Josh radnor
Si Joshua Thomas “Josh” Radnor (ipinanganak 29 Hulyo 1974) ay isang Amerikanong aktor, produktor, direktor, at manunulat, na pinakakilala sa kanyang pagganap sa pangunahing tauhan na si Ted Mosby sa popular at Emmy Award-winning na sitcom ng CBS na How I Met Your Mother, kung saan siya ay umani ng katanyagan.
Si Radnor ay unang humarap sa publiko bilang manunulat at direktor nang kanyang gawin ang pelikulang comedy-drama na happythankyoumoreplease. Dito, siya ay nagkamit ng Sundance Film Festival Audience Award at nanomina bilang nararapat para sa Grand Jury Prize. Kasalukuyan niyang ginagawa ang kanyang ikalawang pelikula, pinamagatang Liberal Arts, na kanya ding sinulat at dinirekta.
Unang mga taon bago ang karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Radnor ay ipinanganak sa Columbus, Ohio, anak ni Alan Radnor, isang medical malpractice lawyer, at ni Carol Radnor. Siya ay may dalawang babaeng kapatid, sina Melanie at Joanna. Siya ay lumaki sa Bexley, Ohio, isang suburb ng Columbus kung saan siya ay nag-aral sa mga Jewish day schools (kasama na dito ang Columbus Torah Academy)[1]. Si Radnor ay nag-aral sa Bexley High School at kinalaunan, sa Kenyon College kung saan ang departamento ng teatro ng kanyang paaralan ay ginawaran siya ng Paul Newman award, at nagtapos ng B.A. sa drama[2]. Natapos ni Radnor ang Masters of Fine Arts na digri sa pag-arte mula sa New York University’s Graduate Acting Program sa Tisch School of the Arts[2][3].
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinalagang bida noong 2001 si Radnor si serye ng The WB na Off Centre ngunit ang karakter na dapat niyang gampanan ay ibinigay kay Eddie Kaye Thomas bago pa man ipalabas ang unang episodyo ng serye[4]. Noong 2002 naman ay unang lumabas sa Broadway si Radnor sa stage version ng The Graduate, sumunod kay Jason Biggs at kasabayan nina Kathleen Turner at Alicia Silverstone. Mula 2005, si Radnor ay gumaganap sa How I Met Your Mother, ang kanyang pinakamalaking papel sa kasalukuyan. Noong hulyo 2008, gumanap siya kasama si Jennifer Westfeldt sa premiere ng dulang Finks[5], na isinulat ni Joe Gilford at dinerekta ni Charlie Stratton para sa New York Stage and Film. Ang kanyang unang gawa bilang direktor ay ang pelikulang happythankyoumoreplease, kung saan siya din ang manunulat at bida[6]. Ang kanyang pangalawang pelikulang Liberal Arts, na pinagbibidahan ni Elizabeth Olsen, ay nasa preproduction pa lamang at ilalabas sa 2012[7].
Personal na buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Radnor ay kasalukuyang nakatira sa Los Angeles, California.
Si Radnor ay nagsimulang maugnay sa aktres na si Lindsay Price noong Agosto 2008; Una silang nagkita isa’t kalahating taon ang nakalipas nang maging panauhin si Price sa How I Met Your Mother[8]. Ang dalawa ay naghiwalay noong Nobyembre 2009[9].
Mga pagganap sa pelikula, telebisyon at teatro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Titulo | Ginampanan | Puna |
---|---|---|---|
1998 | Barney's Great Adventure | "Waiter"/"Dancing Waiter | |
2001 | Not Another Teen Movie | "Tour Guide"/"Teddy Bear | |
2004 | Everyday Life | Husband | Pelikulang pantelebisyon |
2010 | happythankyoumoreplease | Sam | Siya din ang direktor at manunulat |
2012 | Liberal Arts | Jesse Fisher | post-production, siya din ang manunulat at direktor |
Taon | Titulo | Ginampanan | Puna |
---|---|---|---|
2000 | Welcome to New York | Doug | Episodyo: "The Crier" |
2002 | Law & Order | Robert Kitson | Episodyo: "Access Nation" |
2002 | The Court | Dylan Hirsch | Episodyo: "Life Sentence" Episodyo: "Due Process" Episodyo: "Stay" |
2003 | ER | Keith | Episodyo: "The Advocate" |
2003 | Six Feet Under | Will Jaffe | Episodyo: "The Trap" |
2003 | Miss Match | Andrew | Episodyo: "I Got You Babe" |
2005 | Judging Amy | Justin Barr | Episodyo: "Too Little, Too Late" |
2005 - | How I Met Your Mother | Ted Mosby | Pangunahing Bida, 154 episodyo |
2007 | Family Guy | Ted Mosby | Episodyo: "No Chris Left Behind" |
Taon | Titulo | Ginampanan | Puna |
---|---|---|---|
2002 | "The Graduate" | Benjamin Braddock | Pamalit (11 Hunyo 2002 - 18 Agosto 2002)[10] |
2004 | "The Paris Letter" | Sam Arlen/ Young Sandy | |
2011 | "She Loves Me" | Georg Nowack | [10] |
References
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Spence, Rebecca (2008-03-12). "Radnor: Not Your Average TV Star". The Jewish Daily Forward. Nakuha noong 2008-03-13.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Josh Radnor: How I Met Your Mother on CBS". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-04-03. Nakuha noong 2012-04-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "NYU Graduate Acting Alumni". 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2004-05-16. Nakuha noong 2011-12-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Josh Radnor Trivia — Josh Radnor Facts — Josh Radnor Notes". Tv.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-17. Nakuha noong 2009-09-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cotter, James (2008-07-26). "article". Times Herald. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-02. Nakuha noong 2021-08-05.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Angelo, Megan. "How I Met Your City, the Real One," The New York Times, Sunday, February 27, 2011.
- ↑ Kit, Borys (2011-03-23). "Josh Radnor, Elizabeth Olsen Teaming for Indie 'Liberal Arts' (Exclusive)". The Holiday Reporter. Nakuha noong 23 Abril 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Josh Radnor and Lindsay Price Go Public with Romance". People. 2009-06-18. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-21. Nakuha noong 2012-04-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lindsay Price and Josh Radnor Split". People. 2009-11-11. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-03-28. Nakuha noong 2012-04-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 10.0 10.1 "Josh Radnor". Internet Broadway Database. Nakuha noong 11 Enero 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
External links
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Josh Radnor Bio at CBS - How I Met Your Mother Naka-arkibo 2008-04-03 sa Wayback Machine.
- Interview with Radnor at Starpulse.com Naka-arkibo 2009-03-07 sa Wayback Machine.