Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Felix Manalo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Felix Manalo
Kapanganakan10 Mayo 1886[1]
  • (Kalakhang Maynila, Pilipinas)
Kamatayan12 Abril 1963
MamamayanKapitaniya Heneral ng Pilipinas
Pilipinas

Si Felix Ysagun Manalo (10 Mayo 1886 – 12 Abril 1963) kilala bilang Ka Felix ay ang tagapagtatag at unang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo. Nairehistro niya ang Iglesia Ni Cristo sa pamahalaan ng Pilipinas noong Hulyo 27, 1914 bilang korporasyon kaalinsabay ng pagsiklab ng unang digmaang pangdaigdig sa Punta Sta. Ana, Manila. Siya ang ama ni Eraño G. Manalo na sumunod sa kanya bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo nang siya ay pumanaw. Siya ang lolo ng kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo na si Eduardo V. Manalo.

Ang tunay niyang pangalan ay Felix Manalo Ysagun nang siya ay binyagang Katoliko. Ngunit upang magbigay pugay sa pagkamatay ng kaniyang ina, mas pinili nitong gamitin ang apelyido ng ina na Manalo kaysa sa apilyedo ng kaniyang ama na Ysagun. Kaya't binago niya ang pagkakasunod ng pangalan niya at ginawang Felix Ysagun Manalo at ito na ang ginamit niya sa kaniyang mga rehistro, lisensiya at iba pang mga kasulatan, papeles at mga dokumento.

Inakusahan at nilitis si Felix Manalo dahil sa kasong isinampa ng tiwalag na si Rosita Trillanes. Sinampahan niya rin Si Rosita Trillanes dahil sa false accusation sa kanya. Napatunayan ng korte ang dinulog na sumbong ni Trillanes at nahatulang walang sala si Manalo sa nasabing kaso.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pook na Sinilangan ni Felix Y. Manalo, Wikidata Q34125673