Luisa Valenzuela
Si Luisa Valenzuela (26 Nobyembre 1938) ay isang nobelista at manunulat ng maikling kwento na kilala sa kanyang peminismong pananaw patungkol sa estrakturang herarkiya ng pamahalaang diktadoryal ng Arhentina.
Luisa Valenzuela | |
---|---|
Kapanganakan | 26 Nobyembre 1938 (Buenos Aires, Argentina) |
Asawa | Theodore Marjak (m. 1958–1965) |
Magulang | Parents: Pablo Francisco Valenzuela |
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Luisa Valenzuela noong 23 Nobyembre 1938 sa Buenos Aires, ang kabiserang lungsod ng Arhentina. Sa edad na labing-pito, nagsimula siyang magsulat para sa mga pahayagan tulad ng Atlantida, El Holgar at Esto Es. Ikinasal naman sa siya sa edad na dalawampu, sa isang pranses na si Theodore Malik at nanirahan sa Paris, France. Doon ay nakapagtrabaho ang manunulat para sa Radio Television Francais. Noong taong 1958, ipinanganak ni Luisa Valenzulea ang kanyang anak na si Anna-Luisa. Matapos ang tatlong taon ay bumalik siya sa Arhentina upang magtrabaho bilang mamamahayag para sa La Nacion at Crisis magazine. Kasunod ng pakikipaghiwalay niya sa kanyang asawa noong 1965, ay ang kanyang paglalakbay sa Bolivia, Peru, Brazil para sa La Nacion.
Bilang Manunulat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa taong 1969, ay ginawaran si Luisa Valenzuela ng Fulbright Scholarship at nakapag-aral sa Unibesidad ng Iowa. Nang dahil sa programa ay naisulat niya ang nobelang, El Gato Eficaz noong 1972. Nagpatuloy siya bilang isang freelance na mamamahayag sa ibat't ibang parte ng mundo tulad ng Barcelona, Paris at Mehiko at nailathala ang kanyang mga katha sa Estados Unidos, Mehiko, Pransiya at Espanya.
Ang kanyang pagbabalik sa Arhentina noong 1974, ay kasabay rin ng kanyang pagmulat sa sitwasyon ng pamahalaang diktatoryal ng bansa. Ipinagpatulay niya ang tungkuling editoryal kung siya nakahanap ng inspirasyon bilang manunulat. Ang kanyang koleksyon ng maiikling kwento na Aqui pasan cosas raras nooon 1975 ay naging resulta ng sitwasyong political noon.
Muli namang umalis ng bansa si Luisa Valenzuela nang siya ay magawaran ng posisyon upang makapagturo sa Pamantasang Columbia kung saan ay iginawad sa kanya ang Guggenheim fellowship. Ang fellowship na ito ay siya ring nagbigay ng oportunidad upang maging propesor ang manunulat sa Unibersidad ng New York mula 1985 hanggang sa taong 1990.
Ang pagbabalik ng demokrasya sa Arhentina ay siyang ring pagbabalik ng manunulat sa bansa. Sa taong 1990, ay nalathala ang kanyang nobela na Novela negra con argentinos, La Travesia at Realidad Nacional desde la cama.
Mga Katha
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Nobela
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hay que sonreír. Buenos Aires: Editorial Américalee, 1966. (Colección Ficciones)
El gato eficaz. México, DF: Ediciones Joaquín Mortiz, 1972. (Nueva Narrativa Hispánica)
Como en la guerra. Buenos Aires: Editorial Sudamericana, 1977.
Cola de lagartija. Buenos Aires: Editorial Bruguera, 1983. (Cinco Estrellas)
Novela negra con argentinos. Barcelona: Editorial Plaza y Janés, 1990. (Colección Literaria)
Realidad nacional desde la cama. Buenos Aires: Grupo Editor Latinoamericano, 1990, 1993.
La travesía. Buenos Aires: Editorial Norma, 2001. (La Otra Orilla)
El Mañana. Buenos Aires: Editorial Seix Barral, 2010. (Biblioteca Breve).
La máscara sarda, el profundo secreto de Perón. Buenos Aires: Editorial Seix Barral, 2012. (Biblioteca Breve)
Mga Maiikling Kwento
[baguhin | baguhin ang wikitext]Los heréticos. Buenos Aires: Editorial Paidós, 1967.
Aquí pasan cosas raras. Buenos Aires: Ediciones de la Flor, 1975, 1991, 1996, 1997, 2000, 2005.
Libro que no muerde. México, DF: Difusión Cultural, UNAM, 1980. (Textos de Humanidades)
Cambio de armas. Hanover, NH: Ediciones del Norte, 1982, 1987, 1988, 1992, 1995, 1998, 2004, 2007.
Donde viven las águilas. Buenos Aires: Editorial Celtia, 1983.
Simetrías. Buenos Aires: Editorial Sudamericana, 1993. (Colección Narrativas Argentinas)
Cuentos completos y uno más. México, DF / Buenos Aires: Alfaguara,1999, 2001, 2003, 2007.
Generosos inconvenientes. Antología de cuentos. Selección y prólogo de Francisca Noguerol Jiménez. Bacelona: Menoscuarto Ediciones, 2008. (Colección Reloj de Arena)
Juego de villanos. Antología de microrrelatos. Selección y prólogo de Francisca Noguerol Jiménez. Barcelon: Thule Ediciones, 2008. (Colección Micromundos)
Tres por cinco. Madrid: Editorial Páginas de Espuma, 2008. (Colección Voces / Literatura)
ABC de las microfábulas. Edición de arte ilustrada por Rufino de Mingo. Madrid: Del Centro Editores, 2009.
Zoorpresas zoológicas. Microrrelatos. Buenos Aires: Editorial Macedonia, 2013.
Zoorpresas y demás microfábulas. Lima: Editorial El Gato Descalzo, 2013.
El chiste de Dios y otros cuentos. Calarcá: Editorial Cuadernos Negros, 2017.
Mga Sanaysay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Peligrosas Palabras. Buenos Aires: Editorial Temas, 2001. (reprint: México: Editorial Océano, 2002).
Escritura y Secreto. México: Editorial Ariel, 2002. (reprint: México: Fondo de Cultura Económica, 2003).
Los deseos oscuros y los otros (cuadernos de New York). Buenos Aires: Ed. Norma, 2002.
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Garfield, Evelyn (1985). Women's Voices from Latin America, Wayne State University Press.
Mga Link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Official Website Naka-arkibo 2022-03-11 sa Wayback Machine.
- Short Biography
- Gwendolyn Diaz." Luisa Valenzuela on Writing, Power and Gender" Biblioteca Virtual Meguel de Cervantes.