Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Friedrich Paschen

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Friedrich Paschen
Kapanganakan22 Enero 1865(1865-01-22)
Kamatayan25 Pebrero 1947(1947-02-25) (edad 82)
ParangalMedalyang Rumford (1928)

Si Louis Karl Heinrich Friedrich Paschen (22 Enero 1865 - 25 Pebrero 1947) ay isang pisikong Aleman na nakikilala dahil sa kaniyang gawain hinggil sa mga pagdiskarga ng kuryente. Nakikilala rin siya dahil sa mga seryeng Paschen, isang serye ng mga guhit na ispektral ng hidroheno na nasa loob ng rehiyong imprared na una niyang napuna noong 1908. Siya ang nagtatag ng malawakang ginagamit na sa ngayon na kurbang Paschen na nasa kaniyang artikulong "Über die zum Funkenübergang in Luft, Wasserstoff und Kohlensäure bei verschiedenen Drücken erforderliche Potentialdifferenz" (literal na: "Tungkol sa paglipat sa radyo na nasa himpapawid, hidroheno at carbon dioxide habang nasa iba't-ibang mga presyon ay nangangailangan ng mga potensiyal na pagkakaiba").[1]

Ipinanganak si Paschen sa Schwerin, Mecklenburg-Schwerin. Mula 1884 hanggang 1888, nag-aral siya sa mga pamantasan ng Berlin at Strassburg. Pagkaraan nito, siya ay naging isang kawani (assistant) sa Akademya ng Münster. Naging isa siyang propesor sa Teknikal na Akademya ng Hanover noong 1893 at propesor ng pisika sa Pamantasan ng Tübingen noong 1901. Naglingkod siya bilang pangulo ng Physikalisch-Technischen Reichsanstalt mula 1924 hanggang 1933, at bilang isang honoraryong propesor ng Pamantasan ng Berlin noong 1925. Nagturo siya roon hanggang sa kaniyang kamatayan habang sa Potsdam noong 1947.

Nakapagsulat si Paul Forman (ipinanganak noong 1937) ng mas masaklaw na pagsasalaysay ng buhay ni Paschen para sa Complete Dictionary of Scientific Biography.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Friedrich Paschen (1889). "Ueber die zum Funkenübergang in Luft, Wasserstoff und Kohlensäure bei verschiedenen Drucken erforderliche Potentialdifferenz". Annalen der Physik. 273 (5): 69–75. Bibcode:1889AnP...273...69P. doi:10.1002/andp.18892730505.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Complete Dictionary of Scientific Biography. 2008. Encyclopedia.com. 20 Agosto 2012 <http://www.encyclopedia.com>