Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Dramaturhiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang dramaturhiya (Ingles: dramaturgy) ay ang sining ng kumposisyong madrama o dramatiko at representasyon ng pangunahing mga elemento ng drama sa ibabaw ng entablado. Ang dramaturhiya ay isang bukod-tanging gawain na nakahiwalay sa pagsusulat ng dula at pagdidirekta, bagaman ang isang nag-iisang indibiduwal ay maaaring magsagawa ng anumang kumbinasyon ng tatlong ito.[1] May ilang mga dramatista na pinagsasama ang pagsusulat at dramaturhiya kapag lumilikha ng isang drama. Ang iba naman ay gumagawa na kapiling ang isang espeyalistang tinatawag na dramaturgo (mandudula; dramaturge o dramaturg sa Ingles) upang maiangkop ang akda para sa entablado.

Ang dramaturhiya ay maaari ring bigyan ng kahulugan nang mas malawak bilang paghuhubog ng isang kuwento upang maging isang anyo o porma na maaaring gampanan o iakto. Binibigyan ng dramaturhiya ang gawa o pagtatanghal ng isang kayarian.

Ang katagang dramaturhiya ay inimbento ng dramatistang Aleman na si Gotthold Ephraim Lessing. Magmula 1767 hanggang 1770, nagsulat siya at naglathala ng isang magkakasunud-sunod na mga pamumuna o mga kritisismo na pinamagatang Hamburg Dramaturgy sa Ingles (Hamburgische Dramaturgie sa orihinal na Aleman). Sinuri, pinuna at itineoriya ng mga akdang ito ang teatrong Aleman, at nagbigay kay Lessing ng titulo bilang ama ng modernong Dramaturhiya.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Cardullo, Bert. What is Dramaturgy? New York: Peter Lang Publishing, 2005. p. 4.
  2. Britannica online