Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Kahoy

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga seksiyon ng punong-kahoy

Ang kahoy ay isang tisyung pang-estraktura na matatagpuan sa mga tangkay at ugat ng mga puno at iba pang makahoy na halaman. Isa itong organikong materyal – isang natural na kompositiong mga hiblang selulusa na malakas sa tensyon at nakapirmi sa isang matris ng lignina na lumalaban sa kompresyon. Binibigyang kahulugan minsan ang kahoy bilang pangalawang silema (o xylem) lamang sa mga tangkay ng mga puno[1] o sa mas malawak na kahulugan, upang isama ang parehong uri ng tisyu sa ibang lugar, tulad ng sa mga ugat ng mga puno o mga palumpong. Sa isang buhay na puno, gumaganap ito isang suportang tungkulin, na nagbibigay-daan sa makahoy na mga halaman na lumaki o tumayo nang mag-isa. Naghahatid din ito ng tubig at mga sustansya sa pagitan ng mga dahon, iba pang lumalagong tisyu, at mga ugat. Maaari din na tumukoy ang sa iba pang mga materyales sa halaman na may maihahambing na mga katangian, at sa materyal na ininhinyero mula sa kahoy, mga nasinsel na kahoy, o hibla.

Ang kahoy ay ginamit sa libu-libong taon bilang panggatong, materyales sa konstruksyon, paggawa ng mga kasangkapan at sandata, muwebles at papel. Lumitaw kamakailan lamang ito bilang isang kagamitang panangkap para sa produksyon ng pinurong selulosa at mga deribatibo nito, tulad ng selopan (cellophane) at asetatong selulosa.

Noong 2020, ang lumalaking nakalaan sa mga kagubatan sa buong mundo ay humigit-kumulang 557 bilyong metro kubiko.[2] Bilang isang napakaraming karbong-nyutral[3] na nababagong mapagkukunan, naging matinding interes ang mga makahoy na materyales bilang pinagmumulan ng nababagong enerhiya. Noong 2008, humigit-kumulang 3.97 bilyong metro kubiko ng kahoy ang inani.[2] Ang nangingibabaw na paggamit ay para sa mga kasangkapan at pagtatayo ng gusali.[4]

Ang kahoy ay siyentipikong pinag-aralan at sinaliksik sa pamamagitan ng disiplina ng agham ng kahoy, na sinimulan mula pa noong simula ng ika-20 dantaon.

Ang isang pagtuklas noong 2011 sa lalawigan ng Bagong Brunswick sa Canada ay nagbunga ng pagtukoy sa pinakaunang kilalang mga halaman na tumubo ng kahoy, humigit-kumulang 395 hanggang 400 milyong taon na ang nakalilipas.[5]

Maaaring lagyan ng petsa ang kahoy sa pamamagitan ng pagpepetsang karbon at sa ilang espesye sa pamamagitan ng dendrokronolohiya upang matukoy kung kailan nilikha ang isang bagay na gawa sa kahoy.

Ang mga tao ay gumamit ng kahoy sa loob ng libu-libong taon para sa maraming layunin, kabilang ang bilang panggatong o bilang isang materyales sa konstruksyon para sa paggawa ng mga bahay, kasangkapan, sandata, muwebles, pagbabalot, likhang sining, at papel. Ang mga kilalang konstruksyon gamit ang kahoy ay nagsimula noong sampung libong taon nakalipas. Ang mga gusali tulad ng mga mahabang bahay sa Europang Neolitiko ay pangunahing gawa sa kahoy.

Ang kamakailang paggamit ng kahoy ay pinahusay ng pagdaragdag ng bakal at tanso sa konstruksyon.[6]

Ang taon-sa-taon na pagkakaiba-iba sa mga lapad ng singsing ng puno at mga isotopikong kasaganaan ay nagbibigay ng mga pahiwatig sa umiiral na klima sa oras na pinutol ang isang puno.[7]

Mga pinagmumulan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

 Naglalaman ang artikulo na ito ng sinalin na tekso mula sa orihinal na tekso na isang malayang gawang nilalaman. Nakalisensya sa ilalim ng CC BY-SA IGO 3.0 (pahayag ng lisensya/permiso). Kinuha ang teksto mula sa World Food and Agriculture – Statistical Yearbook 2023​, FAO, FAO.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Hickey, M.; King, C. (2001). The Cambridge Illustrated Glossary of Botanical Terms (sa wikang Ingles). Cambridge University Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 FAO. 2020. Global Forest Resources Assessment 2020: Main report Naka-arkibo 2022-11-05 sa Wayback Machine.. Rome. (sa Ingles)
  3. "The EPA Declared That Burning Wood is Carbon Neutral. It's Actually a Lot More Complicated" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 30, 2021. Nakuha noong Hunyo 3, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Horst H. Nimz, Uwe Schmitt, Eckart Schwab, Otto Wittmann, Franz Wolf "Wood" in Ullmann's Encyclopedia of Industrial Chemistry 2005, Wiley-VCH, Weinheim. doi:10.1002/14356007.a28_305 (sa Ingles)
  5. "N.B. fossils show origins of wood" (sa wikang Ingles). CBC.ca. Agosto 12, 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 13, 2011. Nakuha noong Agosto 12, 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Woods, Sarah. "A History of Wood from the Stone Age to the 21st Century". EcoBUILDING (sa wikang Ingles). A Publication of The American Institute of Architects. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 29, 2017. Nakuha noong Marso 28, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Briffa, K.; Shishov, V.V.; Melvin, T.M.; Vaganov, E.A.; Grudd, H.; Hantemirov (2008). "Trends in recent temperature and radial tree growth spanning 2000 years across northwest Eurasia". Philosophical Transactions of the Royal Society B: Biological Sciences (sa wikang Ingles). 363 (1501): 2271–2284. doi:10.1098/rstb.2007.2199. PMC 2606779. PMID 18048299.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)