Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Henry Morton Stanley

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sir Henry Morton Stanley
Tagapamahayag at manggagalugad
Kapanganakan
John Rowlands

28 Enero 1841(1841-01-28)
Kamatayan10 Mayo 1904(1904-05-10) (edad 63)
London, Nagkakaisang Kaharian
Pirma

Si Sir Henry Morton Stanley, GCB, ipinanganak bilang John Rowlands (28 Enero 1841 – 10 Mayo 1904), at may palayaw na Bula Matari ("Mandudurog ng Bato") sa Kongo, ay isang Amerikanong Welsh (Amerikang Gales) na mamamahayag at eksplorador na naging bantog dahil sa kaniyang panggagalugad ng gitnang Aprika at sa kaniyang paghanap sa misyonero at manggagalugad na Eskoses na si David Livingstone. Nang matagpuan na si Livingstone, sinasabing winika niya ang ngayon ay tanyag nang pagbati na: "Dr. Livingstone, I presume?" ("Ikaw si Dr. Livingstone, sa palagay ko?"). Nakikilala rin si Stanley dahil sa kaniyang mga natuklasan sa Congo at mga pagpapaunlad ng rehiyon ng Congo. Ginawaran siya ng pamagat na kabalyero noong 1899.


TalambuhayNagkakaisang Kaharian Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at United Kingdom ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.