Kimikang makateoriya
Itsura
Ang kimikang makateoriya (Ingles: theoretical chemistry) ay naglalayon na makapagbigay ng mga teoriya na makapagpapaliwanag ng mga obserbasyong pangkimika. Sa kadalasan, gumagamit ito ng mga paraang pangmatematika at pangkumputasyon. Ang kimikang pangkuwantum, ang aplikasyon o paglalapat ng mekaniks na pangkabuuan sa pag-unawa ng balensiya, ay isang pangunahing sangkap ng kimikang makateoriya. Ang iba pang mga pangunahing sangkap ay ang dinamikang pangmolekula, termodinamikang pang-estadistika at mga teoriya ng mga solusyong elektrolito, mga network ng reaksiyon, polimerisasyon at katalisis.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.