Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Dimsum

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Dim sum)

 

Dimsum
Tradisyunal na Tsino點心
Pinapayak na Tsino点心
Jyutpingdim2 sam1
Cantonese Yaledím sām
Kahulugang literal"Antigin ang puso"

Tumutukoy ang dimsum sa mga maliliit na putaheng Tsino na tradisyonal na tinatamasa sa mga restoran tuwing almusanghalian,[1][2] na may “seleksiyon ng higit sa 1,000 uri ng Tsinong pagkain sa maliliit na plato, kadalasan karne o gulay sa minasa o sa pambalot na pinasingawan o ipinirito.”[3] Karaniwang nauugnay sa lutuing Kantones ang karamihan sa mga modernong dimsum, bagaman mayroon ding dimsum sa ibang lutuing Tsino. Noong ikasampung siglo, nang nagsimulang dumami ang bumabiyahe sa lungsod ng Kanton (Guangzhou) para sa dahilang komersiyal,[4] maraming nagbisita ng mga tsaahan para sa mga maliliit na pagkain na ipinapares sa tsaa na tinatawag na "yum cha" (alumsanghalian).[5][4][6] Sa "yum cha", may dalawang magkaugnay na konsepto.[7] Una ang "jat zung loeng gin" (Tsino: 一盅兩件), na literal na isinasalin bilang "isang tasa, dalawang piraso". Tumutukoy ito sa kaugalian ng paghahain sa mga kostumer ng tsaahan ng dalawang piraso ng pinong pagkain, malinamnam o matamis, upang umakma sa kanilang tsaa. Dim sum ang pangalawa, na literal na isinasalin bilang "aligin ang puso", ang terminong pantukoy sa mga maliliit na pagkain na ipinapares sa tsaa.

Unti-unting nagdagdag ang mga may-ari ng tsaahan ng samu't saring meryenda, , na tinawag na dimsum, sa kanilang mga inaalok. Ang pagpapares ng tsaa sa dimsum ay nag-ebolb hanggang na maging ang modernong "yum cha".[4] Mabilis na yumabong ang kulturang dimsum ng mga Kantones sa huling bahagi ng ikalabinsiyam na siglo sa Guangzhou.[8] Noong una, nakabatay ang dimsum sa mga lokal na pagkain ng mga Kantones.[8] Habang patuloy na umuunlad ang dimsum, nagpakilala ang mga kusinero ng mga impluwensiya at tradisyon mula sa mga ibang rehiyon ng Tsina.[8] Napakasari-sari ang mga lasa, tekstura, paraan ng pagluluto, at sangkap ng Kantones na dimsum.[8] Maaaring uriin itong mga dimsum sa mga karaniwang hain, pana-panahong hain, lingguhang espesyal, pambangkete, pampista, katangi-tangi sa tsaahan, at pambiyahe, pati na rin pang-alumsal o pananghalian at panggabihan.[8]

Mayroong higit sa isang libong putaheng dimsum na nagmula sa Guangdong lamang, at walang bahagi sa Tsina na makakapantay sa bilang na ito. Sa totoo lang, madalas pinagsasama-sama ng mga aklat panluto ng karamihan ng mga kulturang pagkain sa Tsina ng kani-kanilang baryasyon ng dimsum sa mga lokal na meryenda. Subalit hindi ganoon sa Kantones na dimsum, na nagbuo ng sariling sangay ng lutuin.[9][8] Ayon sa ilang pagtatantiya, hindi bababa sa dalawang libong uri ng dimsum sa buong Tsina, at halos apatnapu hanggang limampung uri ang karaniwang ibinebenta sa labas ng Tsina.[10][11]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Davidson, Alan (2014). The Oxford companion to food [Ang kompanyerong Oxford sa pagkain] (sa wikang Ingles). Jaine, Tom; Vannithone, Soun (ika-3rd (na) edisyon). New York, NY. ISBN 978-0-19-967733-7. OCLC 890807357.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link)
  2. So, Yan-kit (Abril 1997). Classic food of China [Mga klasikong pagkain ng Tsina] (sa wikang Ingles). London: Macmillan Publishers. ISBN 0-333-56907-5. OCLC 32049410.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Dim sum: a delicious peek into Hong Kong's cuisine culture" [Dimsum: masarap na silip sa kultura ng lutuin ng Hong Kong]. Discover Hong Kong (sa wikang Ingles). 1 Hulyo 2024. Nakuha noong 9 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 Gourse, Leslie (13 Marso 1988). "Dim Sum Has Come a Long Way, From Esoteric to Mass Popularity" [Malayo na ang Narating ng Dimsum, Mula Esoteriko hanggang Malawakang Kasikatan]. Chicago Tribune (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Agosto 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Wong, Adele (1 Nobyembre 2016). Hong Kong Food & Culture: From Dim Sum to Dried Abalone [Pagkain & Kultura ng Hong Kong: Mula Dim Sum hanggang sa Pinatuyong Abulon] (sa wikang Ingles). Man Mo Media. ISBN 978-9887756002.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Fare of the Country; Why Dim Sum Is 'Heart's Delight'" [Pagkain ng Bansa; Bakit Dimsum Ang 'Kasiyahan ng Puso']. The New York Times (sa wikang Ingles). 25 Oktubre 1981. ISSN 0362-4331. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Hulyo 2020. Nakuha noong 16 Agosto 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Jian Dui -- Sesame Balls (煎堆)" [Jian Dui -- Bolang Linga (煎堆)]. Kindred Kitchen (sa wikang Ingles). 13 Mayo 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Oktubre 2020. Nakuha noong 14 Agosto 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 8.5 Phillips, Carolyn (1 Pebrero 2017). "Modern Chinese History as Reflected in a Teahouse Mirror" [Modernong Kasaysayang Tsino na Sinasalamin sa isang Salamin ng Tsaahan]. Gastronomica (sa wikang Ingles). 17 (1): 56–65. doi:10.1525/gfc.2017.17.1.56. ISSN 1529-3262.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Simoons, Frederick J. (1991). Food in China: A Cultural and Historical Inquiry [Pagkain sa Tsina: Isang Kultural at Historikal na Pagtatanong] (sa wikang Ingles). Boca Raton: CRC Press. ISBN 0-8493-8804-X. OCLC 20392910.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "What Is Dim Sum? Chinese Dim Sum, Most Popular Dim Sum Dishes" [Ano Ang Dimsum? Tsinong Dimsum, Mga Pinakasikat na Putaheng Dimsum]. China Educational Tours (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-06-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Why dumplings - the ultimate comfort food - are so popular right now" [Bakit sikat na sikat ngayon ang dumplings - ang ultimong aliwang pagkain]. inews.co.uk (sa wikang Ingles). 2019-02-14. Nakuha noong 2022-04-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)