303.[5] May mga tsismis na siya ay namatay sa pamamagitan ng pagpapatiwakal sa pamamagitan ng "pagnguya sa kanyang sariling braso" at paguntog ng kanyang bungo sa pader.[6]
Pagkatapos ng kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkatapos na alisin ang kapapahan sa Avignon, Pransiya noong 1309, si Papa Clemente V ay pumayag sa isang paglilitis na pagkatapos ng kamatayan ni Bonifacio VIII ng isang eklesiastikal na konsistoryo sa Groseau malapit sa Avignon na nagdaos ng mga preliminaryong pagsisiyasat noong Agosto at Setyembre 1310. Ang isang prosesong hudisyal laban sa ala-ala ni Bonifacio VIII ay idinaos [7] at nagtipon ng mga testimonya ng mga inakusang opinyong heretikal ni Bonifacip VIII. Ito ay kinabibilangan ng mga nagawa niyang sodomiya bagaman kaunti ang ebidensiya para rito.[8] Bago idaos ang aktuwal na paglilitis, hinikayat ni Clemente si Felipe na iwanan ang tanong sa pagkakasala ni Bonifacio VIII sa Konseho ng Vienne na nagpulong noong 1311. Nang magtipon ang konseho, ang tatlong mga kardinal ay humarap at nagpapatotoo ng ortodoksiya at moralidad ni Bonifacio VIII. Ang dalawang mga kabalyero bilang mga humahamon ay nagtapon ng kanilang mga guantes upang panatilihin ang kanyang inosensiya sa pamamagitan ng isang pustahan sa isang labanan. Walang tumanggap ng hamon at idineklara ng konseho na sarado na ang materya.[9]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Tosti, p. 37, citing Teuli, History of Velletri, Book 2, chapter 5.
- ↑ Bartholomew of Lucca Odoricus Raynaldus [Rainaldi], Annales Ecclesiastici Tomus Quartus [Volume XXIII] (Lucca: Leonardo Venturini 1749), sub anno 1294, p. 156: Dominus Benedictus cum aliquibus cardinalibus Caelestino persuasit ut officio cedat quia propter simplicitatem suam, licet sanctus vir, et vitae magni foret exempli, saepius adversis confundabantur ecclesiae in gratiis faciendis et circa regimen orbis.
- ↑ See the poem by Jacopo Stefaneschi, Subdeacon of the Holy Roman Church, who participated in the events: Ludovicus Antonius Muratori, Rerum Italicarum Scriptores Tomus Tertius (Milan 1723), 642.
- ↑ "The Bad Popes" by ER Chamberlin 1969, 1986 ISBN 0-88029-116-8 Chapter III "The Lord of Europe" page 102-104.
- ↑ Reardon, Wendy (2004). The Deaths of the Popes. McFarland. pp. 120.
- ↑ Chamberlain. "the Lord of Europe". The Bad Popes. Barnes and Noble.
- ↑ Its records were republished in a critical edition by J. Coste (1995).
- ↑ James Brundage, Law, Sex and Christianity in Medieval Europe (University of Chicago, 1990), p. 473
- ↑ The Age of Faith, Will Durant, 1950, 13th printing, page 816