Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Lakas–CMD

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lakas–Christian Muslim Democrats
TagapanguloBong Revilla Jr.
PanguloMartin Romualdez
Kalihim-PanlahatJose Aquino II
NagtatagFidel Ramos
Raul Manglapus
President EmeritusGloria Macapagal Arroyo
ItinatagDisyembre 1991; 32 taon ang nakalipas (1991-12) (original form)
18 Hunyo 2008; 16 taon na'ng nakalipas (2008-06-18) (current form)
Pagsasanib ngLakas–CMD and KAMPI
Punong-tanggapan3/F, Universal Re Building, 106 Paseo de Roxas, Legazpi Village, Makati, 1229 Metro Manila
Pangakabataang BagwisLakas Youth
PalakuruanChristian democracy
Islamic democracy
Conservatism
Filipino nationalism
Federalism[1][2]
Parliamentarianism
Posisyong pampolitikaCentre-right[3]
Kasapian pambansaUniTeam (2021–present)
Coalition for Change (2016–2021)
Kasapaing pandaigdigCentrist Democrat International
Opisyal na kulay                    Sky blue, gold, green, orange
Seats in the Senate
1 / 24
Seats in the House of Representatives
89 / 316
Provincial governorships
10 / 81
Provincial board members
18 / 1,023
City and municipal mayorships
68 / 1,634
City and municipal councilors
514 / 16,812
Logo
Talaksan:Lakas CMD.svg
Website
lakascmd.com

Ang Lakas–Christian Muslim Democrats (literal sa Tagalog: Lakas–Mga Demokratang Kristiyano at Muslim), pinapaikli bilang Lakas–CMD at kilala din bilang Lakas lamang, ay isang partidong pampolitika sa Pilipinas. Tinuturing ang Lakas–CMD na nasa gitnang-kaliwa ng espektrong pampolitika at naiimpluwensiyahan ng demokrasyang Kristiyano at demokrasyang Islam. Simula noong halalang 2022, ang Lakas–CMD ay ang pinakamalaking partido sa Kamara de Representante, na ang pangulo ng partido, si Martin Romualdez, ang nagsisilbing Ispiker ng Kamara.[4] Dominanteng kasapi ang partido ng UniTeam Alliance (literal: Alyansang UniKoponan) na pinamumunuan ni Pangulong Bongbong Marcos.

Isa sa miyembro ng Lakas–CMD, si Gloria Macapagal Arroyo, ang naging pangulo, na nakaluklok na sa puwesto nang nabuo ang partido noong 2009, at isang kasapi naman ang naging pangalawang pangulo, si Sara Duterte, na nahalal noong 2022.

Nagsanib noong 2009 ang orihinal na Lakas–CMD (na itinatag noong 1991) sa Kabalikat ng Malayang Pilipino (KAMPI), na binuo ang Lakas Kampi CMD. Bumalik sa orihinal na pangalan ang partido at nawala sa pangalan ang KAMPI. Nangyari ito pagkatapos kumalas ang maraming kasapi at binuo ang National Unity Party[5] (literal: Partido ng Pambansang Pagkakaisa).

Pagkatapos ng halalan ng 2010, nahati ang partido sa parehong bloke ng mayorya at minorya. Noong 2013, sinuporta ng Lakas ang karamihan ng mga kandidato ng koalisyong oposisyon na United Nationalist Alliance (Alyansa ng Nagkakaisang Nasyonalista), bagaman hati pa rin ang partido.[6][7] Pagkatapos ng halalan ng 2016, sumali ang partido sa mayorya na pinangungunahan ng PDP–Laban, ang partido ng nanalong kandidato sa pagkapangulo, si Rodrigo Duterte. Noong 2019, sumali ang partido sa alyansang Hugpong ng Pagbabago. Pagkatapos ng halalan ng 2022, nanalo ang kandidato ng Lakas sa pagkapangalawang pangulo ng bansa at pinalitan ang PDP–Laban bilang ang pinakamalaking partido sa Kongreso, na naging mayorya.[8]

National Unity Party

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 2010, kumalas ang ilang mga kasapi ng Lakas-Kampi-CMD at itinatag ang National Unity Party (NUP) (Filipino: Partido ng Pambansang Pagkakaisa).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Romualdez reaffirms support for Duterte's federalism agenda". Philippine Daily Inquirer. Hunyo 5, 2019. Nakuha noong Enero 16, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Manalastas, Jester P. (Hunyo 5, 2019). "Federalism push renewed". Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 3, 2020. Nakuha noong Enero 16, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Dayley, Robert (2016). Southeast Asia In The New International Era. ISBN 9780813350110. Nakuha noong Abril 19, 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Cruz, Maricel (Hulyo 20, 2022). "Lakas-CMD now biggest party in House, ranks swell to 64". Manila Standard (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 28, 2022. Nakuha noong Agosto 21, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Lakas drops GMA's Kampi from coalition". The Manila Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 14, 2012. Nakuha noong Mayo 14, 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Clapano, Jose Rodel. "Lakas-CMD supports UNA Senate bets". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-06-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Boncocan, Karen (2013-02-05). "Lakas-CMD to carry 10 bets from LP, UNA". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-06-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Porcalla, Delon. "Lakas-CMD eyes replacing PDP-Laban in Congress". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)