Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Maliit na bituka

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Diagram na nagpapakita ng maliit na bituka at mga nakapaligid na istruktura

Ang maliit na bituka (Kastila: Intestino delgado, Aleman: Dünndarm, Pranses: Intestin grêle, Ingles: small intestine, gut) ay isang bituka, at isang bahagi ng katawan ng maraming may buhay na mga nilalang. Nakalagay ito sa pagitan ng tiyan at ng malaking bituka. Sa taong lampas na sa 5 taong gulang, maaaring nasa lima hanggang anim na mga metro ang haba ng maliit na bituka. Mas mahaba ito kaysa malaking bituka. Ngunit mas maliit ang diyametro nito. Sa loob ng maliit na bituka nasisipsip ng katawan ang mga sustansiyang nagmumula sa mga pagkain.

Sa mga bertebrado, bahagi ang maliit na bituka ng pitak gastrointestinal, kasunod ng tiyan, at sinusundan ng malaking bituka, kung saan nagaganap ang malakihan o malawakang dihestiyon o pagtunaw at absorpsiyon ng mga pagkain. Sa mga inbertebrado, katulad ng mga bulati, kalimitang ginagamit ang mga katagang "pitak gastrointestinal" at "malaking bituka" upang ilarawan ang buong bituka. Pangunahing tungkol sa maliit na bituka ng tao ang lathalaing ito, bagaman ang kabatiran ukol sa mga proseso ay tuwirang maaaring magamit para sa karamihan ng mga mamalya.[1] (Isang pangunahing hindi kasali rito ay ang mga baka; para sa inpormasyon hinggil sa dihestiyon sa baka at iba pang kahalintulad na mga mamalya, tingnan ang mga ruminante.) Iniluluwa o isinusuka (regurgitasyon) ng mga baka ang kanilang mga pagkain.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

AnatomiyaHayopTao Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya, Hayop at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.