Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Labanan sa Kursk

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Labanan sa Kursk
Bahagi ng Silangang Teatro ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Mga sundalong Aleman kasama ang isang tangkeng Tiger I, patungo sa lugar ng labanan sa Kursk
PetsaPaglusob ng mga Aleman: Ika-5 hanggang 16 ng Hulyo, 1943
Opensiba ng mga Sobyet: Ika-12 ng Hulyo hanggang ika-23 ng Agusto, 1943
Lookasyon
Resulta Pangwakas na tagumpay ng mga Sobyet
Tuluyang nawasak ang kapabilidad ng Nasyonalistang Alemanya na maglunsad ng mga pagsalakay sa Silangang Teatro ng labanan
Pagbabago sa
teritoryo
Nabawing muli ng mga Sobyet ang ilang mga lupain sa kanlurang bahagi habang lumulusob sila sa isang 2000-km kalawak na lugar ng labanan
Mga nakipagdigma
Unyong Sobyet Nasyonalistang Alemanya
Mga kumander at pinuno
Georgy Zhukov
Konstantin Rokossovsky
Nikolay Vatutin
Aleksandr Vasilevsky
Ivan Konev
Erich von Manstein
Günther von Kluge
Hermann Hoth
Walther Model
Hans Seidemann
Robert Ritter von Greim
Lakas
2,500,000 sundalo
8,000 tangke
25,000 kanyon at mga mortar
2,800 eroplanong pandigma
900,000 sundalo
3,000 tangke
10,000 kanyon at mga mortar
2,100 eroplanong pandigma
Mga nasawi at pinsala
863,000 sundalong namatay, nasugatan o nagkasakit
4,000 tangkeng nawasak
8,000 kanyon at mga mortar na nawasak
1,700 eroplanong nawasak
~500,000 sundalong namatay, nasugatan at nabihag
1,100 tangkeng nawasak
~1,000 kanyon at mga mortar na nawasak
800 eroplanong nawasak

Ang Labanan sa Kursk ay nangyari noong nagkasagupaan ang mga pwersang militar ng Alemanya at ng Unyong Sobyet sa Silangang Teatro sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nakasentro sa kapaligiran ng lungsod ng Kursk, (tinatayang 450 kilometro o 280 milya sa timog ng lungsod ng Moscow) sa Unyong Sobyet noong Hulyo at Agosto 1943. Nananatili ang labanan sa kasaysayan bilang ang pinakamalaking pagsagupaan ng mga tangke, kabilang na ang Labanan sa Prokhorovka, at ang pinakamadugo at pinakamapinsalang labanang panghimpapawid sa kasaysayan nga pakikidigmang panghimpapawid. Ito ang kahuli-hulihang stratehikong paglusob na ginawa ng hukbong Aleman. Ang resultang pangwakas na tagumpay para sa mga Sobyet ay nagbigay sa Hukbong Sobyet ng stratehikong hakbangin sa mga natitirang kapanahunan ng digmaan.

Umasa ang mga Aleman na paikliin ang mga linya ng Sobyet sa pamamagitan ng paglusob sa umbok ng lungsod ng Kursk na nalikha pagkatapos nawasak ang Ika-6 Hukbo ng Alemanya sa Labanan sa Stalingrad. Plano ng mga Aleman na paligiran ang hukbong Sobyet sa kapaligiran ng lungsod subalit alam ng mga Sobyet ang mga hangarin nila na wasakin ang kanilang hukbo. Ito at mga pagkaantala sa paghihintay sa mga bagong sandata, unang-una ay mga tangkeng Tiger at Panther, ay nagbibagay sa Hukbong Sobyet na gumawa ng mga depensibong linya sa pamamagitan ng paghukay ng mga bambang na sangkahan laban sa mga tangke at pagplanta ng napakalaking pag-uugnayan ng mga mina na humigit-kumulang sa 500,000 at magtipon ng mga napakalaking reserbang hukbo para sa isang stratehikong paglusob.

Pinayuhan mga ilang buwan na lumipas na ang paglusob ay patungo sa leeg ng umbok ng lungsod, gumawa ang mga Sobyet ng isang plano para pabagalin, lituhin, pahinain, at wasakin hanggang lugod ang mga mga malalakas na dibisyon ng mga tangkeng Aleman sa pamamagitan ng pagpilit sa kanila na umatake habang tumutuloy sa mga napakalaking paguugnayan ng mga mina at bomba, mga ginalugad na lugar para pambomba sa mga kanyon, at mga lugar kung saan doon makapinsala nang lubos ang mga hukbo sa mga tangkeng sumasalakay sa walong depensibong linya na hindi bababa sa 250 kilometro ang lalim -- mas lamang pa sa Maginot Line sa silangang France ng sampung beses -- at tampok sa mas higit na katumbas ng isa-sa-isa ng mga bogang pampaminsala ng mga tangke laban sa mga umaatakeng sasakyan. Dahil sa laki ng mga naguugnayang pandepensa na ginawa, pinatunayan nito na higit pa sa tatlong beses ang kinakailangan upang pigilin ang pinakarurok na hangganan ng paglusob ng mga sundalong Aleman. Noong nawalan na ng sapat na lakas laban sa mga depensa, lumusob naman ang mga sundalong Sobyet, kung saan naagaw muli ang mga lungsod ng Orel at Belgorod noong ika-5 ng Agusto, at lipulin ang mga Aleman pabalik sa napakalaking lugar ng labanan na malayo sa lungsod ng Kursk.

Bagaman nagkaroon man ng mga tagumpay ang Hukbong Sobyet sa taglamig, ito ang kauna-unahang tagumpay nila sa panahon ng tag-init ng digmaan, at bagaman marami mang nasawi o nasira sa panig ng mga Sobyet, nagresulta ito sa pangwakas na tagumpay ng mga Sobyet pagkatapos nakapaminsala sa panig ng mga Aleman ng higit na nakararaming bahagdan sa pinakamalakas na hanay ng mga tangke tulad ng Tiger at Panzer at nawalan ng lubos na lakas para ipagpatuloy pa ang pakikidigma sa Silangang Teatro ng paglalaban sa kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagkaroon ng pwesto sa mga kurikulum sa mga pamantasang pandigma ang modelo ukol sa mga operasyon sa labanan. Ang Labanan ng Kursk ang kauna-unahang labanan kung saan nabigo ang opensibang Blitzkreig (isang stratehiya kung saan lulusob ang mga yunit ng tangke at sundalo sa isang lugar pagkatapos ng isang panghimpapawid na pagsalakay sa lugar na iyon) bago pa man wasakin ang mga depensa na ginawa ng mga kalaban.