Dahon (halaman)
Ang isang dahon (Ingles: leaf)ay alinman sa mga pangunahing dugtungan ng isang baskyulang sanga ng halaman, ito'y karaniwang nadadala sa gilid sa itaas ng lupa at mahalaga para sa potosintesis.
Ang mga dahon ay karaniwan ay berde. May iba't - ibang sukat ang mga ito; maaaring malaki o malait depende sa espesye ng halaman.[1]
Istraktura ng Dahon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang petiole ang kumokunekta sa dahon mula sa sanga. Ito ay mahalaga sapagkat dito kumukuha ang dahon ng mga inabsorbahang sustansya mula sa ugat ng halaman.[2]
Ang leaf base naman ay kalapit lang ng petiole, ito ay prumoprotekta sa isang bago o batang axillary bud.[2]
Ang lamina naman ay nahahati sa tatlong bahagi: (1) ang apex, (2) ang dulo ng leaf blade, (3) at ang mga litid o ugat ng dahon. Ito ang pinakamahalang bahagi ng dahon dahil dito nangyayari ang prosesong potosintesis.[2]
Kahalagahan ng Dahon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga dahon ay mahalaga sa halaman sapagkat ito ang nagbibigay pagkain dito sa pamamagitan ng prosesong potosintesis. Ang mga kloropil (chlorophyll), isang substansya na nagbibigay pagkakulay berde ng dahon, ay kumukuha ng enerhiya mula sa araw. Kapag ang mga kloropil na nagtataglay ng mga kloroplast (chloroplasts) ay nakipag-ugnayan sa ilang mga ensima, ginagamit nito ang enerhiya para makuha mula sa tubig ang mga elementong idrohino at oksihino. Ang mga oksihinong ito ay inaalis mula sa dahon at pinapalitan ang mga lumang oksihino sa atmospera. Ang mga dahon din ay naglilinis ng ating hangin sa pamamagitan ng pag-absorba ng carbon dioxide.[3]
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Encyclopaeda Apollo Volume VII (1971), McGraw-Hill Far Eastern Publishers (S) Ltd.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 Mukherjee, Santanu (2019-12-05). "Parts of a Leaf, Their Structure and Functions With Diagram". Science Facts (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-12-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Leaf | Definition, Parts, & Function | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-12-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)