Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Eksistensiyalismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mula kaliwa hanggang kanan, itaas hanggang ilalim: Kierkegaard, Dostoyevsky, Nietzsche, Sartre

Ang Eksistensiyalismo ang terminong nilalapat sa akda ng isang bilang ng mga huling ika-19 at ika-20 siglong mga pilosopo na sa kabila ng malalim na mga pagkakaibang pang-doktrina [1][2][3] ay nagsasalo ng paniniwala na ang pag-iisip na pang-pilosopiya ay nagsisimula sa paksang tao at hindi lamang sa nag-iisip na paksa kundi sa umaasal, nakadadamang nabubuhay na indibidwal na tao.[4] Sa eksistensiyalismo, ang nagsisimulang punto ng indibidwal ay nilalarawan ng tinatawag na "saloobing eksistensiyal" o isang pandama ng disorientasyon at kalituhan sa mukha ng isang maliwanag na walang kahulugan at hangl na mundo.[5] Maraming mga eksistensiyalista ay tumuring rin sa mga tradisyonal na sistematiko o akademikong pilosopiya sa parehong istilo at nilalaman bilang labis na abstrakto at malayo mula sa konkretong karanasang pantao.[6][7]

Si Søren Kierkegaard ay pangkalahatang itinuturing na unang eksistensiyalistang pilosopo.[8][9][10] Kanyang iminungkahi na ang bawat indibidwal at hindi ang lipunan o relihiyon ang tanging responsable sa pagbibigay kahulugan ng buhay at pinamumuhay ito nang may kasigasigan at katapatan(tunay).[11][12] Ang eksistensiyalismo ay sumikat sa mga taong pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at malakas na umimpluwensiya sa maraming mga disiplina maliban sa pilosopiya kabilang ang teolohiya, drama, sining, panitikan at sikolohiya.[13]

Ang eksistensiya ay nauuna sa esensiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang isang sentral na proposisyon ng eksistensiyalismo ay ang ekistensiya(pag-iral) ay nauunaw sa esensiya na nangangahulugang ang pinakamahalagang pagsasaalang alang sa indibidwal ay ang katotohanan na siya ay isang indibidwal na isang independiyenteng umaasal at responsableng may kamalayang nilalang(eksistensiya) sa halip na mga katawagan, mga papel, mga stereotype, mga depinisyon o ibang pang paunang naisip na mga kategorya na pinagkakasyahan ng indibidwal(esensiya). Ang aktuwal na buhay ng indibidwal ang bumubuo sa tinatawag na kanyang "tunay na esensiya" sa halip na may arbitraryong itinurong esensiyang ginagamit ng iba upang ilarawan ang indibidwal na ito. Kaya ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang sariling kamalayan ay lumilikha ng kanilang sariling mga pagpapahalaga at tumutukoy ng isang kahulugan ng kanilang buhay. Bagaman si Sartre ang hayagang nag-imbento ng pariralang ito, ang mga kaparehong nosyon ay matatagpuan sa mgapag-iisip ng mga eksistensiyalistang pilosopo gaya nina Kierkegaard at Heidegger. Kadalasang inaangkin na sa kontekstong ito na nilalarawan ng isang tao ang kanyang sarili na kadalasang natatanto bilang nagsasaad na kanilang mananais na maging isang bagay-anuman, isang ibon halimbawa at maging ito. Gayunpaman, ayon sa mga pilosopong eksistensiyalista, ito ay bumubuo sa isang hindi tunay na pag-iral. Sa halip, ang parirala ay dapat unawain na nagsasaad na ang tao (1) ay naglalarawan lamang sa saklaw na siya ay umaasal at (2) siya ay responsable ng kanyang mga aksiyon. Halimbawa, ang isang tao na umaasal na malupit sa ibang tao ay sa aktong ito nilalarawan bilang isang malupit na tao. Sa karagdagan, sa pamamagitan ng aksiyong ito ng kalupitan, ang gayong mga tao ay mismong responsable para sa kanilang bagong pagkakakilanlan(isang malupit na tao). Ito ay salungat sa kanilang mga gene o kalikasan na nagdadala ng pagsisisi. Gaya ng isinulat ni Sartre sa kanyang akdang Eksistensiyalismo ay isang Humanismo, "...ang tao una sa lahat ay umiiral, naeenkwentro ang kanyang sarili, tumataas sa mundo-at nilalarawan ang kanyang sarili pagkatapos.". Ang mas positibong terapeutikong aspeto nito ay pinapahiwatig rin: ang isang tao ay maaaring umasal sa isang ibang paraan at maging isang mabuting tao sa halip na isang malupit na tao. Dito, maliwanag na dahil mapipili ng tao na maging malupit o mabuti, ang mga ito ay sa katotohanan ay hindi ang mga bagay na ito nang esensiyal.

Ang nosyon ng hangal ay naglalaman ng ideya na walang kahulugang matatagpuan sa mundo nang lagpas sa ibibigay natin dito. Ang kawalang kahulugang ito ay sumasakop sa amoralidad o kawalang patas sa mundo. Ito ay salungat sa nosyon na "ang mga masasamang bagay ay hindi nangyayari sa mabuting mga tao". Sa mundo sa pagsasalitang metaporikal, walang gayong bagay gaya ng isang mabuting tao o masamang tao. Ang nangyayari ay nangyayari at ito ay maaaring mangyari rin sa "mabuting" tao gaya ng sa "masamang" tao. Dahil sa kahangalan ng mundo, sa anumang punto ng panahon, ang anumang bagay ay maaaring mangyari sa kaninuman at ang isang trahikong pangyayari ay maaaring magtubog sa isang tao sa direktang pakikipagsagupaan sa Hangal. Ang nosyon ng hangal ay naging prominente sa panitikan sa buong kasaysayan. Ang marami sa mga panitikang akda nina Søren Kierkegaard, Franz Kafka, Fyodor Dostoyevsky, Eugene Ionesco, Jean-Paul Sartre, at Albert Camus ay naglalaman ng mga paglalarawan ng mga taong nakasagupa ng kahangalan sa mundo. Ito ay nauugnay sa konsepto ng nakawawasak na kamalayan ng kawalang kahulugan na inangkin ni Camus na "may isa lamang tunay na malalang problema at ito ay ang pagpapatiwakal" sa kanyang Mito ni Sisyphus. Bagaman ang "preskripsiyon" laban sa posibleng nakapipinsalang kalalabasan ng mga uring ito ng pakikipagsagupaan ay nag-iiba iba mula sa yugtong panrelihiyon ni Kierkegaard hanggang sa pagggit ni Camus sa pagtitiis sa kabila ng kahangalan, ang pagkabahala ng pagtulong sa mga tao na umiwas sa pamumuhay ng kanilang mga buhay na naglalagay sa kanila sa patuloy na panganib na ang masira ang bawat bagay na makahulugan ay karaniwan sa karamihan ng mga pilosopong eksistensiyalista. Ang posibilidad na masira ang bawat bagay na makahulugan ay nagbabadya ng isang panganib sa quietismo na likas na laban sa pilosopiyang eksistensiyalista.

Ang paktisidad ay isang konseptong inilarawan ni Sartre sa Pagiging at Kawalan bilang sa-sarili nito kung saan ang mga tao ay nasa modo ng hindi pagiging. Ito ay mas madaling mauunawaan kapag isasaalang alang ito sa ugnayan sa temporal na dimensiyon ng nakaraan: ang nakaraan ng isa ay kung ano ay nasa kahulugang kapwa nito binubuo ang sarili nito. Gayunpaman, sa pagsaabi na ang isa ay lamang nakaraan ng isa ay hindi pagpapansin sa isang mahalagang bahagi ng realidad(ang kasalukuyan at hinaharap) samantalang ang pagsasabi na ang nakaraan ng isa ay isa lamang kung ano ang isa sa nakaraan ay buong magpuputol dito mula sa mga ito ngayon. Ang isang pagtanggi ng sariling konkretong nakaraan ng isa ay bumubuo ng isang hindi autentikong pamumuhay at ito ay pareho sa lahat ng iba pang mga paktisidad(pagkakaroon ng isang katawan halimbawa ang isa na hindi pumapayag sa isang tao na tumakbong mas mabilis sa halip na sa bilis ng liwanag-identidad, mga pagpapahalaga etc). Ang paktisidad ay parehong isang limitasyon at isang kondisyon ng kalayaan. Ito ay isang limitasyon sa dahilang ang isang malaking bahagi ng paktisidad ng isa ay binubuo ng mga bagay na hindi maaaring mapili ng isa(halimbawa lugar ng kapanganakan etc). ngunit isang kondisyon sa kahulugang ang mga pagpapahalaga ng isa ay mas malamang na sasalig dito. Gayunpaman, kahit pa ang paktisidad ng isa ay "nakatakda sa bato"(bilang nakaraan halimbawa),hindi nito matutukoy ang isang tao: ang pagpapahalagang itinuturo sa paktisidad ng isa ay itinuturo pa rin dito nang malaya ng taong ito. Bilang halimbawa, ituring ang dalawang tao na ang isa walang ala-ala ng nakaraan at ang isa nakakaala-ala ng lahat. Ang parehong ito ay nakagawa ng maraming mga krimen ngunit ang unang unan na walang alam tungkol dito ay namuhay ng isang normal na buhay samantalang ang ikalawang tao na nakadadama na nabitag ng sarili nitong nakaraan ay patuloysa pamumuhay ng krimen na sumisisi sa kanyang nakaraan sa pagbibitag sa kanya sa buhay na ito. Walang esensiyal tungkol sa kanyang pagsasagawa ng mga krimen ngunit kanyang itinuturo ito sa kanyang nakaraan. Gayunpaman, sa hindi pagsasaalang alan ng paktisidad ng isa kapag ang isa na sa patuloy na proseso ng paggawa sa sarili ay pagsusulong sa hinaharap ay paglalagay sa sarili sa pagtanggi sa sarili nito at kaya ay magiging hindi tunay. Sa ibang salita, ang pinagmulan ng pagsusulong ng isa ay kailangan pa ring paktisidad ng isa bagaman sa modeno ng pagiging hindi ito(sa esensiyal). Ang isa pang aspeto ng paktisidad ay nagtatakda ito ng angst na pareho sa kahulugan ang kalayaan ay lumilikha ng angst kapag nilimitahan ng paktisidad at sa kahulugang ang kawalan ng posibilidad ng pagkakaroon ng paktisidad na pumasok para sa isa upang maging responsable para sa bagay na nagawa ay lumilikha rin ng angst. Ang hindi pinapahiwatig sa salaysay na ito ng kalayaang eksistensiyal ay ang mga pagpapahalaga ng isa ay hindi mababago. Ang pagsasaalang alang ng mga pagpapahalaga ng isa ay maaaring magtulak sa isa na muling isaalang alang ang mga ito at baguhin ang mga ito. Ang isang kalalabasan ng katotohanang ito ay ang isa ay responsable hindi lamang para sa aksiyon ng isa kundi pati sa mga pagpapahalagang hinahawakan ng ito. Ito ay nagtatakda na ang isang reperensiya sa mga karaniwang pagpapahalaga ay hindi nagpapaumanhin sa mga aksiyon ng indibidwal. Bagaman ang mga ito ay mga pagpapahalaga ng lipunan na ang indibidwal ang bahagi, ang mga ito ay kanya rin sa kahlugan maaari niyang piliing maging iba sa anumang panahon. Kaya ang pagtuon sa kalayaan sa eksistensiyalismo ay nauugnay sa mga hangganan ng responsibilidad na dinadala ng isa bilang resulta ng kalayaan ng isa: ang ugnayan sa pagitan ng kalayaan at responsiblidad ay isa ng magkakaugnay at ang isang pagliliwanag ng kalayaan ay nagbibigay linaw rin para sa ang isa ay responsable.

Ang tema ng autentiko o tunay na pag-iral ay karaniwan sa maraming mga taga-isip na eksistensiyal. Ito ay kadalasang nauunawaan na ang isa ay kailangang "humanap sa sarili" at pagkatapos ay mamuhay ayon sa sariling ito. Ang ibig sabihin ng autentisidad ay sa pag-asal, ang isa ay dapat umasal bilang sarili nito hindi bilang isang umaasal o bilang mga gene ng isa o anumang iba pang hinihingi ng esensiya. Ang autentikong pag-asal ay isa na naaayon sa kalayaan ng isa. Dahil ang kondisyon ng kalayaan ay paktisidad, ito ay kinabibilangan ng paktisidad ng isa ngunit hindi sa digri na ang paktisidad na ito sa anumang paraan ay tutukoy ng mga pagpipilian ng isa(sa kahulugang masisis ng isa ang kalagayan sa paggawa ng mga napili nito). Ang papel ng paktisidad sa kaugnayan sa autentisida ay kinasasangkutan ng pagpayag sa mga pagpapahalaga na masangkot kapag ang isa ay gumagaw ng pagpili(sa halip na pagpili ng walang pinipili ni Kierkegaard) upang ay isa ay magiging responsable para sa pag-asal sa halip na pagpili ng alinaman o hindi pumapayag sa mga opsiyon na magkaroon ng magkakaibang halaga. Salungat dito, ang hindi autentiko ang pagtanggi na mamuhay ayon sa kalayaan ng isa. Ito ay maaaring kumuha ng maramin gmga anyo mula sa pagpapanggap na ang mga pagpipilian ay walang kahulugan o randoma sa pamamagitan ng paghikayat sa sarili na ang isang anyo ng determinismo ay tunay hanggang sa tila panggagaya kung saan ang isa ay umaasal gaya ng "nararapat na gawin ng isa". Kung paanong ang isa ay umasal ay kadalasang natutukoy ng imahen na ang isa mayroon kung paanong ang isa gaya ng sarili nito(sabihing manedyer ng bangko, patutot etc) ay umaasal. Ang imaheng ito ay karaniwang tumutugon sa panlipunang mga norm ngunit hindi nangangahulugan ang buong pag-asal ayon sa mga norm ng lipunan ay hindi autentiko. Ang pangunahing punto ay ang saloobing kinukuha ng isa sa kalayaan at responsibilidad ng isa at sa saklaw na ang isa ay umaasal ayon sa kalayaang ito.

Iba at Tingin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Iba o Other(kapag isinulat sa kapital na "o") ay isang konseptong mas angkop na nabibilang sa phenomenolohiya at sa salaysay nito ng intersubhektibidad. Gayunpaman, ang konseptong ito ay nakakita ng malawakang paggamit sa mga kasulatang eksistensiyalista at ang mga konklusyong hinango dito ay katamtamang iba iba mula sa mga salaysay na phenomenolohikal. Ang karanasan ng Iba ang karanasan ng isa pang malayang paksa na tumitira sa parehong mundo ng isang tao. Sa pinakabasikong anyo nito, ang karanasang ito ng Iba na bumubuo ng intersubhektibidad at obhektibidad. Upang liwanagin, kapag nararasan ng Iba ang iba pa, at ang Ibang taong ito ay nakakaranas ng mundo(parehong mundo na nararasan ng isang tao) na mula lamang "doon", ang mismong mundo ay binubuo bilang obhektibo sa kadahilanang ito ang isang bagay na naroon na katulad sa parehong mga paksa. Ang isang tao ay nakakaranas ng iba pang tao na dumaranas ng parehon gaya ng nararanasan nito. Ang karanasang ito ng pagtiginan ng iba ay tinaguriang Tingin o Look. Bagaman ang karanasang ito sa basikong phenomenolohikal na kahulugan nito ay bumubuo ng daigdig bilang obhektibo at ang sarili ng isa bilang obhektibong umiiral na subhektibidad(ang isa nakakaranas ng sarili gaya ng nakikita ng pagtingin ng Iba sa tumpak na parehong paraang nararanasan ng Iba gaya nakikita niya bilang subhektibidad), sa eksistensiyalismo, ito ay umaasal rin bilang isang uri ng limitasyon sa kalayaan ng isa. Ito ay dahil ang Tingin ay gumagawang obhekto sa nakikita nito. Sa gayon, kapag ang isa ay nakakaranas ng sarili sa Tingin, ang isa ay hindi nakakaranas ng sarili bilang wala(walang bagay) ngunit bilang isang bagay. Ang sariling halimbawa ni Sartre ng isang tao na tumitingin sa isa sa pamamagitan ng butas ay maaaring maglinaw dito. Sa una, ang tao ay nasasangkot sa sitwasyon na kinalalagyan niya. Siya ay nasa isang bago ang katayuang repleksibo kung saan ang kanyang buong kamalayan ay nakadirekta sa anong nangyayari sa kwarto. Bigla, kanyang narinig ang lumalingitngit na tabla ng sahig sa likod niya at nagkamalay sa sarili gaya ng nakikita ng Iba. Kaya siya ay napuno ng kahihiyan sa kanyang natatantong sarili gaya ng pagtanto ng iba pa na gumagawa ng ginagawa niya bilang mamboboso. Kung gayon, ang Tingin ay kapwa bumubuo ng paktisidad ng isa. Ang isa pang natatanging katangian ng Tingin ay walang Iba na kailangang nandoon. Posibleng ang paglingitngit ng tabla ng sahig ay isa lamang pagkilos ng lumang bahay. Ang isang Tingin ay hindi isang uri ng mistikal na telepatikong karanasan ng aktuwal na paraan na ang iba ay tumitingin sa isa. Ito ay pagtatanto lamang ng isa sa paraang ang iba ay makakatanto sa kanya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://plato.stanford.edu/entries/existentialism/
  2. John Macquarrie, Existentialism, New York (1972), pp. 18–21.
  3. Oxford Companion to Philosophy, ed. Ted Honderich, New York (1995), p. 259.
  4. John Macquarrie, Existentialism, New York (1972), pp. 14–15.
  5. Robert C. Solomon, Existentialism (McGraw-Hill, 1974, pp. 1–2).
  6. Ernst Breisach, Introduction to Modern Existentialism, New York (1962), p. 5.
  7. Walter Kaufmann, Existentialism: From Dostoyevesky to Sartre, New York (1956) p. 12.
  8. Crowell, Steven (Oktubre 2010). "Existentialism". Stanford Encyclopedia of Philosophy. Nakuha noong 2012-04-12.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Marino, Gordon. Basic Writings of Existentialism (Modern Library, 2004, p. ix, 3).
  10. McDonald, William. "Søren Kierkegaard". Sa Edward N. Zalta (pat.). Stanford Encyclopedia of Philosophy (Summer 2009 Edition).
  11. Watts, Michael. Kierkegaard (Oneworld, 2003, pp.4-6).
  12. Lowrie, Walter. Kierkegaard's attack upon "Christendom" (Princeton, 1969, pp. 37-40).
  13. Guignon and Pereboom, Derk, Charles B. (2001). Existentialism: basic writings. Hackett Publishing. p. xiii.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga karagdagang babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]