Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Kikwit

Mga koordinado: 5°02′19″S 18°49′05″E / 5.03861°S 18.81806°E / -5.03861; 18.81806
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kikwit
Isang eroplano ng Filair sa Paliparan ng Kikwit.
Isang eroplano ng Filair sa Paliparan ng Kikwit.
Kikwit is located in Democratic Republic of the Congo
Kikwit
Kikwit
Kinaroroonan sa Demokratikong Republika ng Congo
Mga koordinado: 5°02′19″S 18°49′05″E / 5.03861°S 18.81806°E / -5.03861; 18.81806
Bansa Demokratikong Republika ng Congo
LalawiganKwilu
Lawak
 • Kabuuan92 km2 (36 milya kuwadrado)
Taas
452 m (1,483 tal)
Populasyon
 (2012)
 • Kabuuan397,737
 • Kapal4,300/km2 (11,000/milya kuwadrado)
KlimaAw
Pambansang wikaKikongo

Ang Kikwit ay isang lungsod sa Demokratikong Republika ng Congo (dating Zaire). Ito ay kabisera ng Lalawigan ng Kwilu, at matatagpuan sa Ilog Kwilu sa timog-kanlurang bahagi ng bansa. Sa rehiyong iyon kilala ang Kikwit sa palayaw nitong "The Mother". Tinatayang nasa 397,737 katao ang populasyon nito noong 2012. Isa itong mahalagang sentro pangkomersiyo at pang-administratibo, at kilala ito sa mga kinaugaliang sayaw nito, lalo na ang mga mananayaw na Bapende na kadalasang nagsusuot ng mga kinaugaliang damit na binubuo ng mga makukulay na maskara at kasuotang gawa sa raffia.

May isang estadyo ang lungsod. Gayundin, may paliparan ang Kikwit at nakakonekta ito sa Kinshasa, ang kabisera ng bansa, sa pamamagitan ng isang bagong daan at transportasyong pang-ilog.

Naranasan ng lungsod ang isang malubhang pagsalanta ng nakamamatay na Ebola birus noong 1995.[1]

Ipinanganak ang mang-aawit na si King Kester Emeneya sa Kikwit noong 1956. Isinagawa sa lungsod ang isang konsiyertong pagkilala sa kanya noong Abril 2014, dalawang buwan pagkaraan ng kanyang pagpanaw. Subalit nauwi ito sa malaking kapahamakan, at di-bababa sa dalawampung katao ang nasawi sa loob ng estadyo dahil sa panakbuhan kasunod ng isang pagpalya ng kuryente.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Outbreak of Ebola Viral Hemorrhagic Fever -- Zaire, 1995". Centers for Disease Control. 19 Mayo 1995. Nakuha noong 7 Abril 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Deadly stampede at tribute concert in Democratic Republic of Congo". Deutsche Welle. 25 Abril 2014. Nakuha noong 29 Abril 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga ugnay panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]