Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Hepatitis A

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hepatitis A
Isang kaso ng jaundice o paninilaw na dulot ng hepatitis A
EspesyalidadInfectious diseases Edit this on Wikidata
Hepatitis A virus

Ang Hepatitis A na dating kilala bilang infectious hepatitis at epidemical virus ay isang acute na nakahahawang sakit ng atay na sanhi ng hepatitis A virus (Hep A), na isang RNA virus na karaniwang kumakalat sa pamamagitan ng rutang pandumi-pambibig. Ito ay naipapasa ng tao-sa-tao sa pamamagfitan ng pagkain ng kontaminadong pagkain o sa pamamagitan ng direktang pagdikit sa impektadong indibidwal. Ang mga sampu ng milyong mga indbidwal sa buong mundo ay tinatantiyang magiging impektado ng Hep A kada taon. Ang panahon sa pagitan ng pagkakahawa at paglitawa ng mga sintomas nito(yugtong inkubasyon ay sa pagitan ng dalawa at anim na buwan at ang aberaheng yugtong inkubasyon ay 28 araw.

Ito ay karaniwang naihahawa sa pamamagitan ng pagkain o pag-inom ng pagkain o inumin na kontaminado ng may impeksiyon na tae.[1] Angshellfish na hindi masyadong naluto ay makatwirang karaniwang sanhi.[2] Ito ay maaari ring kumalat sa pamamagitan ng malapitang kontak sa taong naimpeksiyon na.[1] Kahit na walang sintomas ang mga bata kapag naimpeksiyon, maaari pa rin silang manghawa sa iba.[1] Pagkatapos ng minsanang pagkakaimpeksiyon, di na tinatablan ang isang tao sa buong buhay nila.[3] Ang diyagnosis ay nangangailangan ng pagpapasuri ng dugo dahil sa ang mga sintomas ay nahahawig sa mga ibang bilang ng karamdaman.[1] Isa ito sa mga kilala bilang mga hepatitis na virus: A, B, C, D, at E.

Pag-iwas at Paggamot

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang bakunang pang-hepatitis A ay mabisang paraan para maiwasan ang karamdaman.[1][4] Karaniwan itong inirerekomenda ng mga ilang bansa para sa mga bata at sa labis na nanganganib na hindi pa nababakunahan.[1][5] Nakikita itong mabisa nang panghabambuhay.[1] Kasama sa mga iba pang paraang pang-iwas ng karamadaman ang paghugas ng kamayat pagluto nang mabuti ng pagkain.[1] Walang partikular na panggamot, sa pamamagitan ng pagpapahinga at gamot para sa pagkaramdam na para nasusuka o pagtatae ang inirerekomenda kung kinakailangan.[1] Ang mga impeksiyon ay karaniwang ganap na nawawala at walang nagreresultang sakit sa atay.[1] Ang paggamot ng malubhang pagbagsak ng atay, kung mangyayari ito, ay sa pamamagitan liver transplantion o operasyon para palitan ang atay.[1]

Pag-aaral sa Epidemiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa buong mundo, ang humigit kumulang na 1.5 milyon ng may sintomas na kaso ang nagaganap taun-taon[1] na may malamang na sampuhang milyung-milyon ng mga impeksiyon sa kabuuan.[6] Ito ay mas karaniwan sa mga rehiyon sa mundo na may hindi mabuti ang kalinisan sa paligid at walang sapat na tubig.[5] Sa umuunlad na mundo, ang humigit kumulang na 90% ng mga bata ay naimpeksiyon na sa edad na 10 at kaya naman di na tinatablan sa pagdating nila sa tamang edad.[5] Ito ay madalas na nagaganap sa mga paglaganap sa mga medyo umuunlad na bansa kung saan ang mga bata ay hindi nailalantad noong mas bata pa at walang laganap na pagbabakuna.[5] Noong 2010, ang malubhang hepatitis A ay nagdulot ng 102,000 na pagkamatay.[7] Ang World Hepatitis Day ay ipinagdidiwang taun-taon sa Hulyo 28 para makapagdulot ng kabatiran sa viral hepatitis.[5]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 Matheny, SC; Kingery, JE (1 Disyembre 2012). "Hepatitis A." Am Fam Physician. 86 (11): 1027–34, quiz 1010–2. PMID 23198670.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Bellou, M.; Kokkinos, P.; Vantarakis, A. (Marso 2013). "Shellfish-borne viral outbreaks: a systematic review". Food Environ Virol. 5 (1): 13–23. doi:10.1007/s12560-012-9097-6. PMID 23412719.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. The Encyclopedia of Hepatitis and Other Liver Diseases. Infobase. 2006. p. 105. ISBN 9780816069903.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Irving, GJ.; Holden, J.; Yang, R.; Pope, D. (2012). "Hepatitis A immunisation in persons not previously exposed to hepatitis A.". Cochrane Database Syst Rev. 7: CD009051. doi:10.1002/14651858.CD009051.pub2. PMID 22786522.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 "Hepatitis A Fact sheet N°328". World Health Organization. Hulyo 2013. Nakuha noong 20 Pebrero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Wasley, A; Fiore, A; Bell, BP (2006). "Hepatitis A in the era of vaccination". Epidemiol Rev. 28: 101–11. doi:10.1093/epirev/mxj012. PMID 16775039.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Lozano, R (Dis 15, 2012). "Global and regional mortality from 235 causes of death for 20 age groups in 1990 and 2010: a systematic analysis for the Global Burden of Disease Study 2010". Lancet. 380 (9859): 2095–128. doi:10.1016/S0140-6736(12)61728-0. PMID 23245604.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)