Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Firmware

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang karaniwang kasangkapan na pinapagana ng firmware - remote control ng telebisyon

Tumutukoy ang katagang Ingles na firmware (bigkas: /firm-wer/) sa mga panutong nakatalaga at nagpa-paandar sa iba't-ibang kasangkapang elektronika. Mula sa mga remote control, kalkulador, mga bahagi ng kompyuter gaya ng hard-disk at keyboard, LCD screen at memory card hanggang sa mga panukat na pang-agham at mga robot na pang-industriya ang mga halimbawa ng mga bagay na gumagamit nito. May ilang firmware din na nakatalaga sa mga masalimout na kasangkapan na gaya ng mga selpon, kamerang dihital at sintesayser na bukod sa pinapatakbo ito ay nagpapagana din ng mga kakayahan nito.

Walang tiyak na pagkakaiba ang firmware sa sopwer dahil magkahalintulad ang kanilang ginagawa. Ganunpaman, parating bahagi ang firmware sa mga pangunahin at mababang gawain ng isang kasangkapan na hindi gagana kung wala ito.

Madalas na nakatalaga ang mga payak na firmware sa isang ROM o OTP/PROM habang ang mga masalimuot naman ay itinatalaga sa mga flash memory upang maaari itong baguhin sa hinaharap. Ang pagsasayos ng mga mali at pagdagdag ng mga kakayahan sa kasangkapan ang karaniwang dahilan upang baguhin ang isang firmware.

Ang katagang "firmware" ay nilikha ni Ascher Opler sa isang sulatin sa Datamation nuong 1967[1]. Tinutukoy nito ang mga maliliit na kodigong nakalulan sa isang maliit na bahagi ng RAM na nagtatalaga at nagpapatupad ng mga panutong pang-makina sa CPU ng kompyuter. Maaari rin itong ilulan muli kung kinakailangang baguhin ang mga panuto ng kompyuter. Sa umpisa ay isinasalungat ito sa hardwer (ang mismong CPU ng kompyuter) at sopwer (mga panutong tumatakbo sa loob ng CPU). Hindi ito naglalaman ng mga panutong pang-makina ng CPU kungdi mga kodigo na bahagi sa pagpapatupad ng mga panutong pang-makina. Nasa hangganan ito ng hardwer at sopwer kaya naman ito ay tinawag na firmware o "pirmwer".

Lumawak ang kahulugan nito kinalaunan upang saklawin ang anumang maliliit na kodigo na nakatalaga sa RAM o ROM. Hindi rin nagtagal at lalong lumawak ang katagang ito upang tumukoy sa anumang kodigo o panuto na nakatalaga sa ROM. Kabilang na rito ang mga panutong pang-makina para sa BIOS, mgabootstrap loader at iba pang karagdagang gawaing pang-kompyuter.

  1. Opler, Ascher (1967). "Fourth-Generation Software". Datamation. 13 (1): 22–24. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)