Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Ekspedisyong Challenger

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang buong artikulo o mga bahagi nito ay isinalin magmula sa artikulong Challenger expedition ng Ingles na Wikipedia, partikular na ang bersiyong ito.

Isang larawan ng barko.

Ang ekspedisyong Challenger ng 1872-76 ay isang ekspedisyong pang-agham na nakagawa ng maraming tuklas na naglatag ng pundasyon sa oseanograpya, na ipingangalan sasakyang-dagat nito, ang HMS Challenger.

Inodyok ng Eskoses na si Charles Wyville Thomson--ng Unibersidad ng Edinburgh at Merchiston Castle School--nakuha ng Royal Society of London ang paggamit ng Challenger mula sa Royal Navy at noong 1872 mabago ito para sa trabahong pang-agham, ginawan ng hiwalay na laboratoryo para sa likas na kasaysayan at kimika.

Naglayag ang barko na pinamumunuan ni Kapitan George Nares, mula sa Portsmouth, Inglatera, noong Disyembre 21, 1872.[1] Sa ilalim ng pangangasiwang pang-agham mismo ni Thomson, naglakbay ito ng halos 70,000 milyang nawtika na nagsisiyasat at nagtutklas. Ang resulta ay ang Report Of The Scientific Results of the Exploring Voyage of H.M.S. Challenger during the years 1873-76 na kung saan, bukod sa marami pang ibang tuklas, nakapagtala ng higit sa 4000 na dating hindi kilalang species. Inilarawan ni John Murray, na nangasiwa ng publikasyon, ang ulat bilang "ang pinakamalaking pagsulong sa kaalaman ng ating planeta mula sa mga bantog na tuklas ng ikalabinlima at ikalabing-anim na siglo".

Nagbalik ang Challenger sa Spithead, Hampshire noong Mayo 24, 1876, gumugol ng 713 na araw na sa dagat sa kabuuang 1,606.[1] Sa kanyang paglalakbay,68,890-nautical-mile (127,580 km) [1] nangasiwa ito ng 492 deep sea soundings, 133 bottom dredges, 151 open water trawls, 263 serial water temperature observations, at natuklas ng 4,717 mga bagong species ng hayop sa dagat. Nakaimbak ang sipi ng mga nakasulat na talaan ng Expedisyong Challenger sa iba't ibang institusyong pandagat sa buong UK kabilang ang National Oceanography Centre, Southampton at ang Dove Marine Laboratory sa Cullercoats, Tyne at Wear.

Ang Space Shuttle Challenger ay ipinangalanan sa HMS Challenger. [2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Rice, A.L. (1999). "The Challenger Expedition". Understanding the Oceans: Marine Science in the Wake of HMS Challenger. Routledge. pp. 27–48. ISBN 978-1857287059. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-27. Nakuha noong 2009-06-21.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Challenger (STA-099, OV-99): Background". Joyhn F. Kennedy Space Center. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-03. Nakuha noong 2008-12-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]