Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

DZRM

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Radyo Pilipinas 3 (DZRM)
Pamayanan
ng lisensya
Lungsod Quezon
Lugar na
pinagsisilbihan
Kalakhang Maynila at mga karatig na lugar
Frequency1278 kHz
Tatak
  • Radyo Pilipinas 3
  • RP3 Alert
Palatuntunan
WikaFilipino
FormatPublic radio
NetworkRadyo Pilipinas
Pagmamay-ari
May-ariPresidential Broadcast Service
DZRB, DZSR, DWFO, DWFT, DZRP, DWGT-TV, DZTV-TV
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1987
Dating pangalan
  • Radyo Maynila
  • Radyo Magasin
Kahulagan ng call sign
Radyo Magasin
Radyo Maynila
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power10,000 watts
Link
WebcastDZRM Radyo Pilipinas 3 Live Audio
WebsitePBS

Ang DZRM (1278 AM), sumasahimpapawid bilang Radyo Pilipinas 3 (RP3 Alert), ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Presidential Broadcast Service. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa 4th Floor, PIA/Media Center Building, Visayas Avenue, Barangay Vasra, Diliman, Lungsod Quezon, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Barangay Marulas, Valenzuela.

1987 - 2017: Radyo Manila / Radyo Magasin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinatag ang himpilang ito noong 1987 bilang Radyo Maynila sa utos ng BBS-PBS interim director na si Jose Mari Gonzales na may sari-sariling pangalan ang mga himpilan nito, kagaya ng Radyo ng Bayan (918 kHz), Sports Radio (738 kHz) at Radyo Pagasa (SW).

Nung huling bahagi ng dekada 90, naging pampublikong radyo ito bilang Radyo Magasin. Bahagi ng format nito ay tungkol sa mga kasalukuyang kaganapan at kulturang Pilipino. Kagaya ito ng format ng isang magasin.[1]

Mula 2007 hanggang 2009, tahanan ng DZRM ang programa para sa kulturang Español, Filipinas, Ahora Mismo.[2]

Noong Setyembre 17, 2017, namaalam ang Radyo Magasin sa ere. Halos lahat ng mga programa nito ay sumanib sa DZSR bilang Radyo Pilipinas Dos, na inilunsad sa susunod na araw.[3]

2020-2023: DepEd TV Simulcast

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Oktubre 5, 2020, bumalik ito sa ere bilang riley ng DepEd TV bilang bahagi ng programang distance learning sa kalagitnaan ng Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas. Nagtagal ito hanggang Hunyo 2022.[4] Nagpatugtog ito ng musika tuwing hindi sumahimpapawid ang DepEd TV.

2023-present: Radyo Pilipinas 3

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Abril 10, 2023, muling inilunsad ang himpilang ito bilang Radyo Pilipinas 3 (RP3 Alert). Nagsisilbi itong himpilan para sa paghahanda sa kahit anong emerhensya at pagpapakalat ng impormasyon. Karamihan ng mga progrma nito ay naka-simulcast sa RP1 and RP2.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Radio Promotion of Tinig Ng Kababaihan
  2. Spanish language to hit airwaves
  3. "PCOO E-Brochure" (PDF). Presidential Communications Operations Office. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Marso 7, 2019. Nakuha noong Hunyo 26, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Hernando-Malipot, Merlina (Setyembre 24, 2020). "DepEd TV, DepEd Radio eyed as permanent programs". Manila Bulletin.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)