Dizzy Gillespie
Itsura
- Para sa Australyanong manlalaro ng kriket na binansagan ding "Dizzy", tingnan ang Jason Gillespie.
Si John Birks "Dizzy" Gillespie [/gɪˈlɛspi/] (Oktubre 21, 1917 – Enero 6, 1993) ay isang Aprikanong Amerikanong trompetero, pinuno ng banda, mang-aawit, at kompositor sa larangan ng jazz. Isinilang siya sa Cheraw, Timog Karolina, ang bunso sa siyam na mga anak. Isang pampook o lokal na pinuno ng banda ang kanyang ama, kaya't madaling makakuha ng mga instrumentong panugtog si Gillespie. Nagsimula siyang tumugtog ng piano sa edad na 4. Kasama si Charlie Parker, isa siyang pangunahing katauhan sa pag-unlad ng bebop at makabagong jazz.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.