Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Kaharian ng Dalawang Sicilia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Kaharian ng Dalawang Sicilia (Ingles: Kingdom of the Two Sicilies, Italyano: Regno delle Due Sicilie)[1] ay ang naging pinakamalaki sa mga estadong Itlayano bago ang pag-iisa ng Italya.[2] Nabuo ito dahil sa pag-iisa ng Kaharian ng Sicilia at ng Kaharian ng Naples noong 1816 at nagtagal hanggang 1860, noong isanib ito ng Kaharian ng Sardinia, na naging Kaharian ng Italya noong 1861. Nilikha ito ni Ferdinand I ng Dalawang Italya, pagkaraan ng Konggreso ng Vienna, at pinamunuan ni Joseph Bonaparte noong kapanahunan ni Napoleon Bonaparte. Ang kabisera ng Dalawang Sicilia ay nasa Naples at karaniwang tinutukoy bilang "Kaharian ng Naples". Ang Katolisismong Romano ang relihiyon ng estado. Ang Kabahayan ng Bourbon ang namumunong dinastiya. Noong 1861, nabihag ni Giuseppe Garabaldi at ng kaniyang mga tauhan, na nakikilala bilang "mga kamisetang pula", ang Sicilia at pagkaraan ay tumawid sa Kipot ng Messina at nabihag naman nila ang Naples. Pagkaraan ay sumali na ito sa Kaharian ng Italya. Ang kaharian ay umaabot magpahanggang sa Mezzogiorno (ang katimugang bahagi ng punong-lupain ng Italya) at sa pulo ng Sicilia. Itinala ni Lancaster na ang integrasyon (pagsasama) ng Kaharian ng Dalawang Sicilia sa Kaharian ng Italya ay nakapagpabago sa katayuan ng Naples magpakailanman: "Ang kaaba-abang pagdarahop ay nangangahulugan na sa kabuoan ng Naples at Timog Italya, libu-libong [mga tao] ang nagpasyang lumisan upang maghanap ng isang mas mainam na hinaharap." Marami ang nagpunta sa Estados Unidos.[3] Talagang sakahan ito, katulad ng iba pang mga estadong Italyano;[4] ang simbahan ang nagmamay-ari ng 50–65% ng lupain pagsapit ng 1750.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Swinburne, Henry. Travels in the Two Sicilies (1790). British Library.
  2. De Sangro, Michele (2003). I Borboni nel Regno delle Due Sicilie (sa wikang Italyano). Lecce: Edizioni Caponi.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Jordan Lancaster, In the shadow of Vesuvius: a cultural history of Naples (2005) pp. 199–206
  4. Nicola Zitara. "La legge di Archimede: L'accumulazione selvaggia nell'Italia unificata e la nascita del colonialismo interno" (PDF) (sa wikang Italyano). Eleaml-Fora!.[patay na link]
  5. Carlo M. Cipolla. Before the industrial revolution: European society and economy, 1000–1700 (1993) p 36

Kasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.