Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Manchuria

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sakop ng Manchuria sang-ayon sa Unang Kahulugan (madilim na pula), Ikatlong Kahulugan (madilim na pula + medyo pula) at Ika-apat na Kahulugan (madilim na pula + medyo pula + maliwanag na pula)

Ang Manchuria (Manchu: Manju, Tradisyunal na Intsik: 滿洲, Pinapayak na Intsik: 满洲, pinyin: Mǎnzhōu, Mongol: Манж) ay isang lumang tawag sa pisikal na rehiyon na Hilagang Silangang Asya. Kinasasakupan nito ang parte ng Tsina, o sa pagitan ng Tsina at Rusya.

Ang Manchuria ang siyang kinaroroonan ng mga Xianbei, Khitan, at Jurchen na gumawa ng maraming dinastiya sa gitna ng Manchuria at Tsina. Dito din nagsimula ang rehiyon ng Manchu, kung saan ang rehiyon ay ipinangalan. Noong ika-17 siglo, naghari ang Manchu at sinakop ang Tsina hanggang sa pagbagsak noong Dinastiyang Qing sa 1911. Ang lupang kinasasakupan ng Manchuria sa Tsina ay hihigit pa sa 1.55 bilyong kilometro kuadrado.

Kinasasakupan ng Manchuria

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Manchuria ay tumutukoy sa alin mang mga rehiyon na may iba't ibang laki. Ito ay mula maliit hanggang malaki:

  1. Hilagang Silangang Tsina: Ito ay binibilang sa tatlong rehiyong Heilongjiang, Jilin at Liaoning.
  2. Ang nasaad sa ibabaw, kasama ang rehiyong nasa Hilagang Silangang Mongolia.
  3. Ang nasaad sa ibabaw, kasama ang rehiyon ng Jehol sa Hebei Province, tinawag itong Panloob na Manchuria o di kaya'y Tsinang Manchuria bilang paghahawig sa Panlabas na Mongolia.
  4. Ang nasaad sa ibabaw, kasama ang Panlabas na Manchuria o Rusong Manchuria, mga rehiyon sa Ruso na sumasakop mula sa Ilog ng Amur at Ussuri hanggang sa bundok ng Stanovoy at dagat Hapon.
  5. Ang nasaad sa ibabaw, kasama ang Sakhalin Oblast.

Nakikihati ang Manchuria sa hangganan ng Mongolia sa kanluran nito, Siberia sa hilaga, Tsina sa timog nito, at Hilagang Korea timog silangan. Ang Panloob na Manchuria ay malapit sa Dilaw na Dagat at Dagat Bohai sa timog, habang ang Panlabas na Manchuria ay malapit sa Dagat Hapon at Dagat ng Okhostk sa silangan at hilagang silangan.

Pinanggalingan ng pangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang salitang Manchuria ay isang salin mula sa salitang Manchu na Manju. Matapos ang rebolusyon sa Tsina noong 1911, na naging sanhi sa pagbagsak ng Dinastiyang Qing, ang katawagan sa lugar na kinalagyan ng mga Manchu ay lumbas na "Hilagang Silangan" sa talaan ng mga dokumento ng magsimula ang Republika ng Tsina.

Ang Manchuria ay binubuo ng hilagang parte ng Craton ng Hilagang Tsina, isang lugar na binubuo ng mga magkakapatong na batong Precambrian. Isa pa lamang na hiwalay na kontinente ang Craton ng Hilagang Tsina sa panahong Triassic. Ang kabundukan ng Khingan sa kanluran ay nabuo na rin sa panahong Triassic na nabuo sa pagbunggo ng Craton ng Hilagang Tsina at Craton ng Siberia. Ito ang kahuli-hulihang pangyayari sa pagkakabuo ng Pangaea. Kahit hindi natabunan ng yelo ang Manchuria noong Quartenary, nakitaan ang malalim na parte ng lupain nito ng loess, na namuo sa pagtangay ng mga alikabok na galing sa Himalayas.