Kalamnang deltoid
Sa anatomiya ng tao, ang kalamnang deltoid o kalamnang tatsulok (kalamnang may tatlong sulok), ay ang masel na bumubuo sa bilugang tabas ng balikat. Sa pang-anatomiya, lumilitaw ito na binubuo ng tatlong magkakaibang mga pangkat ng mga hibla, bagaman ipinapahiwatig ng elektromiyograpiya na binubuo ito ng hindi bababa sa tatlong mga pangkat na isa-isang malalayang mapagtutugun-tugon ng sistema ng sentral na nerbiyos.[1] Dati itong tinatawag bilang deltoideus, isang pangalan na ginagamit pa rin ng ilang mga anatomista. Tinawag itong ganito dahil kahugis ito ng titik na Griyegong Delta na nangangahulugang "tatsulok". Kilala rin ito bilang karaniwang kalamnang pambalikat, partikular na sa mas mababang mga hayop (halimbawa na iyong mga pusang domestikado). Ang pangalang deltoid ay mas pinaiiksi pa bilang "delt". Sa maramihang anyo, ang salitang ito ay maaari ring maging deltoidei.
Ang isang pag-aaral ng 30 mga balikat ay nagbunyag ng isang pangkaraniwang timbang na 191.9 gram (6.77 oz) (sakop ang 84 gram (3.0 oz)–366 gram (12.9 oz)) sa mga tao.[2]
Panlikurang deltoid
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang panlikurang deltoid, bagaman nasa likod ng katawan ay itinuturing na isang kalamnan o masel ng balikat. Ang tungkulin ng partikular na masel na ito ay ang hilahin ang pang-itaas na braso palikod. Ang ganitong galaw ay nagaganap kapag nagsasagawa ang isang tao ng ehersisyong nagsasagwan.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Brown JM, Wickham JB, McAndrew DJ, Huang XF. (2007). Muscles within muscles: Coordination of 19 muscle segments within three shoulder muscles during isometric motor tasks. J Electromyogr Kinesiol. 17(1):57-73. PMID 16458022 doi:10.1016/j.jelekin.2005.10.007
- ↑ Potau JM, Bardina X, Ciurana N, Camprubí D. Pastor JF, de Paz F. Barbosa M. (2009). Quantitative Analysis of the Deltoid and Rotator Cuff Muscles in Humans and Great Apes. Int J Primatol 30:697–708. doi:10.1007/s10764-009-9368-8
- ↑ Campbell, Adam. The Men'sHealth Big Book of Exercises, Meet Your Muscles, Back, Rear Deltoid, Kabanata 5, Rodale, New York, 2009, pahina 71.