Marlee Matlin
Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Setyembre 2010)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Marlee Matlin | |
---|---|
Kapanganakan | Marlee Beth Matlin 24 Agosto 1965 |
Asawa | Kevin Grandalski (1993-) |
Si Marlee Beth Matlin (kapanganakan: 24 Agosto 1965) ay isang aktres mula sa Estados Unidos na napagkalooban ng Academy Award bagaman halos bingi.
Aktibo si Matlin sa pagsali sa ilang bilang ng mga samahang nakikipag-kapwa-tao, kabilang na ang Children Affected by AIDS Foundation, Elizabeth Glaser Pediatric AIDS Foundation, VSA arts, at Red Cross Celebrity Cabinet.[1] Nahirang siya Corporation for National Service ni President Clinton noong 1994 at naging tagapangasiwa ng National Volunteer Week.
Tumanggap si Matlin ng grado ng pagkaduktor na may karangalan para sa mga sulatin pantao (honorary doctorate of humane letters degree) mula sa Pamantasang Gallaudet noong 1987.[2][3] Noong Oktubre 2007, nahirang at napabilang siya sa mga tagapangasiwa (board of trustees) ng Pamantasang Gallaudet.[3]
Naging matalik siyang kaibigan ng aktres na si Jennifer Beals magmula pa noong magkakilala sila sa isang paliparan noong mga dekada ng 1980.[4]
Nagpakasal si Matlin sa pulis na si Kevin Grandalski noong 29 Agosto 1993 (sa bakuran ni Henry Winkler). Mayroon silang apat na mga anak, sina Sara Rose, isinilang noong 19 Enero 1996; Brandon Joseph, ipinanganak noong 12 Setyembre 2000; Tyler Daniel, iniluwal noong 18 Hulyo 2002; at Isabelle Jane, naipanganak noong 26 Disyembre 2003.[kailangan ng sanggunian]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga unang panahon sa buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Matlin noong 24 Agosto 1965 sa Morton Grove, Illinois, kina Libby at Donald Matlin, isang tagapagtinda ng kotse.[5][6] Pinalaki siya sa isang mag-anak na Hudyo[7] sa Morton Grove, Illinois. Nagtapos si Matlin mula sa John Hersey High School sa kalapit na Arlington Heights at nag-aral din sa Harper College.[8] Nawala ang buo niyang pandinig sa kanang tainga, at ang 80% ng kakayahang makarinig sa kaliwang tainga sa gulang na labinwalong buwan pa lamang.[kailangan ng sanggunian]
Sa larangan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Hunyo 2014)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Una siyang tumuntong sa entablado sa edad na pito, bilang Dorothy sa isang tanghalang pambata para sa dulang The Wizard of Oz, at nagpatuloy sa pagganap para sa teatro ring iyon sa kabuoan ng kaniyang kabataan.
Unang siyang nakilala sa takilya nang gumanap siya sa pelikulang Children of a Lesser God noong 1986. Dahil sa pagganap na ito, napagkalooban siya ng Gantimpalang Golden Globe bilang pinakamahusay na aktres sa larangan ng drama, at nakatanggap din ng Academy Award para din sa pagiging pinakamagaling na aktres (sa gulang na 21); samakatuwid siya at siya lamang ang nagiisang tao sa kasaysayan ng pag-arte, lalaki man o babae, na natagumpay sa ganitong gawain. Iniharap siya bilang nominado para sa gantimpalang Golden Globe dahil sa pagganap bilang pangunahing tauhang babae sa seryeng pantelebisyong Reasonable Doubts (1991–1993), at isa pang nominasyon para sa isang gantimpalang Emmy dahil sa pagganap bilang bituing-bisita lamang sa palabas na Picket Fences. Naging palagiang tauhan siya ng mga serye sa huling panahon nito.
Nang lumaon, paulit-ulit na siyang gumanap sa The West Wing, at Blue's Clues. Kabilang pa sa iba niyang ginanapang mga palabas pantelebisyon ang Seinfeld (sa "The Lip Reader"), The Outer Limits (sa "The Message"), ER, Desperate Housewives, CSI: NY at Law & Order: Special Victims Unit. Nainomina rin siya para sa isang gantimpalang Primetime Emmy para sa pagganap bilang panauhing artista sa Seinfield, Law & Order: Special Victims Unit at The Practice.
Noong 2002, nalimbag at nailabas ang unang nobela ni Matlin, ang Deaf Child Crossing, na batay sa kaniyang sariling kabataan.
Noong 2004, naging bida siya sa pelikulang What the Bleep Do We Know? bilang Amanda. Sumali siya sa mga tauhang aktor at aktres ng The L Word para sa serye ng Showtime (ikaapat na panahon ng pagpapalabas), bilang Jodi Lerner, isang artistang liberal at bagong adhikain sa pagibig ni Bette, na ginaganapan ng aktres na si Jennifer Beals.
Noong 2006, pinarangalan si Matlin sa Second Annual Chief Everything Officer Awards ng AOL. Pinaunlakan niya ang pagiging bahagi ng mga tauhan para sa Extreme Makeover: Home Edition noong Linggo, 17 Setyembre 2006. Siya ang panauhing-tagapagpasinaya sa isang episodo na may isang bulag at awtistikong bata na may mga binging magulang. Nasundan ang kaniyang unang aklat Deaf Child Crossing ng karugtong na librong pinamagatang Nobody's Perfect, na naging isang dula at itinanghal sa John F. Kennedy Center for Performing Arts, sa tulong ng VSA arts noong Oktubre 2007.
Noon ding 2006, gumanap siya bilang isang binging magulang sa Desperate Housewives. Naging palagian din siyang tauhang aktres bilang tagapagtanggol ni Joy Turner (Who made many jokes of Marlee's deafness at her expense) sa My Name Is Earl at gumanap din bilang ina ng isa sa mga biktima sa isang palabas ng CSI: NY. Naging bida rin siya sa mga panooring video ng Baby Einstein, sa mga palabas na Baby's Favorite Places: First Words-Around Town at Baby Wordsworth: First Words Around the House. Kapwa idinisenyo ang huling dalawang palabas na nabanggit upang ipakilala ang wika ng pagsesenyas bilang isang uri at anyo ng pakikipag-ugnayan na hindi ginagamitan ng tinig.
Noong 4 Pebrero 2007, inilahad ni Matlin sa pamamagitan ng pagsenyas (American sign language) lamang ang pambansang awitin ng Estados Unidos, ang Star Spangled Banner, noong isinagawa ang Super Bowl XLI sa Miami, Florida. Naging pangunahing tauhan din siya sa Baby Einstein noong Marso 2007 para sa palabas nitong My First Signs, kung saan ipinakilala sa pamamagitan ng senyas ng kamay ang mga pangkaraniwang salitang "nanay" at "gatas". Naging panauhin din siya sa Hollywood Squares na pinasinayahan ni Tom Bergeron. Bagaman hindi nakakarinig at hindi hinihimok na gamitin ang sariling tinig para magsalita, sinamahan siya ng kaniyang sariling tagapagpaliwanag na si Jack Jason.[9]. Sinagot niya ang mga katanungan sa pamamagitan ni Jack Jason at nakapagpalitan pa ng mga biro. Kasama rin ni Matlin si Jack Jason, bilang tapagpaunawa na gumagamit ng sistemang pansenyas sa Amerika, sa mga pagdalo sa mga palabas ng usapin at mga publisidad.
Noong Enero 2008, gumanap siya sa palabas na Nip/Tuck bilang may isang may-katungkulan sa himpilan ng mga palabas na pantelebisyon.
Noong 18 Pebrero 2008, ipinahayag na sasali si Matlin bilang isang artistang kalahok sa patimpalak ng sayawan sa ika-6 na panahon ng pagpapalabas ng Dancing with the Stars ng ABC. Katambal niya ang mananayaw na si Fabian Sanchez.
Academy Award
[baguhin | baguhin ang wikitext]Golden Globe Award
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinakamahusay na aktres - Pelikulang Drama
Pilmograpiya at mga gantimpala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Hunyo 2014)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Taon | Pelikula | Ginagampanan | Mga tala |
---|---|---|---|
1986 | Children of a Lesser God | Sarah Norman | Academy Award for Best Actress; Golden Globe |
1987 | Walker | Ellen Martin | |
1991 | The Linguini Incident | Jeanette | |
L'Homme au masque d'or | María | ||
1993 | Hear No Evil | Jillian Shanahan | |
1996 | It's My Party | Daphne Stark | |
Snitch | Cindy | ||
1998 | When Justice Fails | Katy Wesson | |
In Her Defense | Jane Claire | ||
2000 | Two Shades of Blue | Beth McDaniels | |
2001 | Askari | Paula McKinley | |
2004 | What the #$*! Do We (K)now!? | Lead | |
2006 | What the Bleep!?: Down the Rabbit Hole | Amanda | |
2008 | Silent Knights | Charlotte Manning | preproduksyon |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Marlee Matlin, The Gift of Silence: A Conversation with Marlee Matlin Naka-arkibo 2007-06-02 sa Wayback Machine.. Voices Inc.com. 4 April 2007.
- ↑ "Transcript of honorary degree ceremony at Gallaudet" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2016-03-04. Nakuha noong 2008-03-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Profile: Marlee Matlin Naka-arkibo 2008-03-14 sa Wayback Machine.. Gallaudet University. Petsa ng pagkakuha: 26 Disyembre 2007.
- ↑ "Jennifer Beals and Marlee Matlin Send Sparks Flying on The L Word". The TV Tattler. AOL.com. 2007-02-12. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-02-14. Nakuha noong 2007-02-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Marlee Matlin. Film Reference.com.
- ↑ Marlee Matlin genealogy Naka-arkibo 2007-10-15 sa Wayback Machine.. Rootsweb.com.
- ↑ Schleier, Curt. No challenge goes unmet for deaf actress Marlee Matlin. Jewish News Weekly. 19 Enero 2007.
- ↑ Heidemann, Jason A. Vital signs Naka-arkibo 2007-10-13 sa Wayback Machine.. Time Out Chicago.com. 4 October 2007.
- ↑ Marlee Matlin Responds To My Blog!
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " Marlee Matlin " ng en.wikipedia. |
Mga talaugnayang panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na Pahina ni Marlee Matlin Naka-arkibo 2015-04-30 sa Wayback Machine.
- Marlee Matlin sa IMDb
- Marlee Matlin sa TV.com
- Celebrity Café Interview Naka-arkibo 2006-03-28 sa Wayback Machine.
Parangal | ||
---|---|---|
Sinundan: Geraldine Page para sa The Trip to Bountiful |
Academy Award for Best Actress 1986 para sa Children of a Lesser God |
Susunod: Cher for Moonstruck |
Sinundan: Whoopi Goldberg para sa The Color Purple |
Golden Globe Award for Best Actress - Motion Picture Drama 1987 para sa Children of a Lesser God |
Susunod: Sally Kirkland para sa Anna |