Gloria in excelsis Deo
Itsura
Ang "Gloria in Excelsis Deo" (Latin para sa "Papuri sa Diyos sa kaitaasan,) ay isang Kristiyanong himno na nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos at ni Hesus. Maaari din itong tawaging "Gloria."
Ang unang bahagi ng Gloria ay nanggaling sa himnong inawit ng mga anghel sa mga pastol noong isilang si Hesus sa Herusalem. (Lucas 2:14)
Himno sa Latin
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Glória in excélsis Deo,
- et in terra pax homínibus bonæ voluntátis.
- Laudámus te, benedícimus te,
- adorámus te, glorificámus te,
- grátias ágimus tibi propter magnam glóriam tuam,
- Dómine Deus, Rex cæléstis,
- Deus Pater omnípotens.
- Dómine Fili unigénite, Jesu Christe,
- Dómine Deus, Agnus Dei, Fílius Patris,
- qui tollis peccáta mundi, miserére nobis;
- qui tollis peccáta mundi, súscipe deprecatiónem nostram;
- qui sedes ad déxteram Patris, miserére nobis.
- Quóniam tu solus Sanctus, tu solus Dóminus,
- tu solus Altíssimus, Jesu Christe,
- cum Sancto Spíritu: in glória Dei Patris.
- Amen.
Himno sa Tagalog
[baguhin | baguhin ang wikitext](Isinalin galing sa Latin.)
- Papuri sa Diyos sa kaitaasan,
- at sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.
- Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin,
- sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin,
- pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan,
- Panginoong Diyos, Hari ng langit,
- Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
- Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak,
- Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama,
- ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin;
- ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan;
- ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin.
- Sapagkat ikaw lamang ang Banal, ikaw lamang ang Panginoon,
- ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
- kasama ng Espiritu Santo, sa kadakilaan ng Diyos Ama.
- Amen.