Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Laura Dern

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Laura Dern
Si Dern noong 2017
Kapanganakan
Laura Elizabeth Dern

(1967-02-10) 10 Pebrero 1967 (edad 57)
Los Angeles, California, U.S.
Trabaho
  • Aktres
  • prodyuser
Aktibong taon1973–kasalukuyan
AsawaBen Harper (k. 2005–13)
Anak2
Magulang
Kamag-anakGeorge Dern (great-grandfather)
Andrew MacLeish (great-great-grandfather)
Archibald MacLeish (great-granduncle)
ParangalFull list
Pirma

Si Laura Elizabeth Dern ay ipinanganak noong Pebrero 10, 1967. Sya ay isang Amerikanang artista. Siya ay tumanggap ng maraming parangal, kabilang ang isang Academy Award, isang Primetime Emmy Award, isang BAFTA Award, at limang Golden Globe Awards.

Ipinanganak sa mga aktor na sina Bruce Dern at Diane Ladd, nagsimula si Dern sa isang karera sa pag-arte noong 1980s at sumikat para sa kanyang mga pagtatanghal sa Mask noong 1985 at ang mga pelikulang David Lynch na Blue Velvet noong 1986 at Wild at Heart noong 1990. Natanggap niya ang kanyang unang nominasyon sa Academy Award para sa kanyang paglganap bilang isang ulila sa drama film na Rambling Rose noong 1991, at ang kanyang unang Golden Globe na panalo para sa kanyang pagganap sa pelikula sa telebisyon na Afterburn noong 1992. Sumunod na nakamit niya ang internasyonal na pagkilala para sa kanyang papel bilang Ellie Sattler sa adventure film ni Steven Spielberg na Jurassic Park noong 1993, isang papel na kanyang muling ginawa sa mga sequel na Jurassic Park III noong 2001 at Jurassic World Dominion noong 2022.

Matapos manalo ng dalawang Golden Globe Awards para sa kanyang mga pagganap bilang Katherine Harris sa pelikula sa telebisyon na Recount noong 2008, at Amy Jellicoe sa comedy drama series na Enlightened noong 2011 hanggang 2013, nakuha ni Dern ang kanyang pangalawang nominasyon sa Academy Award para sa kanyang pagganap bilang ina ni Si Cheryl Strayed sa biopic na Wild noong 2014. Noong 2017, nagsimula siyang gumanap bilang Renata Klein sa drama series na Big Little Lies, nanalo ng Primetime Emmy Award at Golden Globe Award, at muli nyang nakasama si David Lynch para sa Twin Peaks: The Return. Nagkaroon siya ng mga pansuportang tungkulin sa mga pelikulang Star Wars: The Last Jedi noong 2017, Little Women noong 2019, at Marriage Story noong 2019. Ang kanyang pagganap sa mga nabanggit ay nagpanalo sa kanya at nagbigay maraming mga parangal, kabilang ang isang Academy Award at ang kanyang ikalimang Golden Globe Award.