Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Deplasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa ekonomika, ang deplasyon ay pagbaba sa pangkalahatang antas-presyo ng mga kalakal at serbisyo.[1] Nangyayari ang deplasyon kapag bumaba pa sa 0% ang tasa ng implasyon (negatibong tasa ng implasyon). Pinapababa ng implasyon ang halaga ng pera sa paglipas ng panahon, ngunit pinapataas ito ng biglaang deflation. Nagbibigay-daan ito na makabili ng mas maraming produkto at serbisyo kaysa dati gamit ang parehong dami ng pera. Iba ang deplasyon sa desimplasyon, ang pagbagal sa tasa ng implasyon, yaon ay kapag bumaba ang tasa ng implasyon ngunit positibo pa rin.[2]

Karaniwang pinaniniwalaan ng mga ekonomista na isang problema ang deplasyong biglaan sa modernong ekonomiya dahil pinapataas nito ang tunay na halaga ng utang, lalo na kung hindi inaasahan ang deplasyon. Maaari ring palalain ng deplasyon ang mga resesyon at umiikid na deplasyon.[3][4][5][6][7][8][9]

Ikinakatuwiran ng ilang ekonomista na mauugnay ang pangmatagalang deplasyon sa pag-unlad ng teknolohiya sa isang ekonomiya, dahil kapag tumataas ang produktibidad, bumababa ang gastos sa kalakal.[10]

Kadalasang nangyayari ang deplasyon kapag mataas ang suplay (kapag sumobra ang naprodus), habang mababa ang demand (kapag bumaba ang pagkonsumo), o kapag bumaba ang suplay ng pera (minsan bilang tugon sa kontraksiyon na nalikha dahil sa walang-ingat na pamumuhunan o paghigpit ng kredito) o dahil sa netong labas-daloy ng kapital mula sa ekonomiya.[11] Maaari rin itong mangyari kung masyadong marami ang nakikipagkumpetensiya at masyadong maliit ang konsentrasyon ng merkado.[12]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Robert J. Barro at Vittorio Grilli (1994), European Macroeconomics [Makroekonomikang Europeo] (sa wikang Ingles), kab. 8, pa. 142. ISBN 0-333-57764-7
  2. O'Sullivan, Arthur; Sheffrin, Steven M. (2003). Economics: Principles in Action [Ekonomika: Pagkilos ng Mga Prinsipyo] (sa wikang Ingles). Upper Saddle River, New Jersey: Pearson Prentice Hall. p. 343. ISBN 0-13-063085-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Harry Wallop, Harry Wallop (18 Nobyembre 2008). "Deflation: why it is dangerous" [Deplasyon: bakit ito delikado]. The Daily Telegraph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-01-12. Nakuha noong 20 Setyembre 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "The Economist explains: Why deflation is bad" [Ipinapaliwanag ng The Economist: Bakit masama ang deplasyon]. Economist (sa wikang Ingles). Economist magazine. 7 Ene 2015. Nakuha noong 20 Setyembre 2016.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Krugman, Paul (2 Agosto 2010). "Why is Deflation Bad?" [Bakit Masama ang Deplasyon?]. The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Setyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Walker, Andrew (29 Enero 2016). "Is deflation such a bad thing?" [Masama ba talaga ang deplasyon?]. BBC (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Setyembre 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Thoma, Mark (8 Abril 2014). "Explainer: Why is deflation so harmful?" [Pampaliwanag: Bakit napakasama ng deflation?]. Moneywatch (sa wikang Ingles). CBS. Nakuha noong 20 Setyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Hummel, Jeffrey Rogers. "Death and Taxes, Including Inflation: the Public versus Economists" [Kamatayan at Buwis, Kabilang ang Implasyon: ang Publiko kontra sa Mga Ekonomista] (sa wikang Ingles) (Enero 2007). [1] Naka-arkibo 2009-03-25 sa Wayback Machine.
  9. Blanchard, O.; Dell'Ariccia, G.; Mauro, P. (18 Agosto 2010). "Rethinking macroeconomic policy" [Muling pag-iisip ng patakarang makroekonomiko]. Journal of Money, Credit and Banking (sa wikang Ingles). 42 (1): 199–215. CiteSeerX 10.1.1.153.7293. doi:10.1111/j.1538-4616.2010.00334.x. S2CID 14824203.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Bordo, Michael D.; Filardo, Andrew J. (2005-11-01). "Deflation in a Historical Perspective". Bank for International Settlements (sa wikang Ingles). Rochester, NY. doi:10.2139/ssrn.860404. S2CID 153344185. SSRN 860404.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "What Causes Negative Inflation (Deflation)?".
  12. "Market Models: Pure Competition, Monopolistic Competition, Oligopoly, and Pure Monopoly" [Mga Modelo ng Merkado: Kompetisyong Puro, Kompetisyong Monopolistiko, Oligopolyo, at Monopolyong Puro] (sa wikang Ingles).