Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Hans Christian Andersen

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hans Christian Andersen
Kapanganakan2 Abril 1805[1]
  • (Odense Municipality, Southern Denmark, Dinamarka)
Kamatayan4 Agosto 1875[1]
  • (Copenhagen Municipality, Capital Region of Denmark, Dinamarka)
MamamayanDinamarka[2]
NagtaposUnibersidad ng Copenhagen
Trabahomanunulat,[1] makatà,[1] nobelista,[1] children's writer,[1] awtobiyograpo,[1] mandudula,[1] mamamahayag, may-akda,[3] direktor,[3] librettist
Asawanone
Pirma

Si Hans Christian Andersen (2 Abril 1805 – 4 Agosto 1875[4]) ay isang Danes na may-akda, nobelista, mandudula, at makatang kilala dahil sa kanyang mga kuwentong pambata o mga kuwentong bibit.[4] Kabilang sa naisulat niyang mga panitikang pambata ang "The Steadfast Tin Soldier", "The Snow Queen", "The Little Mermaid", "Thumbelina", "The Little Match Girl", at ang "The Ugly Duckling". Naisalinwika ang kanyang panulaan at mga kuwento sa mahigit sa 150 mga wika. Noong habang nabubuhay, ipinagbunyi siya dahil sa kanyang pagbibigay ng kasiyahan sa mga bata ng buong mundo, at tumanggap ng maraming mga bayad na "royalty". Nakapagbigay inspirasyon ang kanyang mga akda sa paglikha ng mga pelikula, mga dula, mga "ballet", at mga pelikulang animado o may gumagalaw na mga guhit-larawan.[5]

Ipinanganak si Hans Andersen sa Odense, Dinamarka. Anak na lalaki siya ng isang mahirap na sapaterong gumagawa ng mga bota. Noong siyam na taong gulang, sinubok niya ang pagsusulat ng mga trahedya at komedya. Pagkaraang pumanaw ng kanyang ama noong 1819, ipinadala siya sa Copenhagen. Hindi siya naging matagumpay sa ibang klase ng mga hanapbuhay, ngunit nagkaroon ng reputasyon dahil sa ilang maagang mga tula. Kinikilala na siya ng madla, bago pumasok sa isang pamantasan noong 1828. Pagkaraan ng mga tula, nagsulat naman siya ng kuwentong satirikal. Pagkalipas na maglakbay sa Italya, isinulat niya ang nobelang The Improvisatore, na tungkol sa buhay at katangian ng mga pook sa Italyang nadalaw niya. Bukod sa mga kuwentong bibit, nakapagsulat din siya ng mga dula, mga tulang epiko, at iba pang mga nobela. Namatay siya habang nasa Copenhagen noong 1875, sa edad na 70.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 1.8 Nouveau Dictionnaire des auteurs de tous les temps et de tous les pays; pahina: 89.
  2. http://www.telegraph.co.uk/travel/destination/denmark/148125/A-weekend-break-in...-Copenhagen.html.
  3. 3.0 3.1 https://theaterencyclopedie.nl/wiki/index.php?curid=4272.
  4. 4.0 4.1 4.2 Mee, Arthur; J.A. Hammerton. "Hans Christian Andersen". The World's Greatest Books, Vol. I, Fiction. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 30.
  5. Elias Bredsdorff, Hans Christian Andersen: the story of his life and work 1805-75, Phaidon (1975) ISBN 0-7148-1636-1