Māyādevī
Itsura
Si Māyādevī, kinikilala ring Reyna Māyā, ay ang ina ng bantog na pilosopong si Siddharta Gautama Buddha(mas kilala bilang Buddha), na nagsilang sa huli noong 563 BCE. Ang pangalang "Māyā" ay nangangahulugan "ilusyon" sa Sanskrit at Pali. Kilala rin ang reynang ito sa pangalang Mahāmāyā ("Dakilang Māyā") o Māyādevī ("Maya ang Diyosa"). Sa mga katutubo ng Tibet, siya ay si Gyutrulma.
Si Haring Śuddhodana (Pāli: Suddhodana) ang asawa ni Maya. Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.