Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Himnasyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sa loob ng isang himnasyo sa Amsterdam

Ang isang himnasyo o gymnasium, kilala ding bilang isang gym, ay isang lokasyong may takip para sa atletika. Hinango ang salita mula sinaunang Griyego na "gymnasium."[1] Karaniwan silang natatagpuan sa mga sentrong atletiko at angkop na pangangatawan, at ginagamit blang isang gawain at espasyo sa pagkakatuto sa mga institusyong pang-edukasyon. Salitang balbal ang "gym" para sa "sentrong pangkalusugan", na kadalasang isang lugar para sa panloob na libangan. Gayon din, maaring kabilang o isalarawan sa isang "gym" ang lugar na walang takip. Sa mga bansang Kanluranin, kadalasang isinasalarawan ang mga gym bilang mga lugar na may laruang panlabas o panloob para sa basketbol, hockey, tenis, boksing o pagbubuno, at may mga kagamitan at makina na ginagamit para sa pagsasanay para sa pisikal na pag-unlad, o para mag-ehersisyo. Sa maraming mga bansa sa Europa, sinasalarawan din ng gymnasium (at baryasyon ng salita) ang isang sekondaryang paaralan na inihahanda ang isang mag-aaral para sa mas mataas na edukasyon at sa isang pamantasan, na may o walang presensya ng atletikong laruan, bukas na laruan, o kagamitan.

Pangkalahatang ideya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Florida Gymnasium sa Unibersidad ng Florida

Ginagamit sa himnasyo ang mga aparato tulad ng mga barbel, board na pang-talon, daanang pang-takbo, at bola ng tenis para sa ehersisyo. Sa ligtas na panahon, pinakakaaya-aya sa kalusugan ang panlabas na lokasyon.[2] Naging sikat ang mga gym sa sinaunang Gresya. Kabilang sa kurikulum nila ang depensa sa sarili, gymnastica medica, o terapewtikang pisikal upang tulungan ang may sakit at nasugatan, at para sa angkop na pangangatawan at palakasan, mula sa boksing hanggang sa sayaw hanggang sa laktaw-lubid.[3]

Mayroon din ang mga himnasyo ng mga guro ng karunungan at pilosopiya. Ginaganap ang mga pamayanang himnastikong kagananapan bilang bahagi ng pagdiriwang sa panahon ng iba't ibang pista ng nayon. Sa sinaunang Gresya, may kasabihang pagdusta: "Hindi siya makalangoy o makapagsulat." Bagaman pagkaraan ng ilang panahon, nagsimula ang mga Olimpikong atleta na magsanay sa mga gusali na partikular na dinisenyo para sa kanila.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Partridge 1984, p. 517
  2. Ravenstein & Hulley 1867
  3. Partington 1838, p. 627
  4. "The Olympic Games". HISTORY (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-09-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)