Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Hainismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Hainismo (mula sa Ingles na Jainism) o Jain Dharma (जैन धर्म) ay isa sa mga matatandang relihiyon sa mundo na nagmula pa sa Antigong India. Ang nagtatag ng Hainismo ay si Vardhamana na kilala bilang Mahāvirā (599-527 B.C.) na sa edad na 30 ay nagwaksi ng kanyang pamilya at naging asetiko. Sa loob ng 12 taon, naging aktibo siya sa paghahanap ng katotohanan at lubos na nakapagtamo ng kamulatan habang nagninilay-nilay. Itinuro niyang ang lahat ng bagay sa daigdig, materyal man o hindi, ay may kaluluwa. Ang pagdadalisay ng kaluluwa ang layunin ng eksistensiya, sapagkat ang dalisay na kaluluwa, minsang mapalaya mula sa katawan, ay makapamumuhay sa walang-hanggang kaluwalhatian at malaya magpakailanman. Ang kadalisayan ay matatamo sa pamamagitan ng kaalaman at balanseng buhay. Itinaguyod din ng relihiyong Jainismo ang sukdol na asetismo, pag-aayuno, yoga at iba pang awsteridad para sa layuning pagninilay-nilay o meditasyon. May limang panata ang sinusunod ng mga Hain:

  1. Ahimsa (kawalang-karahasan)
  2. Satya (katotohanan)
  3. Asteya (katapatan)
  4. Brahmacharya (kabirhenan)
  5. Aparigraha (karalitaan)

Ang panata sa kawalang-karahasan (ahimsa) ay siyang tunay na obsesyon ng mga Hain. Nagmamaskara sila para takpan ang bibig at ilong upang maiwasan ang di-kinukusang paglanghap sa maliliit na insekto.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.