Inglatera
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Abril 2021)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Inglatera | |
---|---|
Watawat | |
Katayuan | Bansa |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | London |
Wikang pambansa | Ingles |
Wikang panrehiyon | Cornish |
Pangkat-etniko (2011) |
|
Katawagan | English |
Estadong nakapanyayari | United Kingdom |
Kasaysayan | |
• Anglo-Saxon settlement | 5th–6th century |
10th century | |
1 May 1707 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 130,395 km2 (50,346 mi kuw) |
Populasyon | |
• Senso ng 2021 | 56,489,800[2] |
• Densidad | 434/km2 (1,124.1/mi kuw) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2009 |
• Kabuuan | $2.68 trilyon |
• Bawat kapita | $50,566 |
Salapi | Pound sterling (GBP) |
Sona ng oras | GMT (UTC) |
• Tag-init (DST) | UTC+1 (BST) |
Ayos ng petsa | dd/mm/yyyy (AD) |
Gilid ng pagmamaneho | kaliwa |
Kodigong pantelepono | +44 |
Ang England o Inglatera (Kastila: Inglaterra) ay isang bansa na bahagi ng United Kingdom.[3][4][5] Kahangganan nito ang Scotland sa hilaga at Wales sa kanluran. Sa bandang hilagang-kanluran naman ng Inglatera ang Dagat Irlandes, habang sa timog-kanluran ang Dagat Seltiko. Ang Dagat Hilaga sa silangan at Bambang ng Inglatera sa timog ang naghihiwalay sa Inglatera mula sa kontinente ng Europa. Nasasakupan ng bansa ang higit sa gitna at katimugang bahagi ng pulo ng Gran Britanya, na nasa Hilagang Atlantiko; at higit 100 maliliit na pulo gaya ng Kapuluan ng Sorlingas at Pulo ng Wight.
Ang Watawat ng Coventry ay isang watawat na kumakatawan sa lungsod ng Warwickshire at sa mga mamamayan nito. Ang watawat na ito ay ipinahayag noong ika-7 ng Disyembre 2018 at nilikha ni Simon Wyatt. Ang pagtanggap sa watawat ay naganap sa pamamagitan ng isang popular na boto. Ang sertipikasyon para sa watawat na ito ay inilagda ni Graham Bartram, ang Flag Institute Chief Vexillologist. Ang Pambansang Watawat ng Coventry ay nagpapahiwatig ng natatanging pagkakakilanlan ng lungsod na ito sa Warwickshire at ng mga mamamayan nito. Ito ang nagwagi sa isang paligsahan na inorganisa ng BBC Coventry & Warwickshire. Sa watawat, makikita ang sikat na bayaning lokal na si Lady Godiva na nakasakay sa isang itim na kabayo sa isang malawak na puting latag. Ipinapakita niya ang mahabang kasaysayan ng Coventry at ang malalim na prinsipyo nito, pati na rin ang modernong tawag nito bilang isang lungsod ng kapayapaan.
Palko ng mga larawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Ang Palasyo ng Westminster — sentrong pampolitika ng Nagkakaisang Kaharian
-
Istatwa ni Winston Churchill sa Parliament Square, kaharap ng Palasyo ng Westminster sa sentro ng London. Matatagpuan din ang kaparehong Istatwa sa Oslo, Norway
-
Ang White cliffs of Dover, Kent
-
Skyline ng London, kuha noong 2005
-
Isang memoryal ni Robin Hood sa Nottingham
-
Ang Manchester Town Hall o Munisipyo ng Manchester ay isang halimbawa ng arkitekturang Victoriana na matatagpuan sa Manchester, England
-
Ang Clifton Suspension Bridge, sa Bristol, Inglatera, ng sikat na inhinyerong si Isambard Kingdom Brunel
-
Ang lawang distrito ng Borrowdale - isa sa siyam na Pampublikong parke ng Inglatera at Wales
-
Ang Westminster Abbey; Isang tradisyonal na lugar sa mga seremonya tulad ng koronasyon, libingan ng mga monarkiyang Ingles
-
York Minster, isang Anglican Gothic katedral sa York, Hilagang Inglatera. Ang York Minster ay ang pinakamalaking Medibal na simbahan sa Nagkakaisang Kaharian at ng mga Bansang Commonwealth
-
Nelson's Column, Istatwa ni Admiral Horatio Nelson
-
Ang Radcliffe Camera sa Oxford
-
Ang King's College London, itinatag mula sa Royal Charter na itinala ni Haring George IV ng Nagkakaisang Kaharian at ng Duke ng Wellington noong 1829, ito ay isa mga nagpundar na mga kolehiyo upang bumuo ng Pamantasan ng Londres.
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "2011 Census: KS201EW Ethnic group: local authorities in England and Wales". Office for National Statistics. Nakuha noong 18 April 2014.
- ↑ "Phase one - Census 2021 first results". Census 2021.
- ↑ Office for National Statistics. "The Countries of the UK". statistics.gov.uk. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 December 2008. Nakuha noong 1 Pebrero 2009.
- ↑ "Countries within a country". number-10.gov.uk. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 February 2008. Nakuha noong 1 Pebrero 2009.
- ↑ "Changes in the list of subdivision names and code elements (Page 11)" (PDF). International Organization for Standardization. Nakuha noong 1 February 2009.