Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Isis (diyosa)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Istatuwa ni Isis

Sa mitolohiyang Ehipsiyo, si Isis (bigkas sa Ingles: /ay-sis/; at binabaybay din sa transliterasyon ng sinaunang wikang Ehipsiyo bilang Asat, Aset, Eset o, sa dialektong Koptiko: Ēse o Ēsi) ay isang diyosa ng mga sinaunang Ehipsiyo at, sa paglipas ng panahon, ang kanyang pananampalataya ay lumaganap sa maraming bahagi ng Imperyong Griyego at Romano; kalimitang kinilala bilang isang mapagkalingang diyosa at ina. Siya ay naging patron ng mga ina at kababaihan, tagapag-alaga ng mga bata, kaibigan ng mga karaniwang mamamayan, mang-gagawa at mangangalakal, at mapagpatawad sa mga nagkakasala. Sa kabilang banda, siya rin ay itinuring bilang tagapagkalinga ng mga may-kapangyarihan at mga pinuno. Siya ang diyosa ng mga Reyna, ng Pagiging-Ina, Pertilidad na dulot na pagbaha ng Ilog ng Nilo at, ang pinaka-tanyag niyang gampanin, ng Salamangka.

Hindi nating lubusang maintindihan ang tunay na pinagugatan ng mga kuwento at pananampalatay ukol kay Isis. Ang unang beses na naitala sa kasaysayan ang pangalan ni Isis ay noong Ikalimang Dinastiya ng Ehipsiyo (c.2494 - 2345 BC); isang halimbawa sa mga talaang ninutukoy ay ang Teksto mula sa mga Piramides (Pyramid Text) kung saan itinuturing si Isis bilang isang miyembro ng Ennead, isang group ng Siyam na mga diyos at diyosa na nakabases ang pananampalataya sa lumang lungsod ng Heliopolis, Ehipto. Kinalaunan lamang sa kasaysayan ng sinaunang Ehipsiyo na lubusang naging tanyag ang pagkakakilanlan ni Isis at nangyari ito nang nalagpasan niya sa katanyagan ang maraming mga diyos at diyosa ng Episyo; tulad ng mga diyosang sina Hathor at Sopdet. Ang pag-lakasa ng kapangyarihan ni Isis ay ipinaliwanag ng mga sinaunang Ehipsiyo sa pamamagitan ng isang alamat kung saan nilinlang niya si Ra, pinaka-makapangyarihan at hari nga mga diyos ng Ehipto, upang matuklasan ni Isis ang lihim na tunay na pangalan ni Ra, kung kaya't napasa-kamay ni Isis ang maraming bahagi ng kapangyarihan ni Ra. Si Isis ay sadyang kinikilala at pinararangalan na nang buong sinaunang Ehipto - sa iba't ibang pagkakakilanlan at paraan - noon pang nagumpisa ang kasaysayan dito. Huli na nung Ika-talongpung Dinastiya (c. 380 - 343 BC) sa ilalim ni Nectanebo II (c. 360 - 343 BC) nang nagkaroon ng isang templo na sadyang nakadedika kay Isis.

Sa kasalukuya, kalimitang itinuturing si Isis bilang anak na babae nina Geb, ang diyos ng kalupaan, at Nut, ang diyosa ng kalangitan. Ipinanganak si Isis sa ikaapat na araw ng Interkalinaryo (ang limang mga araw na idinadagdag sa 360 para maging 365 ang bilang ng mga araw sa kalendaryo). Kapatid at asawa niya si Osiris na kanya ring panganay na kapatid, at nagkaroon sila ng anak na lalaking na si Horus nang muling binuhay ni Isis si Osiris, matapos mapaslangng kanyang kapatid, sa pamamagitan ng kanyang salamangka, ngunit para lamang sa isang gabi. Ang mga patak ng luha ni Isis na dahilan ng pagdadalamhati niya sa kamatayan ni Osiris ang pinaniniwalaang dahilan ng mga sinaunang Ehipsiyo kung bakit taon-taunang bumabaha ang Ilog ng Nilo. Si Isis ay mayroong ring isang busong kapatid na babae na si Nephthys na naging kabalikat niya sa maraming mga kuwento.