Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Louis VIII ng Pransiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Louis VIII ng Pransiya
Kapanganakan5 Setyembre 1187 (Huliyano)
  • (Île-de-France, Metropolitan France, Pransiya)
Kamatayan8 Nobyembre 1226 (Huliyano)[1]
  • (arrondissement of Riom, Puy-de-Dôme, Auvergne-Rhône-Alpes, Metropolitan France, Pransiya)
MamamayanPransiya
Trabahomonarko
AnakLouis IX ng Pransya
Carlos I ng Anjou
Magulang

Si Louis VIII ang Leon (5 Setyembre 1187 – 8 Nobyembre 1226) ay namuno bilang Hari ng Pransiya mula 1223 hanggang 1226. Kasapi siya sa Sambahayan ng Capet. Ipinanganak si Louis VIII sa Paris, bilang anak na lalaki nina Philip II at Isabelle ng Hainaut. Siya rin ang Konde ng Artois mula 1190 hanggang 1226, dahil sa pagkakamana niya ng kondehan (county) mula sa kaniyang ina. Nanatiling nakadikit sa korona ang kondehan hanggang 1237, nang ibigay ng kaniyang anak na lalaking si Louis IX ang pamagat, ayon sa kagusutuhan ng kaniyang ama, sa mas nakababatang kapatid nalalaki ni Louis IX na si Robert nang maabot niya ang mayoridad.

Bagaman sandali lamang pamumuno ni Louis VIII bilang hari, na tumagal nang tatlong mga taon, naging masigla siyang pinuno bilang prinsipe ng korona habang nagaganap ang mga pakikidigma ng kaniyang ama laban sa mga Angevino na nasa ilalim ng kapangyarihan ni Haring John. Ang kaniyang pamamagitan o interbensiyon sa piling ng mga puwersang royal na papasok sa Krusadang Albigensiano sa loob ng timog Pransiya ay talagang nakapagpapunta na mawakasan ang hidwaan.


TalambuhayPransiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. "Louis VIII".